Sa bawat segundong pitik ng kamay ng orasan. Mas lalo akong kinakabahan. Hindi pa rin kasi ako tinantanan ni kuya Lance. Mabuti rin at di kami iniwan ni kuya Mark. Baka magkasigawan pa kami.
"E ano ngayon kung nalaman mong may feeling ka pa sa kanya?.. anong feeling na nasaktan mo sya hmm?.."
"Tumahimik ka nga Lance. Mas lalo mong pinapaiyak eh.." tumahimk sya. Inalo ako ni kuya Mark.
"Gusto mo ba syang makita ngayon?.."
"Bro ano ba?.." halatang nagpipigil na rin ng inis si kuya sa kanya. Ang tigas ng ulo. Sabi nang tama na eh. Bingi ba sya?. Goddamnit!..
Humikbi ako. Di nya pinakinggan si kuya. Imbes padarag nya akong hinila palabas ng silid at dinala sa may hagdanan. Kung saan may overview doon sa may garden. "Look!.." galit talaga sya. I don't know why?. "Panoorin mo kung paano sya magpakalasing ngayon.." tinanaw ko nga ang tinuturo nya kanina pa. Kahit nanlalabo ang paningin ko. Pinilit ko pa ring aninagin kung ano nga bang ginagawa nya. Oh goodness!.. Naglalasing nga sya. Sya lang ang tumutungga ng baso. Yung mga kasama nya sa mesa. Pinapanood lang sya. Nakita ko kung paano yumuko ang kanyang ulo at pasayaw sayaw.
"Gosh!.." bulong ko na narinig ni Hitler.
"Psh!.. what now?!.."
"I'm warning you Lance!.." dinig ko ang boses ni kuya sa likod.
"Anong gagawin mo ngayon?.."
"I don't know.." bwiset!. Kung bakit nautal ka pa Bamby?..
"You don't know?.. Pwes!.. ihatid mo sya sa kanila.."
"Sabi nang tama na eh.." tinulak sya ni kuya Mark dahilan para muntikan na syang mahulog pababa. Shit!..
"Kuya!.." nagsusumamo kong hiling sa kanila. "Please. wag kayong mag-away.."
"Yan kasi eh.. matigas ang ulo.." duro nito kay kuya Lance. Hinawakan mo sya sa damit. Tinutulak paalis sa harap ng isa.
"E mas matigas ang ulo nyan eh.." tinuro din nya ako nito. My goodness Bamby!.. Dahil sa'yo nag-away tuloy sila. Suskupo!..
"Can you please calm down.. Problema ko to. Kaya sana wag nyo nang dagdagan pa.." salitan ko silang tinignan. Nakita kong may iilang nakatingin saming gawi. Damn it!.. Nakakahiya. "Para wala nang away. Ihahatid ko na sya sa kanila.. Happy?.."
Bumuntong hininga lang silang dalawa. Ngunit si kuya Mark, ayaw ibigay ang susi.
"Akin na yung susi.."
"No!.." matigas din nyang iling. Hay naku!.. E pano ako maghahatid?. Tsk.
"Let her go kuya.." Ani kuya Lance. Nakatuko na sa railings ng hagdanan ang mga siko. Malayo ang tingin. Mukhang malalim ang iniisip.
"Tayo ang malalagot bro, ano ba?.."
"Hindi tayo malalagot kung hindi mo isusumbong."
Nawawalan na ng pasensya ang aming panganay.
"Pano kung may mangyari sa kanya?.." tinignan ako ni kuya Mark. Sumandal ako sa dingding dahil sa pagod sa pakikinig sa sagutan nila.
"Hindi mangyayari yun. Mas magaling pa nga sayong magdrive yan eh.. Yung susi kuya. Ibigay mo na bago pa lumabas si papa.." ilang minuto muna ang dumaan bago nya iniabot sakin ang susi.
Mabilis akong bumaba. Nakabuntot naman sila. Eksaktong nakasalubong ko sina Kian na buhat sya pasakay ng sasakyan nya.
"Saan punta nyo?." tanong ko.
Si Billy ang sumagot. Namumungay na rin mga mata nito. May amats na. "Ihahatid lang namin sya. Balik din kami.."
"Ako nang maghahatid.."
"Huh?.." nalilito nyang himig.
"Tulungan nyo akong isakay sya dun.. Ako nang maghahatid.." pinatunog ko yung sasakyan na ginamit nilang lumabas kanina saka binuksan.
"Sigurado ka?.." si Kian. Nagtataka. Tumango ako nang di sya tinitignan. Inilabas nilang muli si Jaden sa sasakyan at ipanasok sa sasakyan na gagamitin ko.
"Marunong ka nang magmaneho?.." nagtataka ring tanong ni Aron.
"Wag mo syang maliitin. Mas magaling pa yan kaysa sa'yo. Baka magkamot ka lang ng ulo kung hahamunin mo syang makipagkarera..." sumulpot si kuya Lance na nakahalukipkip pa.
Pinaandar ko na ang sasakyan at iniwan silang pawang nalilito. Dahan dahan akong nagmaneho kahit wala namang gaanong sasakyan. Gusto ko lang sulitin ang pagkakataong ito. Sa kabaliwan ko pa nga. Pumarada ako sa gilid. Matitigan lamang sya ng husto. Damn!.
Yung kilay nyang makapal. Sinuyod ko ito gamit ng hintuturo. Mas nadepina ang malaim nitong mata dahil sa pilik mata nyang mahahaba. Yung ilong nyang ang tangos. Ang sarap halikan ng tungki nito. Di na nga ako nakapagpigil. Nahalikan ko na sya bago pa ako makapag-isip. Yung labi nyang bahagyang mamula mula. Suskupo!. Baka kung di mo sinabi yun kanina. Baka nahalikan mo na sya sa labi Bamby. My goodness!.. Ikaw naman kasi. "Sorry boy.. di ko sinasadyang saktan ka.." gumalaw ito dahilan para mapaatras ako.
Kinabahan ako bigla. Kingina!.
"Ginawa ko lang yun para malaman ko kung may pag-asa pa ba ako.. tayong dalawa o wala na..sabihin mo ng baliw ako. Yun lang ang naisip kong paraan para makuha ko ang buo mong atensyon.. ngayong nalaman ko na, na higit pa sa gusto ang pagtingin mo sakin. masaya na akong ipaalam sa lahat na ganun rin ako, sa iyo.."
"Hmmm..." umungol pa sya. Hawak ko na ang dibdib sa kaba.
"Sleep tight boy.." muli kong inayos ang buhok nya at nagnakaw ng halik bago ko pinagpatuloy ang pagmamaneho papunta sa kanila.