Magkayap pa kami nang natanaw ko si kuya Lance sa likod ni Jaden. Nakatayo ito. Nasa loob ng bulsa ang mga kamay. Walang emosyon ang mukha.
Bumitaw ako ng yakap. Baka kasi suntukin e. Ayoko kayang mabasag mukha nyang gwapo. "Kuya?!.." natataranta kong sambit. Agad lumingon si Jaden sa taong tinitignan ko. Humakbang ako ng isa ngunit hinablot nya lang ang aking kamay. Pinagsalikop ang aming mga palad. Kinabahan ako ng todo habang nakatingin sa aming mga kamay. Pero sya, kay kuya na nakatingin. Diretso. Gosh!..
Nang tumingin na ako sa aking kapatid. Nanlamig na ako. What the heck!.. Baka kung anong gawin samin?. Suskupo Bamby!!.. Tumakbo na kayo!. So crazy!..
"Kuya?..." takot na takot talaga ako sa kanya. Humakbang sya papalapit samin. Seryoso. Pilit kong tinatanggal ang kamay sa palad ni Jaden ngunit mas lalo nya lang hinigpitan ang hawak dito. Kinakabahan ako. Sobra.
"Kuya Lance.." parang tanga na ako dito. Nagmamakaawa. Kunin mo nang lahat sa akin. Wag lang sya. Damn it!.
"Lance.." sumabog ang kaba sa aking sistema nang magsalita si Jaden.. Mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. "Bro, kami na.." bunyag nya eksaktong paghinto nito sa aming harapan.
Takot ako sa magiging reaksyon nya dahil sa loob ng mga araw ng panliligaw ni Jaden. Wala syang sinabi na, kung boto ba sya o hinde. Basta yung pag-akyat lang sa ikalawang palapag ang binanggit nya. Nothing more. Nothing less. Kaya di ko talaga alam ang gagawin ngayon.
Agad kong iniwasan ang mata nya nang tignan ako. "Congrats, kung ganun.." bigla ay nagsalita sya nang ganun. Anong sinabi nga ulit?. Congrats daw Bamby!.. My goodness!!..
Nalilito ko syang nilingon. Malaki ang ngiti. Ibig sabihin, ayos lang?.
"Bro.." inilahad ang kanyang palad kay Jaden. Parehong laglag ang aming panga. Di makapagsalita.
"Welcome sa aming pamilya.." nakalahad pa rin ang kanyang kamay.
"Salamat bro.." ilang minuto pa muna bago kinuha ni Jaden ang kamay nyang nakalahad. Nagkamayan silang dalawa. Tinapik pa nya ang balikat nito. "Double celebration ba tayo?. Saan?.." ngiti nya.
"Ah.. oo. Sa bahay nalang.." kamot ni Jaden ang ulo.
"Good..." tumango sya sa kausap bago bumaling sakin. "Oh, lil sis, baka himatayin ka dyan. Okay ka lang?.." ngisi pa nya.
God!.. Masaya ako ngayon eh. Bakit naiiyak ako?. Naghalo halo ang emosyon ko. Natutuwa. Nagugulat. Hindi makapaniwala.
"Ahahahaha... halika ka nga.." he spread his arms for me to hug him. Di ko na talaga napigilan pa ang luha. Pinunasan ko agad ang luhang naglandas saking pisngi bago ko sya niyakap. At doon umiyak nang umiyak dahil sa saya.
"Hahaha.. bat ka umiiyak ha?.. Kayo na nang taong crush mo. Dapat masaya ka.." he tapped my back while laughing. Kinuyom ko lang ang palad ko saka sya sinuntok kahit yakap ko pa rin sya. Humalakhak pa sya lalo.
"Oo na.. nahihiya ka?. Hahaha.. Bakit?. Si Jaden at ako lang naman ang andito ah... hahaha.."
"Kuya naman eh.." Grabe!. Nakakahiya. Ang pangit ng mukha ko kapag umiiyak tapos nakita pa nya. What the hell?!!.
"Hahahaha.. Tara na nga bro..Iwan na natin yan.." inakbayan nito si Jaden palabas ng park. Nilingon lang ako ni Jaden. Mabilis kong inayos ang sarili bago ko sila sinundan.
Ngayon ko masasabi na. Masaya talaga ako. Natupad na yung pinapangarap kong maging kami ng crush ko. At payagan ako ni kuya Lance na magkajowa. At, hindi pa hadlang samin. What more diba?..
Happiness overload!..
"Hoy!.. antayin nyo ako!.." sigaw ko sa kanila pero hindi ako pinansin ni kuya. Gusto sana akong puntahan ni Jaden kaso hila pa rin sya ni kuya.
"Guys, ano?. Party?.." anunsyo ni Winly sa aming grupo. Nagkumpulan silang magtropa. Nakisali naman kami sa kanila. Syempre, magkatabi kami ni baby boy. At nakaakbay pa sakin. Oh diba?. Whoa!!!...
"Saan tayo ngayon?.. Pare?.." tanong ni Aron kay kuya. Samin sya nakatingin. Di pa rin ako komportable sa mga tingin nya. Ilang pa rin ako. Soon siguro. Masasanay din ako..
"Jaden, ikaw?. Saan tayo?.." si kuya ang nagtanong nito. Natahimik ang lahat. Natigilan bigla. Lalo lang nya akong hinapit palapit sa kanya bago sinagot si kuya. "Sa bahay nalang.. tara.." at nagsaya na ang lahat. Nauna ang iba sa paglalakad. Nagpahuli lang kami.
"Thanks babe.." hinalikan ang aking buhok habang akbay pa rin ako.
"Hehe.. gift ko yun para sa'yo.. you deserve it.." ngiti ko sa kanya. Pinanggigilan ang pisngi ko bago nagnakaw muli ng halik. Ngayon, sa labi na. My goodness!.. Air please!..
"Thank you so much babe.." ginulo ang buhok ko tapos inayos rin agad bago kami sumunod sa mga taong naghihintay na samin sa parking lot.
I'm damn happy today.