Di ko alam kung ilang oras tumigil ang mundo ko. Naglalayag ang isip ko kung anong ibig nyang sabihin sa mga iyon. Sinadya nya ba talagang isulat ang mga yun o hinde?. Bulong ng isang parte ng utak.ko ay, maaari. Kung hindi nya sadya, bakit sinulat pa nya?. Diba?. Sa mismong kaarawan ko pa. Kung di nya naman sinadya. Sinong anak ng baliw ang magpapadala ng sulat sakin ng ganito at gamit pa ang pangalan nya?. Nalilito na ako.. Seriously. Isa lamang sa dalawang nabanggit ko ang maaari doon. Malakas ang kutob ko sa una. Dahil, noong unang pag-uusap namin, nang araw ng reunion. Doon, may nabanggit nga syang lalaki noon. Ang mali ko lang. Di ko inaalam kung sino. Tapos ngayong, nalaman na nga nyang kami na nitong taong gustong gusto nya. Heto pa rin sya, pinipilit abutin ang taong nakatali na. Sa madaling salita. Kahit masaktan pa ang isa sa amin. Gagawin nya pa rin ang gusto nya. Iyon na ang hindi ko papayagan. Mabait akong tao. Pero kapag ginalit mo. Aba?. Magtago ka na. Dahil kahit abo. Ayaw nang dumapo sa kamay ko kapag alam na galit ako. Double kill kung pwede lang.
Matapos basahin ang sulat kamay nya. Naghilamos ako para mahimasmasan. Hindi ako galit sa kanya. Galit lang ako sa mga ginagawa nya. Sa tingin nya ba, tama lahat ng kinikilos nya?. Na nakakatuwa? Hell! Kung kapatid ko lang sya, baka matagal ko nang nasabunot. Maswerte lang sya at hindi nangyari iyon.
"Ehem..." tumalon ng malakas nang wala sa oras ang puso ko nang biglang marinig ang boses na yun.
Gosh! Mabuti nakapaghilamos na ako. Kung hinde, baka makita nyang namumutla pa ako.
"Babe, you okay?.." nananantya nyang sambit. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Hawak ang sink at yung towel na pamunas. Pikit mata kong inilabas ang kaba na bumalot sakin kanina pa. Marahang huminga ng malalim bago sya hinarap nang nakangiti.
"Yes babe, I'm okay.." ipinunas ang towel sa kamay kahit hindi naman basa. Mukhang di pa rin sya kumbinsido. Nananantya pa rin ang kanyang mata.
"Kanina ka pa hinahanap nina Karen sa labas.. may problema ka ba?.." he sighed while walking towards me. Seryoso pa rin ang mukha.
Muntik ko nang madurog ang dila ko, kakakagat ko nito. I want to tell him everything but damn! Bumibilis tibok ng puso ko. Daig ko pa nakikipagkarera sa kabayo. "Babe, may problema ba?.." pang-uulit nito nang nasa harapan na nya ako. Di ko kayang tumitig sa kanyang mata kaya nagbaba ako ng tingin saka pagod na sumandal sa sink.
Humakbang pa sya papalapit sakin. Pareho kaming natahimik nang magkalapit. Tumayo lang sya sa harap ko ng ilang minuto bago nagsalita. "May gumugulo ba sayong isip?. Sabihin mo naman babe.."
"Wala.." di pa rin makatingin sa kanya..
"Kung wala, bakit hindi ka makatingin sakin?.." hinawakan nito ang aking baba. Unti unting inangat para magpantay ang aming paningin.
Nagkatitigan kaming dalawa.
Panay lunok lamang ang tangi kong nagawa sa loob ng minutong pagsalubong ng aming mata. Damn! Naguguluhan ako sa kung anong sasabihin.
"Babe?.." hinaplos nito ang aking pisngi. Shit! Birthday ko pero bakit naiiyak ako. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang biglang namuo saking mga mata. Nakita ko kung paano sya magulat ng mga iyon. "Shit!.." malutong pa nyang mura. Galit ang nakita ko sa kanyang mata. "Babe, please!. Wag kang umiyak.."
Pero lintik! Imbes tumigil na dapat ako sa pag-iyak. Lalo pang bumuhos ang luha ko sa harapan nya. Damn it!
"What is it?. Tell me.." he's begging now. Nagkapira-piraso ang puso ko nang makita ang mata nyang naguguluhan. How will I explain?. Hindi kaya ng dila ko ang magpaliwanag. Nanginginig ito.
Pinanood nya akong umiyak. Bawat patak ng luhang bumababa galing saking mata. Agad nya itong pinupunasan na para bang kasalanan kung bumagsak ito.
Kumalma ako matapos ang ilang minuto. Tinakpan ko agad ang mukha dahil sa hiya at pamumula. Imbes pagtawanan. Kumuha sya ng isang basong tubig saka iniabot sakin. Kinuha ko rin ito para atleast kumalma.
"Gusto kong malaman.. anong dahilan ng mga luha mo kanina?.." tanong nya matapos naming umakyat at maupo sa terasa sa itaas. Nililipad ng hangin ang buhok ko kung kaya't agad nya itong sinalikop gamit ang kanyang mga palad saka humarap sakin.
Huminga ako ng napakalalim. Naisip ko yung sinabi ni mama. Kailangan ko ngang sabihin sa kanya ang tungkol doon. He needs to know. He have to know. He should know about what am I thinking. Para di na sya mag-alala pa.
"Aalis na kami, dalawang araw mula ngayon.." basag pa ang boses ko nang magsalita. My goodness!
"Nasabi na sakin yan ng mga kuya mo.." simpleng sagot nya lang. Nakatitig sakin ng mariin. Habang ako ay nasa asul na langit ang tingin. Wala akong lakas na tumingin sa mata nyang parang alak. Nalalasing ako.
"May sasabihin ka pa ba?.." Anya nang matahimik kaming pareho matapos ng ilang segundo. Lumunok ako ng todo. Damn! Kailangan ko na itong sabihin. Umayos ako ng upo. Hinarap sya kahit ang totoo, kinakabahan ako.
"There this girl.." umpisa ko. Kinuha ko ang kamay nya sa buhok kong nasa likod at pinagsalikop. Doon ako tumingin habang hinahaplos ang likod ng kanyang mga kamay. "Binantaan nya ako na... kahit ano raw ang mangyari... kukunin ka nya sakin..." Kay hirap ko itong sinabi. Na para bang sa bawat titik o salita, ay parang mga bato o bala na lumalabas saking dila. Ayoko mang sambitin pero kinakailangan... para sa amin...
I saw how his adams apple moved. Mukhang di nya rin inasahan yung mga sinabu ko. "Hindi ko kayang mawala ka.." kinabahan ako. Sobra! Nag-angat ako ng tingin at hinaplos ang kanyang mukha.
"Bakit di mo agad sinabi?.." Lalo nyang inihaplos ang kanyang mukha saking kamay habang nakapikit.
"Ayokong mag-alala ka.." totoo iyon.
Nagmulat sya nang mata kalaunan.
"Pero, mas nag-aalala ako sa'yo.." yumuko sya't tinignan ang kamay naming magkahawak. "Umiyak ka ng di sinasabi sakin... bakit, sino ba sya?. mas maganda sa'yo?...."
Sinamaan ko sya ng tingin sabay nguso. Hinapit nya ako palapit sa kanya. "Kahit sobrang ganda pa nyan... mas maganda ka pa rin sa paningin ko. "
"Eh?.. kahit sexy pa?.."
"Mas sexy ka.." mabilis nitong sagot. Bumilis na naman tibok ng aking puso.
"Kahit akitin ka pa nya?.." tinaasan nya ako ng kilay. "Ayokong magpaakit sa kanya o kahit pa sa iba..."
"E pano kung magaling syang mag-akit?.."
"Hinding hindi mangyayari iyon dahil loyal ako sa'yo.."
Talaga lang ha?. Gusto ko itong sabihin pero di ko natuloy dahil inunahan na nya ako. "Hindi ko kayang mawala ka sakin Bamby..kaya kahit sino pa yan.. maganda, sexy o anu pa man.. hinding hindi nya ako makukuha sa'yo...dahil.. seryoso... ako.. sa'yo..." dahan dahan at diniinan nya ang bawat huli nyang sinabi. "At... mahal na mahal kita..." dugtong nya. Kulang nalang tumalon na ang puso ko sa tuwa.
"Pero--?.." agad nyang inilapat ang hintuturo saking labi upang pigilan.
"Shhhh... tama na yan... ginugulo mo lang isip mo.. kapag sinabi kong.. Mahal kita.. Mahal kita.. kumapit ka doon.. at paniwalaan iyon.." natigilan ako ng sobra. Seryoso sya nang sabihing mahal nya ako. Doon nabura ang lahat ng bagabag sa pagkatao ko. Lahat ng takot at pag-aalala. Nawala na parang bula. "Baba na tayo.. birthday mo pa naman tapos umiiyak ka.. Ang pangit mo na tuloy.."
Matagal kong naproseso ang sinabi nya. "Babe!?.." tumayo ako't ngumuso.
"Ahahahaha!.." humagalpak lamang sya na parang walang nangyari.
"Jaden!.."
"Hindi Jaden, babe?. it's babe?!." nginisihan nya lang ako galing sa malayo sabay guhit sa ere ng hugis puso.. "I love you!..." nauna na syang bumaba sakin matapos magpalipad ng halik sa ere.
Tama nga si mama. Dapat wag matakot na magsabi ng totoo sa iba. Malay natin diba. Maiintindihan nila tayo..kahit inuunahan natin na malabo nilang maintindihan ang lahat. Kailangan pa rin nating sabihin ang totoo..