Tanghaling tapat na nang nagising ako. Di ko namalayan ang oras. Bumangon ako't kinapa ang ulo. Bahagya itong masakit. Hindi naman ako uminom o tumikim ng alak kagabi pero bakit ano itong sakit ng ulo ko?. Dahil ba sa saya?. Gosh!.. Maaari ba yun?. I don't know either.
"Bamby, can I borrow your laptop?.." kumirot pa lalo ang ulo ko nang sumubok akong gumalaw. Shit!!..
Wala akong magawa kundi hilutin nalang ang sentido para medyo kumalma.
"Bamby, are you awake?. I'm coming.." pagkasabi nya nito. Gumalaw na ang saradura hudyat na papasok na sya.
"Gising ka na pala?. Pumasok na ako.. di ka naman kasi sumasagot.." Ani kuya Lance. Suot pa rin nito ang pajamang itim at sandong puti. Magulo pa rin ang kanyang buhok. Mukhang bagong gising.
"Yeah.." I just nodded at him while caressing my temple.
"Pahiram ng laptop mo ha.. dead bat yung akin.." he grabbed my laptop on my table before turning to me. "Masakit ulo mo?..."
"Meds please.." hingi ko sa kanya. Not answering his questions. I don't know his reaction now. Nakayuko kasi ako. Pero hula ko nang nagsalubong na naman kilay nya. I know him well.
"Uminom ka ba kagabi?."
"Nope.."
"What's with the headache then?.." baritono nyang himig. Parang bumaligtad ata kami. Ako sana magtatanong sa kanya neto eh. Sobrang lasing nya kagabi tapos nagsusuka pa. Kung di pa ako tinulungan ni Jaden na ipasok sya sa bahay baka pati sya naulanan.
I knew it!.. Nabasa pala ako ng ulan kagabi. Sinilip ko pa kasi si Jaden sa labas kung nakaalis na ba sya talaga o hinde pa.
"Pumasok ka na babe.. umaambon na.." Jaden, keeps on repeating this after a minute. Sa tigas ba naman ng ulo ko. Umiling ako sa kanya. Gusto ko pa kasing syang kausapin. Not wanting him to go home. So selfish Bamby!!..
Then after a while. Umulan ng malakas. Patakbo kaming pumasok sa loob ng garahe. Iniwan ang motor nya sa labas. Sabi ko naman kasi sa kanyang wag na kaming ihatid. Kaya ko namang magmaneho. Matigas rin ang ulo. Hindi pa rin sya pumayag. Sinundan nya kami hanggang makarating ng bahay. Kaya eto, naabutan na sya ng ulan.
"Ang lakas ng ulan.." mabibigat ang bawat bagsak nito sa bubong. Parang may yelo.
"May bagyo raw kasi.." he said. I turned to him. He looked at me too. Intently. Pinunas ko ang kamay na nabasa sa likod ng short. "I don't know.. Kailan pa?.."
"Ngayong gabi palang sya maglalanfall.."
"Delikado pa naman ang magmaneho babe.. wag ka nalang kaya umuwi?.." Wala sa sarili kong himig.
"Ayaw mo ba akong umuwi?.." I saw his evil smirk.
Di ko mapigilang paikutan sya ng mata.
"Kung pwede lang e.. tsk.. bat kasi hinatid mo pa kami.. babyahe ka pa tuloy.."
"Gusto kong makita kang ligtas na makakauwi.."
"What about you?.. Gusto ko rin na lagi kang ligtas.." he just laughed at my remarks. Then made a one step closer to me. Hinawakan nya ako sa balikat. "Safe akong magmaneho.."
"Kahit na.. E pano kung--?.." he cut me off through his index finger on my lips.
"I promise.. makakauwi ako ng ligtas.. wag ka ng mag-alala.."
"Di ko mapigilan eh.."
"Hahahahaha.. I know.. I love you babe.. pasok ka na.."
Ngumuso ako.
"Di pa tumitila ang ulan, aalis ka na?." ginulo nya ang buhok ko. "Hindi yan titila dahil may bagyo. Kailangan ko nang unuwi para hindi ako abutan ng mas malakas pa na ulan.." paliwanag nya. Wala akong choice kundi tanguan nalang sya. Kahit labag pa sa loob ko. Alam mo naman na may bagyo e. Bat ayaw mo kasi syang paalisin Bamby?.
"I have to go for now babe.. I love you.. Promise, I'll be safe.." hinalikan nya ako sa pinsgi at kumaway sa pagitan ng gate at ng daan bago tuluyan syang nawala sa paningin ko. Lumabas pa ako para silipin sya. Nabasa na ako noon. Kaya siguro, masakit ang ulo ko ngayon.
"Daig mo pa ako huh?.. Uminom ka ba talaga kagabi o hinde?.." kulit ni kuya sakin. Nasa kusina na kami. Sya, nagluluto ng lugaw. Ako, hawak pa rin ang sentido. Nakaupo. Pinapanood syang lutuin ang lugaw.
"Hindi nga.."
"E bakit nga, sumakit ulo mo?.. May nangyari ba kagabi?.." hinarap nya ako. Tinalikuran muna ang niluluto.
"Umulan kasi kagabi.. nabasa ako.." he remain silence in a second. Mukhang nalilito sa akin.
"Hinatid tayo ni Jaden kagabi. Kaya hinatid ko rin sya sa labas.." paliwanag ko. He twisted his damn lips. Gustong magsalita pero nagpipigil lang. I continued. "Nag-alala kasi ako. Malakas ang ulan. Baka mapano.." pahina nang pahina ang pagsasalita ko. Then I looked away.
"Gaano ako kalasing kagabi?.." akala ko pagagalitan na nya ako. Subalit, damn!. Hinde. This is so unusual.
"Hindi lang lasing. Sobrang lasing mo po.." diniinan ko ang salitang sobra para ipaalala ang pagkatalo nya kagabi sa alak. Laklak kung laklak dude!. Haist!!..
Hindi na sya kumibo pa. Nilagyan nya lang yung bowl ng lugaw tapos iniwan na akong mag-isa sa hapag. Bakit kaya di na sya nagtanong sa kung paano sya nalasing ng sobra kagabi?. May ideya na rin siguro sya. Tsk. Bahala sya dyan. Basta ako, gumaan na ang pakiramdam ko sa lugaw na kinain.