Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 124 - Chapter 24: She's home

Chapter 124 - Chapter 24: She's home

Pagkatapos maghapunan. Umakyat na ako. Iniwan ko na si Klein kila Mama. Wala pa si ate. Nagtext sya kanina sakin na matatagalan pa raw sya. Kaya si Mama at Niko na muna ang tatabi sa pagtulog nito. Tutal sabado naman bukas. Walang pasok. Si Papa, abala sa paggawa ng mga grado ng estudyante nya. Sya nalang ang naiwan sa sala. Manonood pa sana ako ng basketball sa tv kaso, tinatamad ako. Bukas nalang. Hindi pa naman finals.

Sinisipol ko ang bagong awitin sa pamamagitan ng sipol. Mahal ko o mahal ako. Di ko alam kung bakit namemorise ko ang bawat lyrics nito..Lagi kasing pinapatugtog sa radyo. Kaya siguro nasaulo ko.

"Shit!.." Wala sa sarili kong mura ng tumunog bigla ang cellphone ko sa gilid ng aparador. Tabi ng isang notebook na puno ng mga sketch. Hilig ko ang sketching. Pangarap ko talagang maging isang engineer..

"Bakit?.." bugnot ko sinagot ang tawag ni Kian. Minura pa ako. "Gago!. galit ka ata e?.." nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga para malaman nyang medyo naiinis ako. Nabigla kasi ako sa tawag nya. Di nya naman ugaling tumatawag e. Ano kayang ibabalita nya?.

"Napatawag ka?.." humiga ako. Kalahati ng katawan ko ang nasa kama. Ang baywang hanggang paa ko naman ay nasa ibaba. Ginawa kong unan ang kanan kong braso saka tumitig sa kisame. Binitawan ko ang cellphone. Nilapag sa malapit sa aking tainga. Nakaspeaker.

"Tsk. wag nga kayong maingay.." suway ng isang boses sa linya nya. Kaboses yun ni Billy. Teka. Magkakasama ba sila?. Gabi na ah?.

"May kasama ka ba dyan?." nacurios ako sa boses ni Billy e.

"Oo. Ang tropa. Ikaw lang ang wala.." halakhak nya. Hindi naman sa ayaw nila akong isama sa lakad nila. Kahit naman yayain nila ako. Di talaga ako sasama o papayagan. Alam mo na si Papa.

"Lumabas kayo?.." pinasigla ko ang aking boses para wag magmukhang malungkot. Nakakainggit kasi sila. Lahat ng pwede nilang gawin. Gumala sa gabi. Magbar. At magtravel sa kung saan nila gusto. Nagagawa nila. Ako. Minsan, lang sumasama sa kanila tuwing nasa malapit o payagan ni Mama. Kaya nga binansagan nila akong boy eh. Dahil para raw akong bata kung tratuhin nila Mama. Ayoko rin namang magalit sa magulang ko. Alam ko kasing para rin sakin ang ginagawa nila. Bahala sila dyan mag-isip ng masama sakin. Basta para sakin, mabuti ang ginagawa ko.

"Nasa bahay nila Billy. Punta ka dito..may pupuntahan tayo." patuloy ni Kian. Umiling ako kahit di nya nakikita saka ngumiti ng kalahati. Meaning. Hindi totoong ngiti.

"Wag na. Baka di rin ako payagan e. Walang magbabantay kay Klein.."

"Malapit ko ng isipin na anak mo si Klein pre. Laging ikaw ang nag-aalaga e.."

"Umalis kasi si ate. Hindi naman na nagpakita samin ang ugok nyang tatay. Kaya wala akong choice kundi alagaan sya.." humalakhak na naman sya. Pinagtawanan pa ako. Sya kaya mag-alaga ng bata. Tignan ko kung magagawa nya pang tumawa. Tsk.

"Pwede ka ng mag-asawa kung ganun. hahaha.. Magaling ka ng mag-alaga. e.."

"Tsk. Wala pa sa isip ko yan. Teka nga. Bakit ka ba napatawag ha?.."

"E kasi, nakita namin kanina yung babaeng nameet mo sa isang fast food noon. Remember her?. Veberly?.." nakamot ko ang nagsalubong kong kilay sa sinabi nya. Really?. Pinaalala pa nya?.

"Nakita nyo?. Saan?.."

"Sa airport.." maikli nyang tugon. Na naging dahilan rin ng pagkakakunot ng aking noo. Airport?. Anong ginagawa nila duon?.

"Bakit?. Anong ginawa nyo sa airport?."

"Sinundo ang puso mo. hahahaha.." halakhak nila. Kumalabog ng dalawang beses ang puso kong ilang araw ding tahimik. Bumilis ang paghinga ko dahilan para bumangon ako sa pagkakahiga. Biglang nagpawis ang kamay ko sa kaba. Sa nalamang nakauwi na talaga sya. Mas lalo akong kinabahan. Shit Jaden!. Ito na nga. Anong gagawin mo bukas kapag nagkita na kayo?.

Blangko ang utak ko. Walang naiisip na plano. Lahat burado dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ano--?.." hindi ko magawang tapusin ang gustong sabihin. Damn!. Bat sobra pa sa sobra ang kaba ko?.

"Relax boy.. hahaha.. yan. Kaya hindi ka namin sinama dahil baka himatayin ka lang dun e. hahaha. wag kang mag-alala. Bukas. Kahit kaladkarin ka namin papuntang bahay nila. Gagawin namin. Makita mo lang sya.. hahaha.."

Di na ako makapagsalita ng maayos. Kaya pinatay nya na rin ang linya. Puro tukso lang naman sinasabi nila. Wala rin naman akong komento. Napipi ang bibig ko. Naputol ang dila ko. Kinalawang sandali ang utak ko. Kung kaya't wala akong mahanap na salita para sabihin sa kanila.

Bukas. Patay na naman ako neto. Paniguradong patay sa kaba dahil sa wakas. Sa apat na taon. Makikita ko na sya. This is it. Sana makatulog ako mamaya.

Related Books

Popular novel hashtag