Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 181 - Chapter 31: Ulan

Chapter 181 - Chapter 31: Ulan

Maghapon, magdamag ang ulan. Kung kaya't, hindi kami makalabas. Panay ang reklamo ni kuya Mark dahil may lakad daw sila ng kanyang asawa dapat ngayon. Kaso marami nang kalsada ang baha. Hindi na pwedeng daanan kaya panay kamot ito ng ulo.

"Badtrip!.. Bakit ngayon pa nagkaroon ng bagyo?. Bwiset!.." nagmura pa ito sa frustration. Ginulo ang buhok at padabog na umakyat sa taas. Kaming lahat ay nasa sala. Nakaupo kami ni kuya Lance sa baba na nilatagan namin ng carpet. Habang sina Mama ay sa sofa. Magkayap sila ni Papa.. Kainggit. Gosh!.. At yung isang kanina pa hindi mapakali. Namomroblema. Di ko naman alam dahilan nya.

"Saan ba punta nila Kuya ma?.." tanong ko kay mama nang hindi sila nililingon. Maglalaway lang ako sa kasweetan nila e. Kaya wag nalang.

"Abroad.." maikli nyang tugon.

"Where exactly po?.. Yun ba yung honeymoon nila?.." I asked curiously. Nilingon ko si kuya Lance dahil narinig ko ang pagsinghal nya. I want to ask him why is that?. Pero, binalewala ko nalang.

"Seoul, South Korea.."

"What!??..." as in napatayo pa talaga ako upang harapin sya.

Damn!!.. Dream destination ko yun ma!.

Totoo. Noon pa man. Gusto ko na talagang pumunta doon.

Pinandilatan nya ako ng mata. Lalo na si papa. Nagulat ata sa naging reaksyon ko. "Bakit hija?.." papa asked.

Kagat ang aking labi nang ako'y yumuko. After a span of defeaning seconds.

Napapahiya akong umupo nalang ulit sa tabi ni kuya na walang ginawang reaksyon sa pagtayo ko.

"Bakit nak?..." he repeated.

"Dream destination pa.." kuya Lance answered him for me. Nilingon ko sya. How did he know it?. Wala akong pinagsabihan ng sikreto ko e.

"How did you know?.." mahina kong siko sa aking katabi.

"It's just my guess. You are in to kdramas. I think so. That's why.." he just shrugged his shoulders at me. Tapos binalik na sa screen ang atensyon.

Ganun ba?. Kung ganun, madali lang ba akong hulaan?. Tsk.

"You wanna go with them?.." papa butted in.

"I'd love too. but it's their honeymoon. I don't want to be their third wheel pa." paliwanag ko. Syempre honeymoon nila yun. Bakit naman ako sasama sa kanila?. Kahit pa gustong gusto kong pumunta dun kung third wheel lang din ako. No way in hell!. Saka na, kapag nagkapera na ako.

Di na muling kumibo si papa. Hanggang sa gumabi na naman. Bawat patak ng ulan. Bawat haplos ng hangin. Iniisip ko na masarap matulog ngayon. Kaya pagkatapos naming kumain. Umakyat na agad ako saking silid. Nahiga at tinawagan si Jaden.

Ano kayang ginagawa nya ngayon?.. Ang sabi nya kanina, gumagawa raw sya ng bangkang papel ni Niko.

"Hello babe?.." his hard voice filled me. Napapikit ako. Sobrang miss ko na sya. Dalawang araw na sinula nung huli naming pagkikita. Sana tumila na rin ang ulan.

"Babe, kumain ka na?.."

"Kakatapos babe. Ikaw?. Kamusta nga pala yung bangkang papel na ginawa mo?.." sumbdal ako sa headboard.

"Ayun lumubog... umiiyak si bunso. hahahahaha... sinisi ako. Fake raw yung gawa ko. hahahahaha.." halakhak nya. Sobrang tawa ko dahil lulubog naman talaga yun dahil nga papel. Suskupo!!. Ang cute ni Niko!..

"Ahahahaha... gumawa ka nalang sana ulit.."

"Hahaha... babe. Gumawa nga ako pero tinapon nya lang sa baha sa labasan. Pati yung dyaryo na walang kasalanan. Pinagdiskitahan nya.. hahahaha.. loko..."

"Hahaha.. Ang cute.."

"Sinabi mo pa babe. Hahaha.. tawa kami ng tawa dito sa bahay. Sumakit tyan ni ate Cath sa kanya.. haha.."

"Namimis ko tuloy yung kakulitan nya.."

ang kulit kasi talaga nito. Matalino pero syempre di maiiwasang isip bata pa rin sya. Kaya nakakatuwa.

"E ako?. Hindi mo ba namimiss?.." anya. Humaba ang aking nguso. Kung alam mo lang.

"Sobrang miss na rin kita babe.."

"Miss na miss na miss na kita babe. Sana tumila na ang ulan bukas..."

"Sana nga rin. Nabuburyo na si kuya Mark dito sa bahay. Napostpone kasi yung honeymoon nila dahil sa bagyo.."

"Ang alam ko hanggang ngayong gabi nalang daw ang ulan. Kung sakaling wala ng ulan bukas, pupunta ako dyan.."

"Sure ka?.." naexcite na naman ako.

"Oo. Isasama ko sina ate Cath at Niko.." yung inaantok na ako pero nabuhay muli ang dugo dahil sa narinig. Beym!..

"Seryoso?.."

"Hmm.. miss ka na rin daw nila... tsaka.." he paused a little bit. "Gustong magcelebrate ni ate dahil sa wakas daw.. hindi na ako torpe..."

Natutop ko ang bibig bago humagalpak ng matindi. "Bwahahahahaha..."

"Ang sama neto.." I heard him murmured.

"Hahaha.. sorry babe..Di ko lang maiwasan. Totoo naman kasi eh... ahahahaha.." He just cleared his throat habang ako ay tumatawa. "Inaantok na ako kanina babe e. Binuhay mo muli ako.. hahaha.." I teased him.

Hanggang sa naasar na sya't nagpaalam na para matulog. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa pa ba ako o hinde?. I made him mad. Baka indianin ako bukas. I texted him.

"Are you mad?. Sorry babe. I love you. Good night.. see you.."

"I love you too... humanda ka bukas.." he replied with a warning.

Parang tanga akong nakangiti habang nakapikit na. Makakatulog ba ako sa lagay ko ngayon?. Haist... Matulog ka na Bamby. Humanda ka raw bukas. Bilin ng Prinsipe mo. I close my eyes with a wide smile.