Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 199 - Chapter 49: Taguan

Chapter 199 - Chapter 49: Taguan

Gabi nang kaarawan ko ay naging masaya ang lahat. Lalo na ako. Hindi ko aakalain na may isasaya pa pala ang pagiging masaya ko matapos nang kadramahang iyon.

Di lang kantahan ang nangyari. Sumayaw ang lahat dahil sa pasimuno nina Kian at Aron. That's the best day of my life. I couldn't ask for more.

Pero ika nga nila. Hindi lahat ng araw ay masaya. Darating ang araw na masasaktan ka't hihiling na sana bumalik muli ang araw na naging masaya ka.

After nilang umalis. Nagpahinga na kaming lahat. Nangulit pa si Jaden ngunit inantok na talaga ako. Umaga nalang nang mabasa ko ang lahat ng mga mensahe nya.

Mahal kita Bamby.

Tulog ka na ba?.

Bat di ka na nagrereply?..

Baka tulog ka na nga.. hahaha.. Good night.. happy birthday ulit.. I love you..

Iyon ang mga mensahe nyang kakabasa ko lang. Kakagising ko palang nang unahan kong silipin kung may text sya. Hindi nga ako nabigo. Hindi lamang iyon ang pinadala nya. May sampu pa syang tawag na di ko na nasagot. I sighed and type a message for him. A good morning message..

"Bamby, ayusin mo na mga gamit mo dyan.. make sure, andun lahat ng kailangan mo.." kumatok si mama sa pinto ng silid kong nakasara. Bukas na nang hapon ang alis namin. Kaya dapat nang mag-ayos ng mga gamit.

Umoo nalang ako sa kanya sa kabila ng magulo ko pang silid. Hinintay ko ang reply nya ng kalahating oras pero wala. Natutulog pa ata. Nagpasya na akong ayusin na muna ang magulo kong kwarto.

Kinuha ko yung maleta sa gilid at binuksan. Namaywang ako habang nakatitig sa loob nito. "Ang bilis ng araw.. parang kailan lang nung umuwi kami rito.." bulong ko, na para bang sasagutin ako ng maleta.

Pinagtawanan ko lang rin ang sarili sa kabaliwan. Inisip ko nalang ang dapat ilagay sa maleta at isa isang nilalapag sa kama. Sa oras na dumaan. Napuno ng mga damit ang loob nito. Tumayo ako't kinuha ang isang bag pack na maliit. Doon, inilagay ko rin yung passport at wallet sa loob. Saka na yung charger at kung ano pa.

Natapos na ako't lahat. Wala pa rin syang reply. I tried to call his number, subalit. Out of the line. Mukhang may kausap. Or anything. Bumaba ako para kumain ng tanghalian. Hindi ko malunok bawat sinusubo ko. Parang may nakabara kahit wala naman.

"Uulan daw ngayon.." sa gitna ng aming tanghalian. Inanunsyo ito ni kuya Mark.

"Sana hindi rin umulan bukas para di maantala byahe natin.." sagot naman sa kanya ni Kuya Lance. Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang di nagbibigay ng opinyon tungkol doon.

"Babe, anong ginagawa mo?.." inis ko nang sabi sa numero nyang hindi ako sinasagot. Para na akong timang kakatingin sa screen ng cellphone ko.

Pinadalhan ko sya ng text at tawag. Marami. Pero kahit isa sa kanila. Di nya nireplyan.

Nag-iiba na ang takbo ng isip ko. Posible namang pumunta sya roon. Tsk. Iwinaksi ko ang isipin na ginugulo sya ng pinsan ko. But, who knows?. Walang nakakaalam diba.

"Niko, andyan ba kuya mo?.." Saka ko lang natanto na tanungin sa mga kasama nya sa bahay kung anong ginagawa nya ngayon.

"Opo.." mabilis na tugon ng bata. Mabuti pa sya.

Biglang bumilis tibok ng e puso. Kakaiba ito. Hindi ko maintindihan kung bakit?. O para sa ano.

Kinagat ko ang labi habang nagtitipa. "Anong ginagawa nya?.."

"May kausap po.."

Doon na nakumpirma ang kaba ko. Ayoko pa muna sanang gumawa ng kung anu ano sa isip subalit di ko talaga mapigilan.

"Kausap?.. Sino?." nagpawis at nanginig na ang mga daliri at palad ko habang tinitipa ito.

"Hindi ko po kilala ate eh.. basta ang dinig ko lang po na pakilala nya. Veb daw po.." Kusang tumigil ang tibok ng puso ko ng ilang segundo matapos basahin ang kanyang tugon. Damn!.

Ayokong maghinala pero kahit kailan talaga. Di ako niloko ng aking pakiramdam. Kaninang umaga pa ako hindi mapakali. Di ko pa nga alam kung tama yung mga damit na nilagay ko sa maleta kaiisip sa kanya. Mahirap para sakin kahit ang uminom, kumain o lumunok ng lumipas na oras nang di ko matukoy na dahilan. Ngayon, alam ko na.

"Ma, punta po ako kila Jaden.." paalam ko sabay kuha ng susi at patakbo ng mabilis sa sasakyan kahit hindi ko pa naririnig ang pagsang-ayon nila.

Biglang bumuhos ang ulan sa gitna ng kalsada. Malakas na malakas. Tama nga sila. Uulan ngayon. Pero di ko na iyon inalintana. Nagmaneho lang ako patungo sa kanila.

Nang nasa barangay na nila ako. Dahan dahan akong pumarada sa harap at gilid ng kanilang bahay. Sa parte na di agad makikita ang sasakyan. Dinial kong muli ang kanyang numero pero nagriring lang ito. Pagod at takot na ang bumagabag sakin. Anong meron at di nya mahawakan ang cellphone nya?. Ganun ba sila kaabalang mag-usap na dalawa?.

"Damn Jaden!!.." di ko na talaga mapigilang murahin ang kanyang pangalan. Pano ba naman kasi, May kausap lang sya tapos di na nya magawang magreply o bisitahin man lang ang kanyang telepono?. My goodness!. Mukhang may masasabunot ata ako ngayon.

Kahit malakas ang buhos ng ulan. Sumugod pa rin ako. Tinakbo ko ang pagitan ng sasakyan at ng kanilang gate na bahagyang nakabukas.

Hahakbang na sana ako papasok nang makita ko sa di kalayuan ang dalawang bulto. Nakaupo ang babae sa kandungan ng lalaki habang nakapulupot ang kamay nito sa leeg. Habang... Naghahalikan sila!

Umawang ng wala sa oras ang aking labi. Unti unting uminit ang gilid ng mata ko hanggang sa bumuhos na ang luha kasama ng tubig ulan na bumabagsak patungong lupa. Hinayaan ko lang sila. Mapusok ang ginagawa ng babae. Mga galaw na hindi ko pa kailanman naisip gawin o namin. Gumalaw ang malapad at malaking kamay na iyon sa kanyang hita pati sa likod nya. Mas lalong bumuhos ang mabibigat na patak nang ulan. Hinayaan ko lamang iyon. Pinanood ko lang rin sila. Kahit masakit. Kahit... nasasaktan na ako.

Tumingala ako upang pigilan pa ang luhang ayaw paawat. Shit!. Sana di nalang ako pumunta rito. Kung alam ko lang na makakapanood pala ako ng live love story dito. Natulog nalang sana ako. Damn this life!

"Ate Bamby!!?.." sa kabila ng pagtingala ko at pagsalubong sa bawat ulan na babagsak. Narinig ko ang isang matinis na boses. Pinalis ko ang tubig ulan at luha saking mata upang matanaw sya sa may pintuan. Kung saan, sa likod noon ay may dalawang naglalampungan. Agad syang kumaway sakiin nang magtama ang aming paningin. Nakangiti.

"Bakit po kayo naligo sa ulan?.." muling hirit nya. Nakita ko kung paanong marahas na tumayo si Jaden Tinulak bahagya ang taong katabi. Nanlalaki ang kanyang mata. Walanghiyang nag-ayos naman ang babae sa kanyang gilid bago humarap sakin nang may kapal na mukha... nakangisi pa ang gaga.

Mariin ko lang kinagat ang labi. Nagtitimpi ng galit. Ngumisi ako kahit ang totoo, nanghihina na ako. Nanlalamig. At nahihilo. "Wala Niko.. Ahahahaha.. yayayain sana kitang maglaro ng taguan sa iilalim ng ulan kaso.. nahuli na pala ako.. mukhang may nakahome base na.." di ko na mapigilan pang maging sarkasmo sa harap ni Niko.

Umawang ang labi ni Jaden. Kinausap sya ng katabi pero hindi sya nagsalita. Nakatitig lamang ito sa akin. "Hindi mo naman po agad sinabi ate.. isasali sana natin si kuya.." mahina akong tumawa. Yung tipong ako lang ang makaririnig. Para na akong baliw. Tumatawa habang umiiyak. Crazy hell!

"Ahahahaha.. saka na Niko.. wag na natin isali kuya mo... baka mahuli lang sya.." humalakhak ako sabay saludo at alis. Sa likod ng mga sinabi ko. Para akong sinasaksak ng isang daang ulit ng madiin gamit ang matulis na patalim.

Ang sakit sakit. Pakiramdam ko, parang napunit ng maliliit na piraso ang puso ko. Pinipiga. Dahilan para mahirapan akong huminga