Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 159 - Chapter 9: Karen Manalo

Chapter 159 - Chapter 9: Karen Manalo

"Nabalitaan namin na sinundo ka raw nila nung isang araw?.." Ani Karen. Naglalakad kami ngayon papuntang canteen. Gutom daw kasi si Winly.

"Ah oo." Ang akala ko noon si kuya Lance lang ang susundo samin. Yun pala. Kasama nito ang buo nyang tropa. Kaso. Wala ang taong gusto kong makita sa grupo nila. Dinig ko lang naman. Di raw sumama dahil naiwan daw sa anak ni ate Cath. Nalungkot ako noon. Ngunit naisip ko na mabuti na rin yun para mapaghandaan ko ang pagkikita naming dalawa.

Sa loob ng canteen. As usual. Di na naman nawala ang mata ng mga tao sakin. Damn it!. Ayoko ng ganito. "Karen. Anong activity sa school?.." bulong ko sa kanya.

"Intramurals gurl.. manood ka mamaya.."

"Naku.. di ako sigurado nyan. Aalis na rin ako mamaya. May pupuntahan pa kami ni kuya Lance. Dumaan lang ako para kumustahin kayo.."

"Gurl, kasali si Jaden sa pageant. Palalagpasin mo ba yun?.." si Winly ang bumulong nito sakin. Kausap kasi ni Karen yung nagtitinda sa canteen.

Ano bang dapat kong gawin?. Maiwan nalang dito at manood para makita sya ng palihim o sundin yung utos ni mama?.. Haist!..

Suskupo!. I don't know what to do.

"Pero kasi may iniutos sakin si mama---.."

Pinutol nito ako agad.

"Hay naku gurl!..ilang taon mo syang di nakita tapos hahayaan mo na lang na di sya mapanood?.." namaywang pa sa harapan ko. Ngunit bulong pa rin sya kung magsalita.

"Anong gagawin ko?."

"Ikaw bahala. Kung ayaw mo talagang makita sya. It's your choice. Pero kung sya talaga ang ipinunta mo rito. Then stay..." Ani Karen.

Hindi ako agad nakapag-isip ng isasagot sa kanya. I'm torn between to stay and to leave. Ugh!..

"Alam mo bang hindi sya nagkaroon ng girlfriend simula noon?.." agaw atensyon ni Karen. Nakaupo na kami sa dulo ng canteen. Walang gaanong tao dito kaya malaya kaming nakakapag-usap.

"Hinde.." sa burger ako nakatingin. Alam ko naman na iyon. Pero hindi ko na sinabi pa. Updated kaya ako kay Niko. His little brother. Wala e. Di ako mapakali nang walang naririnig na balita about him. Kaya sa kapatid nya, ako kumukuha ng detalye. That's why I knew.

"Paano mo nga malalaman, hindi mo nga pala sya friend sa Facebook. " patuloy nya. Nakikinig lang samin si Winly dahil puno ng pagkain ang kanyang bibig. Kanina pa raw kasi ito gutom Tiniis nya raw para sakin. Kaya nilibre ko na. Ganyan style nyan eh para makakuha ng palibre.

"Bakit di mo sya inadd as a friend?.."

"Nahihiya ako.." totoo. Kahit naman umamin na sya sakin bago kami umalis noon. Andun pa rin yung hiya ko sa kanya. Respeto ko sa kanya. Ang sabi kasi nila. Hindi daw dapat babae ang gumawa ng unang move sa taong gusto nya. Usually daw lalaki. Kaya kung totoo man yung pag-amin nya sakin. Sya ang gagawa ng unang hakbang not me.. But lately. Bago kami umuwi dito. Nagsent sya ng request sakin. Hindi ako nakatulog noon buong gabi. Mabuti nga at wala kaming pasok ng araw na yun. Kaya di halata na di ako natulog.

"Ayan na naman sya gurl. Si mahiyain.." iling ni Winly. Inilabas ang sariling phone. Kinalikot ito.

Nginitian ko lamang sila. Mahiyain pa rin naman ako. Walang nagbago sakin. Yung age ko lang.

"Ano then?. Manonod ka?." kulit ni Karen.

"Sorry. pero kailangan ko kasing sumama kay kuya.. maybe next time.."

"Hay. Ewan sa'yo. Bahala ka. Baka wala nang next time pa.." buntong hininga nya.

"Hayaan mo na gurl. Baka busy nga naman sya. Pasalamat nga tayo pumunta sya dito eh.. may libre tayo.. hahahahaha.." see?. Walang nagbago sa kanya. Yung Winly na mahilig sa libre. Ganun pa rin.

"Okay.. pero kailan mo sya pupuntahan?.."

"Hindi ko pa alam..."

"Tsk.. bilisan mo na yang kilos mo Bamby. Sa gwapo ng lalaking yun. Baka maagawan ka pa.."

"Hehe.. I know him.."

"Talaga?!.." sabya pa nilang tanong.

"You know him?. Kailan?. 4 years ago pa?. Psh.. Ewan ko sa'yo.." naiiling na himig ni Winly.

"Hahahahaha.. ano ba kayo. relax okay?. We are friends already on facebook..." lumaki ang apat nilang mata. "So?.." pinaikot naman ni Karen ang kanyang mata.

"We exchanged chats.." ngayon pati bibig nila umarko pabilog. Ang oa ng mga to.

"Seryoso?.." Si Karen na hindi mapakaniwala base sa kunot ng kanyang noo. Tumango ako ng may suot na ngiti.

"Sabe na nga ba eh.." tinuro ako ni Winly. Tinaasan ko sya ng kilay sabay sabi ng "What?.."

"Hindi ka magiging confident kung di pa kayo nag-kakausap na dalawa. Tama ako gurl... si boy Jaden pa?. Psh.."

"Bakit ano sya?.." nalilito kong tanong.

"Ang sabi kasi namin noon. Kung aalis ka at wala pang isang buwan ay may gf na sya. Hindi yun love. It's just affection. Pero kung taon na at wala pang nagiging gf . That's already love teh... he's still inlove with you..." napanganga ako sa sinabi nya. Totoo bang wala kahit isang babae ang niligawan nya?. Grabe!!. Suskupo Bamby!!. Huminga ka dyan!.. Baka himatayin ka!..

"Tara duon..silipin natin sya.." hinila na nila ako palabas ng canteen kahit di ko pa nakakalahati yung hawak na burger. Umakyat kami sa isang building. Eto raw yung floor nilang grade 10. Sa dulo yung room nila dahil section A pa rin ito hanggang ngayon.

"Uy Karen sino yan?.." tanong ng iilan na nalagpasan namin na di man lang nya sinagot.

"Bamby Eugenio?..." may bumanggit nito sa kanila. Kaya napahinto kami. Pagtingin ko. Si Kian. Isa sa mga kaibigan ni Jaden. Nilapitan nya ako at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hindi ko alam na andito ka pala. Alam na ba ito ni-?.."

"Ssshhh.." pigil sa kanya ni Karen. "Wag mong sabihin kay Jaden na andito sya..."

"Bakit?.." Anya.

"Dumaan lang ako dito. Aalis din agad. Gusto ko lang kayong makita.."

"Paano sya?.."

"Wag mong sabihin na pumunta ako rito. Gusto ko lang syang panoorin sa malayo sa ngayon.."

Natahimik ito. "Kawawang bata.." umiling pa kalaunan.

Ngunit, wala pang Ilang minuto ang paninitig ko sa kanya. Tumunog na ang cellphone ko. Hudyat na nasa labas na si kuya. Bye for now