Days went on. Babad kami sa texts, calls at chats. Tuwing umuuwi sya after school. Tatawag ito agad sakin. Kung di ko masagot dahil nasa labas o di nadinig. Si kuya Lance ang kausap nya. Alam naman din nila na nanliligaw na Ito sakin. Tinotoo nya yung sinabi nyang magpapaalam sa kanila ng maayos. Old traditions. Lagi syang pumupunta sa bahay para lang makipagkwentuhan at kulitan sakin. Hindi naman kami makalabas dahil ayaw ni papa. Bored ba?. Para sakin. Hinde. Bakit?. Kasi kasama ko naman ang taong gusto kong makasama. Kaya kahit saan pa yan, masaya na ako sa piling nya. Saka kahit naman lagi sya samin, hanggang sa ibabang bahagi lang sya ng bahay. Bawal syang umakyat sa ikalawang palapag lalo na sa kwarto ko. Alam mo kung sinong nagsabi nun?. Ang dalawa ko lang naman na kapatid. For my safety daw. Mga luko luko!. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong di nya magagawa yung iniisip nila. But who knows daw?. Pilit ng dalawa. Binigyan nila ako ng choice. Pwedeng dumalaw sa bahay pero bawal umakyat o ligaw nalang daw through phone?.. Goodness!..Now way!.. Kaya nga ako pumayag na magpaligaw to know him better tapos through phone pa?. Tsk.. Asan kaya utak ng dalawa kong kapatid?. Sobrang higpit. But Jaden, made promise to all of them na rerespetuhin nya ako maging sila. Yun sya. My baby boy!..
Kaya ang lagi naming tambayan. Sala, kusina o garden. Tuwing nasa sala. Nanonood lang kami ng tv saka kakain. Para na ring movie date. Kung sa kusina naman. Nagluluto ginagawa namin. Tinuturuan nya akong magluto. Sa tuwa sa kanya ni papa. Hinahayaan nya lang kami para matuto raw ako. Kapag tapos na kaming magluto. Dinadala namin sa garden at duon kami magpapalipas ng oras.
"Bamby, hanggang kailan pala kayo rito?.." tinanong nya ito noong isang araw pa pero hindi ko sinagot. Iniisip ko palang na masasaktan sya sa pag-alis namin sa susunod na buwan ay parang kinakain na ako ng kaba at takot. Kaba na baka sumuko sya sakin at takot na baka hindi magwork ang Ldr samin.
Nilunok ko ang fries na nginuya ng mabuti bago uminom ng tubig upang sagutin ang kanyang tanong. Kinakabahan ako. I don't know why.
"Maybe next month.."
"Agad?.." inasahan ko na ang magulat sya. Nakita ko na yun. Iniisip ko palang kung sasabihin pa ba sa kanya. Nararamdaman ko na ang pagkadismaya sa kanyang mukha.. Iyon ang ayaw kong mangyari.
"Hmmm..." Di ko kayang makipagtitigan sa mata nya. Natatakot ako. Kaya sa fries ko nalang ibinaling ang aking atensyon.
Minutes later bago sya nagsalita. "Kung ganun kailan?.." mahinahon na nyang sambit. Sumubo ako ng fries bago sya tiningala.
"Maybe last week of the month.. Not sure.." tinitigan nya ako sa mata. Muntik na akong di makahiinga. Suskupo Bamby!.
"Ang aga naman.. Sana tumagal pa kayo rito.." malungkot ang kanyang mga mata. Nakaramdam tuloy ako ng awa.
Ngumuso ako't umusog palapit sa kanya. Mesa kaai ang pagitan naming dalawa. Inabot ko ang baba nya. "Kahit naman umalis ako..." I paused. Saka hinimas ang kanyang baba. "Dala pa rin kita dito.." itinuro ko ang bandang puso ko. Sinundan nya ito ng tingin. Nagtagal ng ilang minuto ang mata nya duon bago muli ako tinitigan.
"Pero iba pa rin kapag andito ka.Yung nahahawakan ko ang kamay mo. Nakikita ang ngiti mo. Naririnig ang mga halakhak mo.." hinawakan nito ang mga palad ko.
Gusto ko rin namang kasama sya lagi kaso may pangarap pa akong gustong abutin. Gagawin ko iyon para sa future namin. Whoa!..
I smiled at him. "Jaden, I'll call you everyday naman.."
Ngumuso sya at nilaro lang ang mga daliri ko. "E ano pa bang magagawa ko?.. Duon ka nakatira eh.. Ako rin dito..magwowork naman ang ldr diba?.."
Tumango ako.."Oo naman.. Tayo pa?.."
"Pero bago mangyari yun.. Sagutin mo muna ako.."
"In time Jaden...." ngiti ko.
"Pano tayo magwowork out kung ayaw mo akong sagutin?.."
"Maayos naman tayo kahit di pa kita sinasagot ah.."
"Ehh.. iba pa rin yung siguradong... akin ka na..."
Piningot ko ang kanyang tainga. "Ikaw talaga.. tara na nga sa loob.. maghapunan ka muna bago umuwi.." hinila ko sya patayo pero mas nagpapabigat lang ito. Dalawang kamay na ang ginamit kong panghila pero ayaw pa rin. "Jaden!.." muli kong hila subalit humalakhak lamang ito. "Sagutin mo muna ako.." anya. Sinasadyang wag tumayo. Loko!.
"Ang tigas naman ng ulo eh..." iling ko. Kinindatan nya lamang ako.
"Sagutin mo na kasi ako.." hinila nya ako palapit sa kanya. Saka nya ako tiningala. "Sagutin mo muna ako para makakain ako mamaya.."
I rolled my eyes at him. He just chuckle. "Ang kulit mo talaga.. Sabi ko nga. saka na.."
Kita kong kinagat nya ang kanyang labi. Duon ako tumingin dahilan para ako'y mapalunok ng matinde. Suskupo!!.. Di ko naramdamaan ang kamay nya saking baywang bago ako pinaupo sa kanyang hita. "Jaden!.." pinalo ko ang kanyang balikat at heto na naman yung halakhak nyang napakaperpekto. Binabaliw ako.
Kinulit nya lang ako ng kinulit ngunit hindi pa rin naman nya nakuha ang sagot. "Don't rush things you want to lasts forever Jaden. Sasagutin naman kita pero di pa ngayon..." hinalikan ko sya sa pisngi bago ibinulong ang "Soon..boy!. malapit na..."