Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 129 - Chapter 29: Gorgeous

Chapter 129 - Chapter 29: Gorgeous

Sa garden maingay na ang lahat. Andun sina Karen at Winly na nagpapatawa sa lahat. Agad nila kaming nakita.

"Uy Jaden. Ang gwapo!.." tili nito sakin habang hinihila ako patungong mesa nila. Umiling ako nginitian sya.

"Hi Lance.." bati naman nya sa kasama ko na tinalikuran agad sya. "Ang suplado pa rin nya grabe. Pero dumoble ang kagwapuhan. gurrrl.. Ahhh!.." tumili pa ito sa mismong tainga ko. Bwiset!.

"Bakla ang landi mo gurl. Dito ka na nga.." sapilitan syang hinila ni Karen sa aking braso. Pinagtawanan ng lahat ang pag-irap at arte ng kanyang pagkembot. Tuloy, di ko rin mapigilang matawa. Nakalimutan yung pansamamtalang nangyari kanina.

Pinaupo nila ako sa gitna nina Kian at Billy.

"Kamusta?.." bulong sakin ni Kian matapos umupo at lunukin ang shot na binigay sakin bago umupo. Di naman hard ang iniinom namin. Medyo lang. Kaya di kami agad natatamaan.

"Hmm. 'kay lang.." bulong ko rin.

"Di ka ininterview?.."

"Di naman.." tumango sya sakin. Kinuha ang nakalaang baso para sa kanya. Nilagyan ng alak saka binigay ulit sakin. Bat ako lang umiinom?. Mukhang di pa naman sila lasing?. Gagawin ata nila yung biro nila sakin sa loob ng sasakyan. Lalasingin ako. Naku naman. Magagalit ermat dito.

"Talaga?. e yung mga cake?. Kinuha ba nya?.." tukoy nya kay Bamby. Sya yung nagpabili ng cake na kinuha namin sa may pastry shop. Ang sabi ni Lance. Paborito nya raw ang matatamis.

"Hinde e.." iling ko. Natuon ang mata nya sakin na nasa gitna ng kumpulan ng kaklase ni Bamby noon. Malakas na nagtatawanan. Pinagtritripan si Winly.

"Bakit naman?. Naku naman boy!. Ang bagal mo talaga. Sumasakit ulo ko sa'yo. hahaha.." mabuti nalang tumawa sya sa mga sinabi nya. Wala akong magawa kundi nginitian din sya.

"Bat kasi pinoproblema mo lovelife ko. Try mo kayang manligaw..." suhestyon ko dito. Napapansin ko kasing lagi nalang syang nakatanaw sa babaeng gusto nya. Pareho ata kaming nasa linya ng katorpehan..

"Makasugget ka naman. Di mo nga malapitan ng husto babaeng gusto mo eh. tsk.. hahaha.." pareho kaming nagtawanan sa huli nyang binanggit.

"Wala ka na dun..haha.." biro ko.

"E di kwits lang tayo. hahaha.." ginulo nito ang buhok kong paulit ulit ko nang inayos. Baka dumating sya bigla eh. Ang baliw mo Jaden!!.

"Oh my gosh!!." singhal ng mga kababaihan. Di ko nakita kung bakit sila nagkaganun dahil pinulot ko yung nahulog na sumbrero.

Nang mag-angat ako. Nakita ko sya. Naglalakad habang nakangiti. Nakasuot ito ng spaghetti strapless dress. Bagsak ang mahaba nyang buhok. Sumasayaw sa bawat hakbang nya. Laglag ang panga ko habang pinapanood syang maglakad. Lahat natahimik bigla. Laglag ang panga at lumaki ang mata. Nakatuon lahat sa kanya ang paningin. Namamangha sa taglay nyang ganda. Parang naligaw na diwata. That's mine!. Bulong ng aking puso. Hindi ko itatanggi. She's really mine. No matter what.

Pinagkaguluhan na sya nina Winly at Karen maging ng dati nyang kaklase. Kasama ang mga lalaking kumikislap ang mga matang tinitignan sya.

Tsk. I want your full attention baby. Please. Be mine.

Nagtawanan. Nagyakapan. Nag-iyakan sila. Marami ang namangha sa pagiging dalaga nya. Kung maganda na sya dati saking paningin. Mas lalo ngayon. No words can express how much I admire her.

"Ang ganda noh?.." bulong ng hindi ko matukoy kung sino. Abala kasi ang mata ko sa kapapanood sa kanya. Nanood pati ata pandinig ko. Kung kaya't walang impormasyon na nasasagap. Di matukoy kung sinong kausap. Bangag e. O nilamon ng pagmamahal. Naks Jaden!. Hindi ka na boy. Lalaki ka ng talaga.

Nilapitan nya isa isa ang lahat. Kinausap at niyakap. Hanggang sa ako na ang kasunod kay Kian.

"Hi.." nakangiti nyang bati sakin. Tumayo ako kahit nangangatog tong mga tuhod ko. Di marunong makisama.

"Hi.." nahihiya kong sambit. Bwiset!. inilahad nya ang kamay sakin. Namalagi ng ilang segudno ang mata ko doon. Di na naman alam ang gagawin.

"Go Boy!!.."

"Go Jaden!.." may iilang sumigaw para sakin. Wala akong oras sa kanila ngayon.

Pinunasan ko muna ang palad kong pawisan bago kinuha ang kamay nyang nakalahad. Agad kumalat ang mainit na epekto ng kanyang palad sa buo kong katawan. Nakuryente. Bago pa ako makapagreact. Lumapit sya sakin at niyakap ng bahagya. Dinig kong may mga sumipol. Nagdiwang at naghiyawan. "Long time no see.." bulong nya. Nabuhay ang katawang lupa ko sa mainit nyang hininga. Tanaw kong ngumiti sya bago umatras palayo sakin.

"Ang ganda mo.." akala ko sa isip ko lang ito sinabi. Pero Damn Jaden!. Nasabi mo nga. Sa harapan nya mismo.

Natigilan sya. Tumitig sakin bago ngumiti ulit.

"Thank you. hehe. Ikaw?.." pagbibitin nya sa sinasabi. Tuloy para na akong bulag. Nangangapa ng sasabihin. Nabulag na nga ako sa kagandahan nya.

"Bakit?.." parang tanga lang. Bakit yun ang sinabi mo boy?. Dinig kong bulong nina Kian at Dave sa isip ko.

"Malaki ang pinagbago mo.." tinignan ako mula ulo hanggang paa. Shet!. Anong sasabihin ko?.

"Pero ikaw pa rin ang gusto ko.." di ko namalayan na lumabas na ito sa bibig ko. Kumalabog ng napakalakas ang aking dibdib. Parang kumidlat at may natamaan. Sya. Dahil nabitin sa ere ang kanyang labi. Lumaki ang singkitan nyang mata. Naestatwa sa mukha kong sya lang ang nakikita.

Related Books

Popular novel hashtag