Buong akala ko. Ito na yung araw na pinakaaasam ko. Yung tipong, pinaghandaan. Pinahalagahan. Espesyal na araw dahil sa wakas, dumating na sya. Bumalik sa lumipas na taon. Ngunit, masyado nga yata akong umasa. Umasang, magiging masaya ang pagbalik nya. Umaasang, tatatak saking puso ang espesyal na gabing ito. Umaasa na, gaya pa rin ng dati ang dating sya. Subalit, hindi nga pala ganun ang tao. Na sa paglipas ng panahon. Maaaring mag-iba sila o magbago dahil na rin sa mga nababago nilang pananaw. Iyon siguro yun. Kung bakit, maaari. Iba na nga sya. At hindi na rin ako ang gusto nya.
"Upo ka muna.." pinaupo ako ni Lance. Sumunod lang din ako sa gusto nya. Anong karapatan kong kontrahin pa?. Wala ako katiting. Lalo na ngayon, wala akong lakas. Naubos bigla. Naupos. Nalusaw. Nanlulumo ako. Kung bakit sa hinaba ng panahon, ngayon lang ako tinamaan ng katotohanan na iba pala ang prinsipyo ng mga tao. At mas lalong. Naniwala na ako ngayon sa kasabihan ni ermat na 'panahon nga nagbabago, tao pa kaya?.' yan ang lagi nyang linya kapag pinapangaralan kami, lalo na si ate. Ano ba ang dapat kong gawin?. Makisunod rin sa uso?. Sumakay sa agos ng pagbabago?. Kung sasabay nga ako?. Paano?. Anong hakbang ang gagawin ko?.
"Pre shot.." binigay sakin ni Kian ang baso. Agad ko itong kinuha at nilagok ng walang pakundangan.
Walang sumubok nagtanong sakin. Wala ring nagsalita sa kanila. Mukhang, natauhan rin sila o nasampal ng katotohanan na di na gaya ng nakaraan ang dati. Nagbabago ito.
Tinapik ni Lance ang ulo ko bago tumayo at pumasok ng bahay nila. Wala si Kuya Mark. Hindi ko alam kung saan. Wala rin sya sa mga kaibigan nya. Pumasok ata. Basta hindi ko alam.
"Magiging okay rin yan.." may iniabot muli na shot. Kinuha ko iyon at ininom. Napakislot ako sa init na dulot ng alak. Ang sakit. Sana nga maging okay rin to. Baka kasi, di ko kayanin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago may naglaka sng loob na.magsalita.
"Pare, okay ka lang?.." pumungay ang mata ko at nginitian si Bryan.
"Maayos pa.." itinaas ko ang bote ng alak pero wala ni isa sa kanila ang gumaya. Nakatulala lang sakin.
"Wag kayong mag-alala. Okay lang ako. Di naman masakit.." naghalo na ang lahat ng pakiramdam ko. Kung kaya't di na alam ang sinasabi.
"Shot pa pre.." itinaas din ni Dave nag bote. Kinuha ko ang boteng nasa harapan ko at itinoss sa bote nya. Kaya gumawa ito ng ingay. Mabilis kong naubos ang alak. Ngayon ko lang ito nagawa sa buong buhay ko. Bawal pa kaming uminom ng marami. Menor pa kasi. Hindi pa legal.
"Ikaw si Boy Jaden. Laban lang.." itinaas rin ni Billy ang bote nya hanggang sa lahat na ang tumungga ng alak.
Laban lang!. Alam ko. Hanggat humihinga ako. Lalaban pa rin ako. Hanggang kaya ko pa. Aasa pa rin ako. Hanggat sya pa ang tinitibok nitong puso ko. Dapat lang na lumaban ako.
Lalaban ako hanggang sa dulo.