Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 127 - Chapter 27: This is it

Chapter 127 - Chapter 27: This is it

Alas tres na ng hapon ng bumusina si Kian sa harap ng bahay. Inayos ko ang buhok saka nagwisik ng pabango. Nagpaalam ako kay Mama bago lumabas.

Mukha ni Dave ang bumungad sakin sa may gate. Nagpahinga sa mga braso nya ang buo nyang mukha. Nakataas ang isang sulok ng kanyang labi. Nang-aasar.

"Pre ready?." tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Ugok!. Nagtanong ka pa eh. sobra na nga kaba ko.." sambit ko habang binubuksan ang pinto para makapasok. Nasa loob na rin si Bryan na humagalpak agad sa sinabi ko.

Bat sya andito?. Asan kotse nya?. Si Bryan. Kamusta kaya yung pinagyayabang nyang Mustang?. Nahuli ata ng pulis. Lol.

"Wag kang kabahan pre. Ang gwapo mo kaya. hahaha.." sita nya pa sakin na prenteng nakasandal sa upuan. Binato ko sa kanya ang dala kong sumbrero dahilan para magrekamo ito. Tinawanan lang namin sya.

"Mga ulol!.." banat nya samin. Tuloy, si Kian na nasa harapan. Humagalpak dala ng mura nya.

"Tsk.. makatawa kayo. Try nyo kayang lumagay sa pwesto ko. Tangina nyo!.." mura ko rin sa tawa nilang sagad sa pang-aasar.

Di nila tinigilan ang mga banat nila sakin hanggang sa kalsada.

"Balita ko, nakausap mo raw sya kagabi ah.." ani Kian habang nagmamaneho. Pinanood ang magiging reaksyon ko sa salaming nasa harapan. Pinakita kong di ako apektado sa sinabi nya.

"Hindi sya. Si Lance.." paliwanag ko naman. Hindi naman talaga. Nagsalita nga sya pero nabitin naman. Asan ang usap dun?. Tsk. Mga ugok talaga!.

"Bwahahahahaha!!.." humagalpak na naman sila. Ano bang nakakatawa dun?. Ngumuso ako at pinanaood nalang ang mga sasakyang nag-uunahan.

"Aba!. Akala namin nakausap mo na?. haha. si Lance lang pala.." binato pabalik ni Bryan yung sumbrero sakin. Kaya bumalik sa kanya ang mata ko.

"Hmm." kinuha ko yung sumbrero at sinuot nalang. Binabato lang e. Mas mahal ko kaya to kaysa sa kanila. Pero syempre, mas mahal ko sya.

"Si Lance ba talaga?..." hindi makapaniwalang tanong ni Dave. Nilingon pa ako. Niloloko sa mga ngisi nya. Abnoy din.

"Oo nga.." inis kong sagot sa kanya. Pero di nya na rin ako tinigilan.

"E bat parang yang mukha mo sinasabing kinausap mo nga?.." Ang kulit. Bagay silang magkapatid ni Niko. Sagad sa buto ang kakulitan. Kung di pa nagalit si Papa sakanya kanina. Talagang sasama sya sakin. Hindi nga sya pwedeng lumabas kapag hapon o gabi na. Pwera lang kung kasama nya ang mga ito. E mga binata kami. Malamang di pinayagan.

"Hinde nga. Ang kulit. Kahit itanong mo pa sa kanya.."

"Ayaw nga namin. Ikaw na nga tinatanong ngayon eh.. tsk..haha.." binalewala ko na yun. Hindi na kasi mapakali itong puso ko. Sobra ang tibok. Kulang nalang lumabas sa katawan ko saka lumipad na sa bahay nila. Damn!. Sagad na talaga sa buto ang kaba ko ng matanaw ko na ang bahay nila.

"Kalma Jaden, hindi ka na ata humihinga dyan eh.." hinawakan ni Bryan ang kaliwang balikat ko. Pinapakalma ako. Pero hindi ko magawa. Tinanggal ko yung suot na sumbrero saka pinunasan ang butil ng pawis saking noo. Badtrip!. Hindi naman masakit tyan ko. Pero bakit, tagaktak nalang itong pawis ko?.

"Andito na tayo." anunsyo ni Kian. Huminto sa harapan ng malaking gate nila. Gumalaw sya at sinipat ako. "Pre, namumutla ka. Haha.." sita nya sakin. Nasa sandalan ng upuan ang kanang kamay at sa manibela naman ang kaliwa. Pareho na sila ni Dave na nakatingin sakin.

Lumunok lang ako at walang lumabas na salita saking bibig. Wala e. Biglang nanuyot lalamunan ko pagkakita palang ng gate nila. Hindi sana ganito ang reaksyon ko e. Dapat mas excited pa ako kaysa sa kanila. Kaso lang, may bahagi sakin ang natatakot. At yun ang bumabalot saking isipan ngayon. Kaya para akong estatwa kung makikita mo. Di ko alam kung saan galing yung takot na nabuo ng isip ko. Basta nalang itong pumasok kanina. Badtrip naman!.

Tinitigan lang nila ako. "Ano?.." inis kong baling sa kanila. Tahimik kasi sila. I'm not used to it.

"Kinakabahan ka?.." Ewan ko ba kung tanong lang ba Ito ni Dave o nasabi nya lang. Nagkamot lang ako ng ulo. Hindi makatanggi.

"Wag kang mag-alala. Mawawala rin yan.." dagdag pa nya.

"Paano naman?.." bulong ko. Walang lakas para isigaw ang nararamdaman ko. Bwiset!. Torpe ka Jaden!. Torpe!.

"Magpakalasing ka. Hahaha.." tawa nya na sinang-ayunan lang din ng dalawa.

"Baliw!.." I stated. Binuksan ko na ang pinto saka bumaba. Sumunod naman sila na agad sinalubong ni Lance ng biglang lumabas ito ng gate. Bihis na bihis.

"Mga pre,.." bati nya sa kanila bago sakin. "Buti pumunta ka?.."

"Ah oo e... aalis ka?.." yung dila ko nagbuhulan dahilan para mautal ako. Naku naman!..

"May bibilhin lang ako. Ang daming arte ni Bamby e.." ngisi nito sakin. Tangina!. Like what I've said. I'm not used to it. Alam ko kasing di ito boto sakin noon e. Noong bago sila umalis. Bakit ngayon?. Nagbago na ba isip nya?. Wow lucky me!.

"Gusto mong sumama?." patuloy nya. Kumurap lang ako. Walang kwentang kausap.

"Sama kami.." Ani Dave. Nilingon nya ang mga ito. Saka tinanguan. "Sama ka?.." tumango nalang ako sa alok nya. Di ko pa kayang mag-isa sa bahay nila ngayon. Baka himatayin talaga ako sa sobrang kaba.

Pinasok nila yung kotse ni Kian sabay labas naman ng sasakyang gagamitin namin. Chevy. Pero bago pa kami makapasok. May narinig akong nagsalita. Anghel ata.

"Kuya!. Ang engot mo. Yung receipt oh.. Naiwan mo.." dire-diretso nitong lakad papuntang harap ni Lance. Nasa loob ng sasakyan ang kalahati ng katawan ko. Lumabas lang nung marinig ang boses nya. Tumayo sa mismong tabi ng kapatid nya. Natulala ako at nanigas. Goddamnit!.. Mas lalo syang gumanda. Tumangkad at shet!. Ang hot nya. Nagbara lalamunan ko. Hindi magawang lumunok sa harapan nya. Damn this!.

"Oh!. hoho.. " dinig kong tawa ni Lance. Kinuha ang papel sa kanya. Tinapik ako sa balikat. Dun din bumalik sa reyalidad ang utak ko.

"Bamby, si Jaden o.." turo pa sakin ni Lance ng tumalikod na sya pabalik.

"I know.." Yun lang at nawala na ito saking paningin.

Lihim akong nagbuga ng hininga. Shet!. Nag-init ng wala sa oras ang buo kong katawan. Para akong isang lobo. Isang bomba pa ng hangin. Puputok na ang puso ko sa kilig.