"Nak, samahan mo muna sina Klein at Niko sa kabilang kwarto. Kailangan kong mamalengke ngayon.." katok ni Mama ang gumising sakin kinaumagahan. Kinusot ko ang medyo inaantok ko pang mata. Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Basta ang alam ko. Mahimbing ang tulog ko ng lumipas na gabi.
"Jaden, lipat na. Baka magising si Klein.." kinatok muli ako ni mama dahilan para sapilitan akong bumangon. Tinupi ko ang kumot saka inayos ang aking kama.
Nang lumabas ako. Nakasalubong ko sya sa pinto ng kwarto nila ate. "Hindi po ba umuwi si ate?." tanong ko kahit obvious naman na wala si ate sa bahay. Muli nyang sinilip si Klein at inayos ang maliit na kumot nito.
"Halata naman na hindi umuwi ang ate mo.." himig sarkastiko ang kanyang sinabi. Kumurap ako't namaywang.
Bakit kaya di sya umuwi kagabi?. Anong ginagawa mo ate?.
"Wag mo na syang isipin. Basta bantayan mo muna sila. Mabilis lang ako. Yung gatas nya nasa mesa. May mainit na tubig na rin duon." bilin nya.
"Si papa po ba?.." tanong ko habang umuupo sa tabi ni Klein na mahimbing ang tulog. Tinitigan ko ang mala-anghel nitong mukha. Nakuha nya pa talaga lahat sa tatay ang mukha nya. Matangos na ilong. Mahahabang pilik mata. Manipis at mapulang labi. Maputi. Gwapong bata.
"Maagang umalis. May seminar daw sila.." tumayo sya at sinipat ako. "Babalik din ako agad. Sige na.." ginulo nya ang buhok ko bago umalis. Muli akong humiga. Nagtext pa sakin si ate kagabi. Bakit kaya di sya umuwi?. Eto na nga ba yung sinasabi ko e. May mali sa kanya kahapon pa. Di nya lang sinasabi.
Ang nangyari nga ng umagang yun. Nag-alaga ako ng bata. Dalawa. Mabuti nalang at medyo malaki na si Niko. Nga lang, sobrang kulit. Ang dami dami pang tanong.
"Kuya, kailan ka po pupunta kila ate Bamby?.." Hindi ko alam kung paano nya nalaman na pupunta ako roon. Wala naman akong nababanggit na ganun sa kanya. O baka, may nagsabi?. Possible nga.
"Di ko pa alam Niko. Bakit?.." lihim ko. Ang alam ko kasi. Hapon o gabi na gagawin ang party.
Napakaganda ng kanyang ngiti. "Sama po ako ah.." eto na naman sya. Nangungulit.
Di ko sya sinagot. Kapag pumayag kasi ako, baka umiyak lang sya pag di ko sinama. Kung sakali namang hinde ang sabihin ko, paniguradong iiyak sya. Tapos iiyak din si Klein. Laking problema pag nagkataon. That's why. Sometimes, silence is the best answer in to complicated questions.
Alas nuwebe na nang bumaba kami. Eksakto ring dating ni ate. Kasama ni kuya Mark?. What?. Ano to?. Bakit magkasama sila?. Di kaya?. No!. Imposible. Pero possible Jaden. Magkasama sila e. Nagtalo pa ang isip ko sa nakita.
"Hi baby.." salubong nito sa anak pero mabilis ko syang inilayo.
"Ate, magpalit ka na muna ng damit. Baka makasama kay Klein e.." suway ko dito. Nginusuhan nya ako saka bumaling kay kuya Mark na di maalis ang mata sa batang karga ko.
"Salamat Mark ah. Di ko alam gagawin ko kung di ka dumating. Dito ka na muna. Akyat lang ako. Galit si boss e.." baling nya sakin. Dumiretso na sa taas.
"Gwapong bata.." komento nya bago ako tinignan sa mata. Ngumiti sya sakin pero di ko magawang suklian. I'm in the state of shocked.
Nahalata nya ata iyon. "Galing akong shoot. ng makita ko sya. Lasing. Muntik nang--. Alam mo na. Sa kalsada. Pagtripan ng mga lasenggo sa daan. Mabuti nalang at natanaw ko sya.." paliwanag na nya. Nabasa ang nasa isip ko.
"Psh. Sabi na eh.. Ang tigas kasi ng ulo.." sumang-ayon ito sakin.
"Ang sabi nya pa. Hahabulin nya raw yung asawa nyang may kasamang babae. Umiiyak.." umiling lang ako sa pagkadismaya. Ano pa nga bang bago sa dati nyang asawa?. Tsk.
"Mabuti napapayag kong umuwi na dito. Ayaw pa eh.." tiningala pa ang hagdanang inakyatan ni ate kanina. "Hindi maganda ang lagay ng ate mo Jaden.."
"Alam ko. Pero paano ko naman sya matutulungan kung di sya nagsasabi." tinuro ko sa kanya ang upuan pero inilingan nya lang ako.
"No thanks bro. Kailangan ko na ring umuwi. Siniguro ko lang na ligtas sya. Kanina pa ako hinahanap sa bahay. Galit na si Lance. Hahaha.. sinabi ko na sa ate mong pumunta doon mamaya pero tinanggihan nya. Saka na raw..ang kj na nya.. hahaha.."
Tahimik lang ako. Walang maisip na sabihin.
"Wag kang mawawala mamaya Jaden. Ikaw ang inaasahan ng lahat duon.." tapik nya sa balikat ko. Akmang aalis na.
"Ah hehe. Opo kuya.." tango ko. Hinatid ko sya sa labas. Pero bago pa sya tuluyang makasakay ng sasakyan. Lumapit ito saking tainga at bumulong. "Gusto kang makita ni Papa.." tinapik muli ang aking balikat tsaka na pinaharurot ang sasakyan paalis.
Tuloy, sa pag-alis nya. Para na ring sumama sa kanya ang aking isip. Nalilito sa huli nyang binanggit. Ano raw ulit Jaden?. Gusto kang makita ng papa ng taong mahal.mo?. Naku naman!. Ngayon palang, abot langit na ang kaba ko.