Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 125 - Chapter 25: Accepted

Chapter 125 - Chapter 25: Accepted

Hindi ako makatulog. Kahit anong posisyon ang gawin ko. Patihaya. Nakadapa. Patagilid. Lahat lahat na ng pwede kong gawin para humiga nagawa ko. Pero talagang hindi ako dinadalaw ng antok. Bumangon ako. Umupo sa magulong kama at nagkamot ng ulo.

"Anong oras na Jaden?.." parang baliw kong tanong sa sarili.

Alas onse na ng tiningala ko ang orasan. Malalim na ang gabi. Mahimbing na rin ang tulog ng lahat pero ako, hindi makaramdam ng anumang antok.

Kung bakit ba kasi sinabi pa ni Kian e. Di ko naman sya sinisisi dito. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nalaman ko nang nasa iisang lugar na lang kami. Antipolo. Parehong hangin ang umiikot samin. Naeexcite tuloy ako.

Sa excitement ko. Kung saan saan na tumatakbo ang malikot kong isip. Naglalaro dito ang kung paano sya haharapin bukas. Naman. Iniisip ko palang maganda nyang ngiti at kumikinang nyang mata. Para na akong nauubusan ng hininga. Kakayanin ko ba talagang harapin sya?. Bahala na si Batman.

Muli akong humiga at kinuha ang cellphone kong nasa ilalim ng unan. Pinagana ko ang data tsaka naglog-in sa facebook.

Nagulat pa ako sa dami ng notification. Pinindot ko ito. Saka binasa isa isa. Puro mga friend request. Yung kakilala ko lang ang inaccept ko. Yung iba. Saka nalang. At duon ko rin nakita ang isang request ko na inaccept.

Kinuyom ko ang aking palad saka ito itinaas na para bang nanalo ako ng loto. "Yes." tsaka ito isinigaw ng katamtaman lang. Pinagkiskis ko pa ang mga ngipin para lang wag masyadong magsaya. Kinagat ang labi sa sobrang tuwa. Di rin nakaligtas sa aking suntok ang unan na nasa paanan ko.

Damn Jaden!. Nababaliw ka na ba?. Humalakhak ako sa pagsuway sakin ng aking sarili.

Oo matagal na akong baliw. Pero sa iisang tao lang. Damn you!.

"Jaden Bautista is now friends with Bamby Eugenio.. yes!.." Hindi magkamayaw ang ngiti sa aking labi. Kulang nalang mapunit ito sa laki ng ngiti.

Parang ayokong nang matapos ang gabing ito. Napakasarap ng feeling. Kung pwede lang pahintuin ang bawat pitik ng segundo. Gagawain ko. Pero syempre, kathang isip ko lang yun. Wala naman akong kapangyarihan para gawin ang imposibleng bagay. Baliw ka na nga talaga Jaden. Kung anu ano na nasa isip mo.

"Fu--!!.." Wala sa isip kong mura ng magulat sa tunog ng cellphone. Sa dami ng iniisip ko. Nababangag na ako. Tsk.

Si Lance pala.

"Gising ka pa?.." Anya sa chat. Huminga ako ng malalim saka sya nireplyan.

"Hindi ako makatulog. Ikaw, bat gising ka pa?." normal kong reply dito.

Nagtatype na sya. May tatlong dot na sumasayaw sa screen. Pumikit ako ng ilang sandali. Mukhang napasyal na ang antok sa sistema ko. Maya maya tumunog muli. Hudyat na may reply na sya.

Lumaki nalang bigla ang mata ko ng may isend syang litrato. Silang dalawa. Nakapajama at pink na sando si Bamby. Nasa mukha ni Lance ang paa nito. Sinisipa sya. Damn!. Yung puso ko. Tumalon palabas ng bintana. Tumalon talon hanggang sa lumipad sa langit dahil sa saya. Iba ang epekto ng ngiti nya sakin. Para itong droga, na kung laging kong makikita, paniguradong lutang ako bente kwatro oras.

"Hindi ako makatulog dahil hindi nya ako pinapatulog. Kita mo yung sipa nya pre?. Bwiset!. Nabawasan tuloy kagwapuhan ko.." Yung ang kasama ng litratong sinend nya. Nakakapagtaka. Bakit nya sinasabi sakin ito?. Anong meron Lance?. Wala akong maisip na ireply sa kanya. Nablangko.

"Huy Jaden!. Gising ka pa ba?.. bat di ka na nagrereply?.."

"Bumaba lang ako saglit.." yun lang ang tangi kong nireply. Tinatago ang totoong nasa isip.

"Ganun ba?. Pwede ba kitang tawagan?. Ipaprank ko lang sya. Hahaha.."

Mas lalo akong nanigas sa pagkakahiga. Tatawagan?. Jusko Jaden!. Huminga ka ha. Baka mamatay ka bigla dyan.

"Sige.." pagkasend ko dito. Tawag na nya ang sumalubong sakin.

"Pre, shhhh.." nilagay nya ang hintuturo sa labi bago naglakad at lumapit sa nakadapang babae. Kinalabit ito.

"Bamby, may gustong kumausap sayo.." hawak nya pa rin ang cellphone. Nilingon lang sya ni Bamby. Saka binelatan.

"Hahaha.. ayaw mong kausapin?.." hagalpak nya.

"No way!. Bahala ka dyan.." irap nito sa kapatid.

"Di nga. May sasabihin lang daw sa'yo.." nagpipigil ng ngiti si Lance dahil nilipat nya sa front camera ang cam nya. Tapos binalik sa back camera. Kaya kita kong napaupo sya ng maayos at tiningala ang kapatid na nakatayo sa likod nya.

"Akin na nga. Pag ito prank?. Babatukan kita.." she gritted her teeth. Bago kinuha ang cellphone sa kapatid. Binago nya ang camera saka inayos ang buhok na maayos naman.

"He--?.." nabitin sa ere ang kanyang bibig.

Mabilis nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa naiinis kanina. Sobrang lumaki yung singkitan nyang mata, bumilog ito. Kasabay ng paghulma ng bilog sa kanyang bibig. Nagulat. Mabilis nya itong tinakpan. Ganun din kabilis nagsalubong ang hindi masyadong makapal nyang kilay. Dinig kong humagalpak na si Lance sa paligid.

"Kuya!!!..." sigaw nya sa kapatid na sobra ang tawa. Nagulo ang kinukuhanan ng camera. Hula ko ay binato o hinagis nya sa kapatid ang cellphone.

"Hahahaha.. sa wakas lumabas na rin. Ayaw umalis ng kwarto ko e. Inaantok na ako. hahaha.. salamat pre. Bukas ah. Asahan kita dito. Nyt!.." tumango lang ako sa kanya bago nya pinatay ang tawag.

Matapos ng pangyayaring yun. Naglayag pa sa malayo ang isip ko. Tumatalon talon hanggang sa mapagod at makatulog na ng tuluyan.

Related Books

Popular novel hashtag