Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 132 - Chapter 32: Pain Reliever

Chapter 132 - Chapter 32: Pain Reliever

Sikat na ang araw ng magising ako. Sakit ng ulo at bigat ng pakiramdam ang bumati saking umaga. Bumangon ako at sinipat ang hinigaan. Kwarto ko na to. Paano ako nakauwi kagabi?. Sinong nag-uwi sakin kung ganun?.

Napakislot ako sa sakit ng ulo ko ng sumubok akong tumayo. Badtrip!. Naparami nga ata ako ng inom kagabi. Sobrang sakit ng ulo ko e. Pinilit kong inayos ang higaan bago bumaba. Hawak ang sentido.

"Good morning kuya.." bati skain ni Niko na nakaupo sa mesa. Kumakain ng almusal.

"Anong oras na?.." hilot pa rin ang sentido. Habang pumapasok ng banyo.

"Di ko po alam. Basta po, ang alam ko umaga na.." dinig kong sambit nya mula kusina. Natawa ako sa kawalan. Muntik ko ng nakalimutan. Bata pa pala sya. Hindi pa alam ang tamang oras.

Lumabas ako matapos gumamit. "Sina Mama?.." tanong ko. Pumanhik akong sala. Duon humilata muli.

"Nagsimba po.." di ko maintindihan agad dahil puno ang bibig nya nung magsalita.

Linggo pala ngayon. Bakit ko yun nakalimutan?. Nakagawian na namin na magsimba tuwing linggo. Ngayon, siguradong di na ako ginising dahil alam nilang sobrang lasing ko kagabi.

Ang tanong, sinong nag-uwi sakin dito sa bahay?. Halos lahat na kami sa mesa ay tumba na. Kaya di ko talaga matandaan kung sinong nagdala sakin dito.

"NIko.." tawag ko dito. Takip ang mata gamit ang kanang braso. Damn!. Ang sakit talaga ng ulok ko. Naapektuhan ang aking mata.

"Bakit po?.." lumabas sya galing kusina. Umupo sa may tabi ng aking tyan. Sinilip ko sya. Buhat nya yung plato na may laman na sinangag at pritong itlog.

"Anong oras ka natulog kagabi?.." pikit mata kong tanong.

"Maaga po.."

Hay!..

"Gaano kaaga?.." wag kang mainis Jaden. Bata yang kausap mo. Walang muwang sa sinasabi mo. Paalala ko saking sarili.

"Basta maaga po. Bakit po ba.." umayos sya ng upo at pinatong sa katawan ko ang plato nya. Tuloy, napaayos ako ng higa sa kanya.

Huminga ako ng malalim para makapag-isip ng tama. Ayokong idahilan ang sakit ng ulo para makagawa ng hindi maganda. Kailangan relax lang. "Gising ka pa ba nung umuwi ako dito?.." tinanggal ang kanin na naaa gilid ng kanyang labi. Ang dumi nyang kumain. Nakakatuwa.

Tumango sya habang ngumunguya. "Nakita mo ba kung sinong naghatid sakin?.." binigyan ko muna sya ng oras para lumunok bago sagutin ang aking tanong.

"Opo.." masigla nyang sabe. Nag-iba na parang ihip ng hangin ang mukha nya. Ngiting ngiti. Kita pa ang gilagid nya.

Kinagat ko ang sariling labi. Kinakabahan sa maaaring isagot nya. Di naman ako umaasa. Pero, lintik na puso. Lagi akong pinapaasa.

"Sino kung ganun?.."

"Secret po kuya.." ngiti nya sakin. Sumubo ulit ng kanin at nginuya. Pinapakita pa sakin mismo.

"Hindi ko ba pwedeng malaman?. Ang unfair mo naman.." mahinahon kong himig. Ngumuso para magpacute sa kanya. Humihiling na sana sabihin nya na.

"Magagalit po kasi sya kapag sinabi ko pangalan nya..." iling nya sakin. Nilalaro na ang pagkain na nasa kanyang plato.

"Wag laruin ang pagkain Niko." suway ko dito. Tumigil naman sya at nginusuan ako. "Bakit ano bang pangalan nya?.. Prinsesa?. Anghel?. O nakalimutan mo na?.." patuloy ko. Konting kulit nalang. Malalaman mo na rin.

"Paano po naging Prinsesa at Angel ang pangalan ni ate Bamby?.." there you have it. Sinabi nya rin. Nawala bigla ang sakit ng ulo ko ng marinig ang pangalan nya. Oa man kung sabihin ng iba pero totoo. Nawala talaga.

"Si ate Bamby mo ang naghatid sakin dito?.." tanong kong muli. Di pa rin makapaniwala.

Pero bakit?. Bakit sya ang naghatid?. Mga kapatid nya?. Asan?.

Tumango lang din sya. "Opo. Si ate Bamby po.. pero pangalan nya rin po ba ang Prinsesa at Angel kuya?.." napangiti ako sa naging tanong na naman nya. Ang kulit lang ng isip ng batang to.

Inalis ko yung plato sa aking tyan saka nilapag sa mesang nasa gilid. Umupo ng maayos bago sya binuhat at kinarga sa aking kandungan. "Prinsesa kasi sya ng kuya mo. Na Angel sa kanyang paningin. Kaya pangalan nya rin ang mga iyon..."

"Ganun po ba?. Pwede ko po ba syang tawagin na Prinsesa?.."

"Hindi pwede bunso. Ate nalang mas magandang pakinggan sayo. Si kuya lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Prinsesa at Angel.."

"Bakit naman po?. Hindi po yun patas.."

"Kasi nga, ako ang Prinsipe na sasagip sa kanya.."

"Hindi ka naman po totoong Prinsipe kuya?.."

"Alam ko..kaso sya na kasi ang mahal ko. Kaya tinawag ko syang Prinsesa ko.."

Ang dami pa nyang tanong na kung saan saan na ang naisasagot ko. Lumilipad na kasi isip ko sa kanya. Bakit nya ako hinatid?. Tsaka. Marunong syang magmaneho?. Tinalo pa ako.