Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 178 - Chapter 28: Celebration

Chapter 178 - Chapter 28: Celebration

Tulad nang nasa telebisyon at libro. Nagustuhan rin ako ng taong crush ko. Ang swerte ko hindi ba?. Isa ako sa mga mapalad na pinagbigyan ng tadhana. Pinangarap ko lang ito dati. Laging iniisip. Maging sa panaginip. Sya ang laman. Tapos ngayon, gosh!.. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Para itong isang panaginip na kung pwede lang. Ayoko nang magising.

"Bamby, sakay na.." utos sakin ni kuya nang makarating kami nang parking lot. Nakasakay na ang ilan. Sya, si Aron at Dave nalang ang nasa labas. Naghihintay samin.

Dumiretso kami sa kanilang pwesto. "Sakin na sya sasabay bro.." si Jaden ang sumagot para sa akin. Whoa!. Tumingin sya samin ng ilang segundo bago tuluyang tumango.

"Sige. Ingat bro.. tara.." agad nyang inakay ang dalawa na may nagtataka nang mukha. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan na silang nakapasok sa sasakyan.

Baka may hinala na sila samin. E ano naman?. Hindi naman lingid sa kaalaman nila na nanliligaw na itong si boy sakin. Kaya malamang, nahulaan na nila kung anong meron samin ngayon.

"Humawak ka ng mabuti. Baka mahulog ka.." dinala nya ang aking kamay sa kanyang baywang. Niyakap nya ito sa kanya. "Ayokong mahulog ka pa sa iba. Papakasalan pa kita.."

Damn boy!!..

"Tsk.. baliw ka talaga.. tara na nga.." pinaharurot nya agad ang kanyang motor. Mas lalo naman akong yumakap sa kanya dahil sa bilis nyang magmaneho. Baka mahulog nga rin ako. Suskupo Bamby!!. Gusto mo lang syang yakapin ng mahigpit eh. Diba pangarap mo lang din yan dati?. Whoa!..

Nang nasa bahay na nila kami. Nauna akong umasok sa loob. Hinatid nya ako actually tapos lumabas muli upang iparada raw ng maayos yung motor nya

"Ate Bamby!..." patakbo si Niko na nagpabuhat sakin. Hinalikan ako sa pisngi bago niyakap ng mahigpit. "Namiss po kita. Bakit ngayon lang po kayo pumunta dito?."

"Bamby, upo ka muna.. Niko, masyado kang mabigat para magpabuhat pa kay ate Bamby mo. Baba na.." suway sa kanya ni ate Cath. Ngumuso lamang ito at umiling. Binabalewala ang kanyang kapatid.

"Okay lang po ate.. hehe.." paniniguro ko kay ate Cath. Nakaupo naman na ako kaya di ko na ramdam ang bigat nya.

"Sorry Niko. busy kasi si ate.." gosh!. Naguilty ako. Anong busy Bamby?. Ang sabihin mo, sa kuya ka lang nya abala. Wala nang iba. Suskupo!!..

"Babe, kumain ka na muna.." nilapag ni Jaden ang platong puno nang pagkain sa mesang nasa aming harapan. Kita ko kung pano lumaki ang mata ni Winly at kung pano umawang ang labi ni Karen sa kanyang binanggit.

Oh!!.. Base sa kanilang reaksyon. Surely, they'll know now.

"Thanks boy!.." nginisihan nya ako bago binuhat si Niko sa aking kandungan. Dinala sa labas na may nagkukumpulang mga tao.

"Oh my gurl!.."

"Babe huh?.. wiw!!.." sabay silang namangha nang umalis na sya. Di ko sila pinansin. Kinuha ko nalang yung plato at nagsimula nang kumain. Ramdam kong gusto nilang magtanong pero pinipigilan lamang nila ang kanilang sarili. Ang ginawa ko. Nilunok ko muna ang pagkain at binalik sa mesa ang plato. Huminga ng malalim bago tumingin ng kalmado sa kanila. "Kami na.." iyon lang ang sinabi ko para mabilisan. No more further explanations.

Tumango tango si Karen habang suot ang nakakabaliw nyang ngisi. Habang si Winly naman, tutop ang bibig gamit ang dalawang kamay. Oa. Haiyst!.

"Sabi na nga ba. Ramdam ko pa noon na may kakaiba sayo eh.. pero gurl. Congrats.. I'm happy for you.." tumayo sya at niyakap ako.

"Ate gurl!. Congrats sa inyo.. finally huh?.." naiiyak na niyakap din ako ng bakla. Tinapik ko ang kanyang balikat.

"Guys, sa labas tayo. Karaoke.." sumulpot ang bulto ni Dave sa pinto na kinindatan pa ako. Bakit kaya?.

"Okay lang kayo?.." tanong nya nang makitang nagpupunas ng luha ang dalawa. "May nangyari ba?..." si Karen ang sumagot sa kanya.

"Wala. Labas na tayo.." nauna silang lumabas. Sumunod nalang din ako. Nang umupo ako sa mesang tinuro ni Dave. Nakuntento na ako. Katabi ko rin kasi si Karen.

Naka-on na ang karaoke. Pumindot doon si Billy at binigay kay Jaden ang mikropono. Chineck kung gumagana ba ang hawak. Nang malamang okay. Nagsimula na syang kumanta.

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo. Pinikit nya ang kanyang mga mata.

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso. Nang nagmulat na sya. Dumiretso na sakin ang kanyag mata. My goodness!.. Bat ang gwapo?!.. Grrr.

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

"Ah. ah. ah. ah. ah. ah.." chorus ng mga tropa nyang nakaupo. Bahagya pa silang sumayaw.

Ikaw ang pinakamaganda

Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata) kanta na naman ng buong tropa. Sina Dave, Billy at Aron. Kumindat na sa akin.

Nagbaba ako ng tingin dahil nag-init ang aking mga pisngi. Damn!.. Namumula na panigurado. Mukhang kamatis.

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

"Talagang hiwaga." solo itong dinagdag ni Dave. Nagtawanan sila. Nagpatuloy sya sa pagkanta.

Walang katapat

Bagama't pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka't

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

"Aking diwata.." sabay na naman nilang kanta. Naglakad ito papunta sa aming mesa. Oh no way!!..

Naaalala ko pa n'ung una kang masilayan, nanghihinayang

Gustung-gusto kitang kausapin,

Makilala, subalit may kaba

Kaya nahihiya lang. May ngiti sa gilid ng kanyang labi kahit kumakanta ito. Oh my boy!!.. I love you!.

Sinayang, ang nakatakdang tadhana

Karapat-dapat nga ba na magkandarapa

Sa isang prinsesa na may delikadesa

Kesa sa gano'n baka sakaling game ka maging reyna ko.

"Iyong diwata..." sabay nilang kinanta. Pinalitan ang ilang lyrics ng kanta.

Date tayo, oo, ikaw at ako

Liparin natin ang iba't-ibang parte ng mundo

Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay

Kasi tao tayo, si boy at babe. Kumindat pa ito sakin. Gosh!!!..

Kung sabagay, karangalan kong alagaan

At pahalagahan ang natural mong kagandahan

Aminin ko man o hindi

Kapag nasa paligid ay pasimple na nangingiti

Sana kako tamaaan ka rin.

Hanggang sa nagkakilala muli

At unti-unti kang nakikilala, munti

Pang tumitiklop na parang makahiya

Naglakas loob ah, d'yan sa kaliwa ah

Ang daming pumipila, daig pa'ng MRT

Pero diba't sa pag-ibig mas astig 'pag less than three

Anong sagot, pwede mo 'kong tanungin

May tanong ako sa'yo, pwede mo kong sagutin

Sana oo na lang din

Susubukang abutin

Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin

Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin

Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin Ikaw ang aking laging nais na makapiling

Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

Binibining napakaganda at wagas

Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas. Giliw na giliw ito kung kumanta. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang boses nya. Di ko ipagkakaila. Mas lalo ko syang nagugustuhan. Ng malalim.

N'ung nakita ko s'ya, 'di makapaniwala

Sa taglay n'yang ganda, tinamaan din ako

Teka bakit ganito, ba't napaparap ako.

"Oh!.." singit nilang lahat.

Ngayon alam ko na kung ba't nasisiraan ako nang ulo

Napapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

"Iyong diwata.. Ah. ah. ah. ah. ah. ah.." halos maduling na ako sa lapit nang aming mukha.

"I love you babe.." bulong nya bago pinisil ang aking ilong at halikan sa noo.

Whoa!!..