Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 165 - Chapter 15: Hot seat

Chapter 165 - Chapter 15: Hot seat

Dire-diretso ang aking lakad. Kahit sinalubong at kinausap pa ako ni mama sa may hagdanan. Parang hangin lang na dumaan sakin. Hindi ko sya pinansin o sinagot man lang. Rude side of me. Tsk. Pagkapasok sa loob ng kwarto. Binuksan ko agad ang mini ref na nasa tabi ng maliit din na lababo. Nilabas ang kahon ng cake. Saka humiwa ng mas malaki pa sa dati kong kinakain. Damn!. Ganito ako kafrustated ngayon.

Kung bakit kasi ginawa mo yun?. Ngayon, ano ka?. Paulit ulit kong pinagalitan ang sarili. Ngayon na nga lang ulit kayo nagka-usap. Humantong pa sa hindi maganda. Tsk. Bamby Eugenio!. What you do now huh?. You wanna cry?. Hell!. You deserved that.

"Shit!.." Wala sa isip kong mura.

Umupo ako sa nakabukas na bintana. May mesa duon na nakaharap sa labas. Napapaligiran ng dilim ang buong paligid. Gabi na rin kasi. Tiningala ko ang kalangitan. Puno ito ng nga nagkikislapang tala. Parang gusto ko itong abutin pero kayhirap. Parang sya Bamby. Abot kamay mo na pero anong ginawa mo?. "Damn!.. Just damn it!.." pikit mata kong mura.

"Bamby, can I come in?.." may kumatok bigla. Sa boses palang, alam ko nang si kuya Mark iyon. Hindi ako makasagot dahil sa alam kong basag pa ang aking boses. Mabilis kong pinunasan ang luhang kanina pa nag-uunahan. Saka lumunok at umayos ng upo.

"Bamby, papasok na ako.." Anya. Tinuhog ko ang isang piraso ng cake saka nginuya. Ilang sandali pa. Bumukas na ang pintuan. Iniluwa ang bulto nya. Diretso ang lakad papunta sa gawi ko. Hinila ang stool chair sa may ilalim ng lababo saka tumabi sakin.

Ang katahimikan nya ang nagbigay sakin ng kaisipan. He's not like this. Madaldal to pagdating sakin. I'm not used to it. Gosh!..

"Hindi mo dapat ginawa yun.." makalipas ang ilang minutong katahimikan. Sa wakas, he finally spoke.

Napalunok ako ng matinde. Suskupo Bamby!.. Eto na sya.. Pagagalitan ka na. I know. Ganyan naman sila e. Kapag may ayaw sila sa mga kilos ko. Sinisita ako. Pinapagalitan. It's for your sake tho.

Kinagat ko lang ang labi para huwag tuluyang humagulgol. Nanlalabo na ang paningin ko. Nagbabadyang babagsak ang mga luha. My goodness!!..

"Mabait syang tao.. hindi mo dapat ginawa yung mga--.."

"Alam ko.. di ko naman sinasadya. ." basag ang aking boses nang sagutin ko sya nang di pa natatapos magsalita. Tuluyan na nga akong umiyak sa harapan nya. Fuck!.. Wala akong masabi. I'm to weak to utter words to him. Tinakpan ko ang buong mukha sa hiya. Duon ko binuhos lahat ng luha ko. Wala na akong pakialam kung makita pa nya. Gusto ko lang ilabas ang sakit at pagsisisi na nararamdaman.

"Ssshh.. Tama na.." hinawakan nito ang balikat ko saka dahan dahang hinila at niyakap patagilid. Mas lalo akong naiyak sa ginawa nyang iyon. This is the sweet side of him. So caring.

Hinayaan nya lang akong umiyak. Kahit basa na ang damit nya sa bandang dibdib. Sa ganuong paraan. Naibsan ang bigat na dinadala ko.

Yakap ko pa rin si kuha Mark nang magulat sa isang tawag. Galit ito.

"Bamby!.." pabagsak na binuksan ang nakaawang na pintuan ng kwarto ko. Natigilan nang makita kami ni kuya. Nakaharap ako sa may pinto at nakatalikod naman si kuya doon kaya agad kong nakita kung gaano kasama ang mukha nya ngayon.

"Anong nasa isip mo at ginawa mong--?..."

"Bro, can you please calm down.." pigil sa kanya ni kuya Mark. Suminghap ito sa sobrang pagpipigil ng galit. Namaywang at umikot. Tumingala tapos yuyuko. Nakita ko lahat ng iyon sa gilid ng aking mata.

Pareho na silang nakatayo ni kuya Mark. Nakaupo pa rin ako. Walang lakas para makipagsabayan sa kanilang galit.

"Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo Bamby.." kalmado nang himig ni kuya Lance. Tinanguan ko lamang sya. "Alam mo bang kanina pa yun hindi mapakali dahil kinakabahan sa pagkikita ninyong dalawa?..." patuloy nya. Tumango akong muli. Wala naman kasi akong sasabihin. Anong sasabihin ko?. Na di ko sinadya?. Na biro lang yun?. Psh!.. Si kuya Lance yan. Malamang, di sya agad maniniwala sa mga paliwanag ko. Kaya what for?.

"Tapos, iyon pa ang pasalubong mo?.."

"Tsk.. Stop it Lance.. hayaan mo syang gawin kung anong gusto nya.."

"Hahayaan lang ba natin na manakit sya ng feelings ng Ibang tao kuya?.." nanggagalaiti nitong baling sa aming panganay. Gosh!. Sana lang di dumating si papa. Gulo to kung nagkataon.

"Tsk.. that not my point.. Malay natin may dahilan sya diba?. You know her Lance. Di yan basta basta nagsasabi ng laman ng kanyang isip.." si kuya Mark.

"Anong dahilan nya kung ganun?.." nagkibit balikat si kuya sa kanyang tanong.

"Gusto ko lang naman malaman kung... may feelings pa ba sya sakin o wala na.." mahina kong sabi.

"Ngayon?. Nakuha mo ba ang gusto mo?.." kahit takot na takot ako sa kanya. Tumitig pa rin ako sa mga mata nya at tumango.

Nag-iwas agad ito ng tingin.

"And then, what's next?.." inis pa rin nitong tanong. Kunot na kunot ang kanyang noo.

Tumikhim ako. Kay kuya Mark tumingin. Tumango lang sya sakin. Mukhang alam ang gusto kong iparating. "Nalaman ko rin... na mas lumalim pa ang pagkagusto ko sa kanya.." pareho silang natahimik.

Related Books

Popular novel hashtag