Hinila nila ako sa may kubo. Gitna ng iilan na mga rooms. Sa unang kubo maraming nakaupong mga lalaking estudyante. Nagtatawanan at nagbibiruan. May sumipol pa at tumawag kay Winly noong dumaan kami.
"Win!.. dito nalang kayo.." ofer samin nung isang maputing lalaki. Ito ang pinakamaputi sa kanilang lahat. Yung iilan, purong Pinoy. Kayumanggi.
"No thanks Wade.." sabay pakembot at hila nya samin papasok ng kubo. Nagtawanan ang iba sa kanila. Subalit yung nagsalita ay di maalis ang tingin samin. Lalo na sa akin. Oh!!..
"Ang ganda mo kasi gurl.. Yung mata nila o parang glue. Dumikit na sa'yo.." hinagod pa nito ang aking buhok.
"Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?. Bulag ba sila?. Matagal na akong nandito. Bakit hindi nila makita?.." Ani Karen.. Sumulyap sa kubo ng nagbibiruan ng mga lalaki bago ibinalik sa amin ang atensyon.
Umubo kalaunan si Winly at humagikgik ng mahina. Ako, hindi makuha ang ibig nyang sabihin. Gosh!. What on earth is happening?..
"Tulog ka ba gurl?.. Gumising ka nga..." inirapan lamang sya ni Karen. Lalo namang umirap itong bakla. Suskupo!!.. Ang sarap ng pasalubong nila. Asaran!.
"Tse!.. palibhasa sa lalaki ka nakatingin.."
"Hahaha.. so anong ibig mong sabihin?.. Sa'yo lang ako tumingin?. Like ewww?..." pinagsasapak nito ang bakla. Hanggang sa nagtawanan na silang dalawa. Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa. Nasa harapan ni Winly si Karen na hindi magkandamayaw sa tuwa. Habang si Winly naman ay nakangiti habang nakatingala sa kanya. O my gosh!.. I smell something fishy huh!..
Saka lang sila huminto sa asaran ng marinig ang tikhim ng isang lalaki. Yung lalaking maputi. Bumaba ito sa kanilang kubo at nakatayo ngayon sa aming gawi. Akbay ang isang lalaking kayumanggi. Malalim ang mata. Mahaba ang pilik mata. Matangos na ilong at pinong labi. May iilan pang bigote na mas lalong nagpatingkad sa angking kakisigan nito.
"Winly, sino yang kasama nyo?.." anang tinawag na Wade ni Winly.
Tumayo si Winly saking tabi. Tinignan ako bago sinagot ang lalaki. "Bakit?.."
"Pwedeng makipagkilala?.." patuloy nito.
"Bakit?.." Expression nito. Mapang-asar. Nginingisihan lang din ako ni Karen.
Nagkamot ng ulo yung si Wade. Sinong di maaasar sa taong iisa lang ang kayang isagot sa tanong?. Baliw talaga kahit kailan.
"Bawal ba?.."
"Alam mo Wade. Kung sakin ka makikipag-usap ng malapitan. Landian mo rin ng kahit konti para mauto mo ako. Hindi yung, hindi ka na nga interesado sakin, sa iba ka pa nakatingin. Makakaalis na kayo. Taken na sya..." iritadong sagot nito sa dalawa. Dinig kong humalakhak si Karen ngunit tumigil din ng titigan ng masama nung Wade.
"Ang landi ni gurl!.." bulong bulong pa ni Karen. Napapailing nalang ako sa kabaliwan nila.
Hindi pa rin umaalis ang dalawa. Parehong nakatitig lang sakin. Damn!. Bakit ganito nalang lagi set up ko maging sa Australia?. Tinitigan ng mga tao. Tsk.
"Pwedeng kahit pangalan lang, Win?.." pilit nung akbay ni Wade.
Suminghap ang bakla.
"Anak ng?!!.. Walanghiya!. Ikakasal na yan kay Jaden Bautista!..."
Hindi ko alam kung tinamaan ba ako ng kidlat o ibinato sa ere?. Damn!.. Parang isang iglap lang nawala ang confidence na suot ko kanina. Shit!. Suskupo Bamby!!. Kumalma ka!. Kalma!..
"Si boy?!.." halos sabay na tanong nilang dalawa.
"Oo. Kaya wag na kayong mangarap. Tsupe!.." pinaalis nito ang dalawa.
Pagkaalis nila. Humagalpak sila ng todo. Hindi ko rin magawang makisabay dahil sa kaba. Kinabahan ako ng todo simula nang marinig ko ang buo nyang pangalan. Seryoso?!. Suskupo!. Hihimatayin ata ako neto!.
"Bakit mo sinabi yun gurl?.." tanong ko matapos nilang mahimasmasan.
"Para wag ka na nilang guluhin.." Si Winly.
"Hindi naman nila ako ginugulo.."
"Hihintayin mo pa bang mangyari iyon?.. Hay naku gurl!.. Hindi ka pa rin nagbabago. Still. You're so kind.." tinabihan muli ako. Tinignan ng mabuti. Nag-iwas ako ng tingin. "Sa ganda ng iyong buhok. May kulot pa sa dulo. Marami nang nahuhulog sa'yo.. Dumagdag pa ang perpektong kurba ng iyong kilay. Matangos na ilong. At mapang-akit na labi. Naku!.. Nakita mo yung si Wade diba?. Isa na yan sa mga nahulog sa'yo. Ibilang mo na ring yung lahat ng kasama nya sa kubo. Ganun kadami ang matang nanonood sa'yo ngayon..."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa sinabi nya.
"Ano ka ba Winly. Normal lang iyon.."
"O my gosh Karen!.. Nagbago na ba kaibigan natin?."
"Tsk.. baliw.." iling ko sa sinabi nya. " Anong nagbago?. Kayo nga dyan eh. May hindi ba ako alam sa inyong dalawa huh?.." pareho silang nag-iwas ng tingin.
Hmmmmm...
"Hahaha.. Wala no.. ikaw nga dyan eh. magkwento ka naman.." si Karen.
"Oo nga. Kamusta hangin sa Australia?.. Nakakaganda ba?.."
"Haha...ayos lang naman... si Joyce?. Bakit di nyo sya kasama?.."
Natahimik ang paligid. Yung kabilang kubo biglang nawala ang mga tao. Kinilabutan tuloy ako.
"Hindi ba sya nagmemessage sa'yo?.." tanong ni Karen matapos ng ilang minutong katahimikan. Umiling ako.
"Wala rin kaming balita sa kanya gurl..." malungkot na sambit ni Winly. Bigla akong nanghina sa narinig. Seryoso?.. Nasaan sya ngayon kung ganun?.
"Kailan pa?.." nakayuko kong tanong. Inaalala ang masayang araw na kasama sya.
"Simula nung umalis ka.. umalis na rin sya sa school.. tinanong namin si Denise.. Ang sabi nya lang samin nasa Cagayan na sila.. kasama ng buo nyang pamilya.." malungkot ang boses ni Karen.
Hindi na rin ako nagtanong pa dahil kung ang tao ay gustong ipaalam ang kalagayan o sitwasyon nya. Mangungumusta ito o magpaparamdam. Hindi ko sya hinuhusgahan. Sadyang, hindi ko lang matanggap na ganun nalang ang nangyari sa aming dalawa. Namimiss ko na kasi bestfriend ko.