Hirap ako nung dinala ko sya sa bahay nila. Mabuti nalang gising pa si tito upang tulungan ako.
"Salamat hija.. naabala ka pa.." Ani tita sakin habang kinukumutan sya. Wala itong kamalay malay dahil sa sobrang kalasingan. Nakatayo ako sa gilid. Malapit sa bintana. Kung di lang sana kita ginawan ng masama kanina. Hindi ka dapat ganyan ngayon. Nilamon ako ng konsensya kung kaya't bahagya akong nahiya. Suskupo naman kasi Bamby!.
"Wala po yun tita..." nag-iwas ako ng tingin. Dumapo agad sa isang picture frame na nakasabit ang aking paningin. Umawang ang aking labi sa nakita. Bakit may larawan ako dito?. My goodness!.
"Magmeryenda ka muna sa baba hija bago ka umuwi.." dinig kong ani tita. Nasa larawan pa rin ang mata ko. Nagtataka. Nalilito. Kailan nya kaya kinuhanan tong litrato?. Wala akong matandaan.
"Bumaba ka nalang pagkatapos mo dyan.." bigla akong nahiya nang iwan nila ako. Bababa na sana ako subalit nagulat ako nang magsalita sya. "Bamby. Bamby ko.." tahimik akong ngumiti at kinagat ang labi sa narinig. Oh damn!. Bamby ko?. Bat ang sarap pakinggan?.
Yumuko ako para ayusin muli ang kanyang kumot. "Oh damn boy!.." nangingiti kong bulong. Suskupo Bamby!.. Kinikilig ka na naman!. Tinitigan kong muli ang kanyang mukha at... nagnakaw ng tatlong halik sa kanyang pisngi at noo. Di ko mapigilan e.
Kinaumagahan, nagising ako sa mga kalabog sa labas. Wala pang ilang oras ang tulog ko kaya wala pa akong lakas upang pagbuksan kung sino man ang taong nasa labas.
"Bamby wake up!..." dinig kong si papa ang nasa likod ng pinto. Agad akong bumangon kahit hirap pa akong makakita. Inaantok pa talaga ako. Suskupo!.
Pikit ang isang mata habang pinagbubuksan ko sya. "Good morning pa.." bati ko sa kanya. Kinusot ang aking mga mata para mas makita sya ng malinaw.
"Good morning sleepy head. Get ready. We are going to church today.." yun lang at umalis na sya. Bumalik sa kanilang silid.
Bumalik pa akong humiga ng ilang minuto bago naisipang maligo at magbihis. Suot ang dress na puti at isang Nike na sapatos. Lumabas na ako ng kwarto nang di pa inaayos ang buhok.
"Whoa!.. May multo!.." hiyaw ng bakla kong kapatid. You knew him?. His name is Lance. Grrrr..
Sa haba ng aking buhok, lagpas baywang. Niloloko nito akong multo o white lady tuwing bagong ligo. Nang-aasar e. Kapag sya inaasar ko. Ang bilis mainis.
"Psh.. wag ka ngang maingay. Bakla!.." bulyaw ko sa kanya. Binelatan sya saka mabilis na pumasok sa silid ni kuya Mark na nakabukas.
"What the fuck!.." mura nito nang makita ako sa loob ng kwarto nya. Nagpapalit pala sya. Suskupo Bamby!.
"Sorry kuya.. Si kuya Lance kasi.." nakatalikod ako sa kanya. Nakasilip ako sa kahiblang space sa pagitan ng pinto at ng hamba. Wala na sya. Pumasok muli sa loob ng kanyang silid. Nakahinga ako ng maluwag saka binuksan muli nang maluwag ang pinto ng kwarto nya.
"Ano na naman ginagawa nya sa'yo?.."
"Nang-aasar.."
"Tsk.. malapit ko nang isipin na isip bata yang kapatid mo Bamby.. Ang hilig mang-asar.."
"Hahaha.. shhhh.. wag kang maingay kuya. Baka marinig ka nya.."
"What the fucking hell did you say kuya?!!." umalingawngaw sa buong silid ang kanyang mura. Haist!. Here we go again.
"Tsk.." napailing nalang si Kuya Mark dito bago pumasok muli ng banyo. Duon ata mag-aayos. "Bruh, ipitin mo nga yang buhok ni Bamby."
"Bakit ako?.." sinulyapan nya ako ngunit madilim ang tingin sakin. Hmm. Bakla!.
"Malamang ikaw ang nakakaalam magtirintas.. hahaha.." hagalpak ni kuya sa loob ng banyo.
"Fuck off bruh!.." agad nyang sinalubong sa kakalabas sa banyo.
"You mouth dude!.." sita nito sa mura ng isa. Ngumuso lang ako at nilaro ang ballpen na nakapatong sa ibabaw ng isang libro.
Kahit madalas mukhang aso't pusa kaming tatlo o higit kami ni kuya Lance. Di pa rin nya ako natitiis. Ginagawa nya pa ring tirintasin ang aking buhok. I'm damn so lucky!.
"O ayan!. Thanks to me. Mukha ka ng tao.." kinawit ko ang aking kamay sa kanyang braso sabay nguso sa kanya. "Thank you kuya ko..." pangsusutil ko dito. Alam mo kung anong ginawa nya?. Tinulak lang naman ako palayo sa kanya. Tuloy di ko mapigilang pagtawanan sya.
Sa simbahan, kasama namin ang aming pinsan na si Alex. Galing din itong Canada. Umuwi para sa reunion na gagawin ng pamilya ni Mama.
"You look amazing Bamby.." bati nya sakin. As usual, nasa gitna ako ng dalawa kong kapatid. In short bantay sarado.
"Thanks kuya... you are-.."
"I am what?.." pinanlalaki ang mata.
"You need some girls.. You're getting older.." I teased.
"Hahahahaha.." humalakhak ang dalawa sa aking tabi. "Bamby?!.." kunyari nitong pinitik ang aking noo.
"Kidding.." bawi ko. Tumango sya at ngumiti.
"I know.. Ikaw talaga. Ang kulit mo pa rin.."
"I am me. So nothing's new.. hahaha. " kibit balikat ko.
"Bamby?!.." may nadinig akong tumawag saking pangalan. Nilibot ko ang paligid at natanaw sa malapit sa labasan si ate Cath. Kasama ang pamilya. Pero, WALA SYA at si Niko. Sabay kaming lumingon sa kanila. Karga nito ang isang bata na may chupon sa bibig.
Oh well!.. Malamang di yun nakapunta dahil sa hangover. Walang kamalay malay eh.
"Ikaw nga!. Mas lalo kang gumanda ah.." nilapitan nya ako. Sa bata ako tumingin. Ngunit bahagya itong ngumiwi sakin kaya binalik ko ang atensyon sa kanyang ina. Bata umiyak e.
"Thanks ate Cath. Ikaw rin po.. Mas lalo kang bumata.."
"Losyang na kaya ako.."
"Ay di ate. Totoo. Mas lalo kang gumanda. "
"Nambola ka na naman.." Anya. May sasabihin pa sana sya kaso tinawag na sya ni tita. "Catherine.."
"Po?.. Ah. Mauna na kami. Nice to ee you guys. Catch up soon.." mabilis itong sumunod sa mga magulang nya. Pero bago yun, may hinabol pa si Hitler. "Tell Jaden, take some meds.." Ani kuya Lance. Tinaasan nalang sya ni ate ng kamay.
"I think I'm inlove.." bulong bigla ni kuya Alex habang hawak ang dibdib at tinatanaw ang labas. Binatukan sya syempre ni kuya Mark. Ex lover eh. Ewan ko lang kung may feelings pa rin. I guess so.
"What's that for dude?.."
"Don't hit on her.."
Umawang ang labi ng aming pinsan. "Oh!!.. your girl?. Okay.." napawi ang.kaba ko. Mabuti nalang madaling kausap tong isa. Agad umatras.
"Sa labas muna ako. Antayin nyo sina Mama dito.." paalam ni kuya samin. Tumango kami ni kuya Lance. Nagpaalam na rin na mauuna na si kuya Alex. "Gotta go. See you around.."
"Mukhang may inlove pa rin ha?.."
"Ha?. Sino?.." muli kaming umupo habang hinihintay sila mama na may kausap sa kabilang upuan. Kakatapos ng misa. At nag-aalisan na ang mga tao. Iilan nalang ang naiwan.
"Wala.." tignan mo to. Kapag ako nagtanong tapos di sya sasagutin. Galit agad. Tapos kapag ako ang nagtanong sa kanya. Wala lagi ang sagot. Hmmp.. Ang sarap mong batukan bro!..