Kinagat ko na ang labi para pigilang magsalita. Dapat ko bang isagot iyon?. Ang layo ng sagot mo boy dun sa tanong nya. Sus naman?. Anong konek?. Ngayon, parang nawalan na sya ng koneksyon sa'yo. Naman po.
Humihiling na ako sa may Itaas na sana, hindi nya narinig yun. Na sana balewalain nya nalang. Na sana di sya magalit. Na sana, ang dami ko pang sana. Di ko na matukoy dahil sa gulo ng utak ko.
Kumurap ako. Binasa ang ibabang labi. Bago yumuko at ibinulsa ang dalawang palad na basa. Pinanood ang mga paang gusto ng maglakad palayo sa kanya. Nahihiya. Humihiling na sana kainin nalang ako ng lupa.
Masyado ka naman kasing mabilis Jaden. Dapat, kinausap mo lang muna. Tanungin kung maayos lang sya duon. Ikaw naman kasi.
"Kailan ka pa natutong magbiro?. haha.." may halong pag-aalinlangan ang kanyang boses. Kaya kahit nahihiya pa ako. Umangat ang aking paningin. Dumiretso sa mata nyang parang alak. Nilalasing ako. Todo na ang kalabog ng aking puso. Anong sinabi nya?. Nagbibiro ako?. Di kaya.
"Baka guni guni mo lang yan Jaden. Sige na. Balik na ako dun.." tatalikuran na nya ako pero mabilis ko syang pinigilan. May sariling isip ang katawan ko. Kusang gumalaw ng di nag-iisip. Hinigit ko ang braso nya dahilan para huminto sya't tapunan ako ng tingin. Sinuyod ng mata nya ang kamay kong nakahawak pa rin sa kanyang braso. Umawang ang labi nya pero itinikom. nya rin agad.
"Hindi ako marunong magbiro Bamby.." mahina kong sambit. Tama lang para marinig nya. Biglang tumahimik ang paligid. Lahat nakatutok samin. Pinapanood bawat galaw at gagawin.
Suminghap sya at itinikom ng mariin ang pino nitong labi. Gustong magsalita ngunit ayaw lang akong saktan. Oo inaamin ko. That's too fast. Pero, ngayon ko lang naisip na. Maraming taon na pala ang sinayang at nasayang ko. Kaya kung ano man ang mangyari ngayon mismo. It's now or never. Sasabihin ko lahat sakanya. Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.
"Gusto pa rin kita.." hawak ko pa rin ang braso nya. Ayaw pakawalan. Baka di na bumalik e.
"Hinde e. Nagbibiro ka lang..." giit nya. Bakit ayaw nyang maniwala?. Bakit?. May iba na ba sya?. Please let me know.
"Kilala mo ako, hindi ba?.." iling ko sakanya. Sa iba sya tumingin. Tumitig ako sa mukha nyang hidni ko kayang tiisin.
Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso. Nalaglag ang panga ko. Wag naman ganito please. "Apat na taon na ang lumipas. Di ko alam kung kilala pa ba kita.." anya. Anong basehan nya para sabihin sakin na nagbago na ako?.
I'm damn speechless!..
"Wala namang nagbago sakin.. heto pa rin ako. Naghihintay... sa pagbalik mo.." nanghina ako ng wala sa oras. Naramdaman ang pagod at sakit sa loob ng apat na taong lumipas.
Umiling lang sya. Umatras pa palayo sakin. Nagbabadya na ang luha ko. Fuck!.
"Umaasang ako pa rin, sa'yo.." shet!... Tumingala ako para pigilan ang luhang gusto ng bumagsak. Bakit ganito?. Akala ko ba party ito?.
Mabuti nalang at pumagitna samin si Lance. Kinausap nya ang kapatid bago ako hinarap. Pinanood kong talikuran nya ako at layuan. Ganun nalang ba yun?. Pagkatapos ng pag-amin ko, ganun na lang yun sa kanya?. Wala man lang sagot?.