Pagkauwi sa bahay. Sinalubong na ako ni ate. Sa sala ko nalang nilapag ang bag ko dahil iniabot nya agad sakin si Klein.
"Pakitignan muna sya. May pupuntahan lang ako.."
"Saan ate?.." maagap kong tanong. Nakapormal itong damit. Isang mini skirt na itim pares ang pulang vneck. Kita ng bahagya ang hinaharap nya. Mukhang sleeveless pa ito dahil tinakpan nya ito ng itim din na blazer. Suot ang sapatos na may dalawang pulgada ata ang takong.
"Kila Zeah lang.."
"Kila ate Zeah?. Bakit napakapormal naman ng damit mo?.." Hindi nya makita ang paghagod ko ng tingin mula ulo hanggang paa nya dahil nakatalikod sya samin ni Klein. Kaharap nya ang isang malaking salamin. Malapit sa bintana.
"Sasamahan nya akong magpasa ng mga papel Jaden. Wag ka ng maraming tanong. Basta si Klein ha, yung gatas nya nasa mesa. Pakisabi na rin kay Mama na babalik din ako agad. Tsaka si papa pala. Pag hinanap ako, sabihin mong pumasyal lang ako kila Zeah ah..."
"Ate naman.." kontra ko sa dami ng bilin nya. Gagawin pa akong sinungaling e. Tsk. Ano ba kasing ginagawa nya? May hindi ba ako alam?. O may nangyayari nang hindi maganda sa kanya?. Badtrip!. Dumagdag pa sya e. Umalis na nga yung walang kwenta nyang asawa. Tapos iiwan nya rin itong anak nya. Ano bang iniisip nila?. Na wala silang anak?. Tsk. Kainis. Bat kasi nagmadali silang gawin ang isang bagay na hindi naman pala sila handang panindigan?. Ngayon, kawawa ang walang muwang na nilikha nila.
"Aalis na ako. Jaden. Si Klein. Uuwi din ako agad..bye baby ko. Be good okay.." hinalikan nya sa ulo ang anak nya bago tuluyang umalis ng bahay.
Kunot noo kong tinatanaw ang dinaanan nya. May hindi sya sinasabi e. Pakiramdam ko. May kakaiba sa kilos nya nitong mga araw. Simula kasi ng iwan sya ng kanyang asawa, dun na sya nagsimulang umaalis ng bahay. Nagpapalam naman sya. Bumabalik ng hapon o alas sais ng gabi. Hindi naman sya lasing o amoy sigarilyo. Ewan ko. Sana lang. Alam nya ang ginagawa nya ngayon. Sa nakikita ko kasi sa kanya. Para syang buhay na patay. Oo gumagalaw. Oo, humihinga. Pero, yung puso't isipan nya, nabaon sa hukay. Di ko alam kung bakit. Dala siguro sa asawa nyang walang kwenta.
"Oh anak. Bat ikaw nag-aalaga kay Klein?. Asan ate mo?." kadarating ni Mama. Galing iyong barangay hall. Isa syang kagawad. Duty nya tuwing byernes. Alternate sila ng mga kapwa nya kagawad.
"Umalis ma. Pupunta raw kay ate Zeah.." paliwanag ko. Kandong ko si Klein na sumisipsip sa bote ng gatas nya.
"Yang ate mo. Parang hindi matino ang pag-iisip Jaden. Pansin ko nitong mga nakaraang linggo. Laging umaalis. Iniiwan ang anak.."
"Pansin nyo rin pala yun ma. Akala ko, ako lang nakapansin."
"Oo naman. Nanay ako Jaden. Alam ko kung may problema ba ang anak ko o wala. Sa mga kilos nya." umiling si Mama. Kinuha si Klein sa kandungan ko saka ito hinele. "Halatang may problema sya." dugtong nya habang niyayakap ng marahan si Klein.
"Ano sa tingin mo Ma ang problema nya?.." naisip ko lang kasi. Kung ang asawa nya lang ang problema nya. Mas gugustuhin ko pang humanap nalang sya ng iba. E hinde naman nakakatulong si Gerald sa pamilya nila e. Puro sakit sa ulo lang ang dinala nya kay ate.
"Hindi natin alam anak. Hindi naman kasi nagsasabi yang ate mo. Lahat sinasarili. Ewan ko nga ba sa batang yun.." malungkot na himig ni Mama. Sino ba namang magulang ang matutuwa kapag nakikita nilang napapariwara ang kanilang anak?. Wala hinde ba?. Kaya ramdam ko ang lungkot nya.
"Sana lang. Yung mga pag-alis nya dito sa bahay ay para sa ikabubuti nya o ng anak nya. Kung si Gerald lang ang aatupagin nya. Naku!. Wala. Pare-pareho na silang wala sa tamang landas. Kaya ikaw, kapag nagmahal ka. Siguraduhin mo muna ha. Wag padalos dalos sa mga ginagawa.."
"Bat ako ma?.." ilag ko sa kanya. Bat ako nadamay dito?. Tsk. Yan yung ayaw ko e. Magtatanong lang sya tapos mauuwi sa seryosong usapan.
"Pinapayuhan lang kita anak. Di naman kita pinagbabawalang magmahal.."
"Tsk. Ganun na rin yun ma.." iling ko sa kanya. Pareho na kaming nakaupo sa sofa. Si Niko, nasa school pa. Kasama ni Papa yun uuwi mamaya.
"Anak, ang pagmamahal kasi hindi yan minamadali. It takes time. Kung mahal nyo ang isa't isa. Kayo talaga.."
"Ma, kay ate nyo nalang sabihin yan. Wala naman akong lovelife e..." tinawanan nya lang ako tsaka inilingan. "Kahit na. Makinig ka ng mabuti. Ang ibig kong sabihin, ienjoy mo muna yung feeling ng inlove ka kung sakali mang inlove ka na. Saka na yung make love dahil bata ka pa ha. Tignan mo ang ate mo ngayon. Hindi alam kung saan na tutungo. Sinabihan ko na sya dati pa. Ayun hinde nakinig. Ngayon, asan sya?. Nalilito. Nawawala. Hindi alam ang dadaanang kalsada.." malalim nyang sabi. Kapag si Mama talaga ang nagpayo sayo. Kung mahina utak mo. Hinding hindi mo yun makukuha. Pero dahil sanay na ako sa kanya. Naiintindihan ko ang punto nya.
Kung bata ka pa. Sobrang inlove. Relax ka lang. Ienjoy mo ang mga panahon na kayong dalawa lang. Kung pakiramdam mo na may gusto pa kayong gawin. Higit sa yakapan?. Mag-isip ka muna ng isa, dalawa o tatlong beses bago gawin ang bagay na yun. Tapos itanong mo sa sarili mo kung handa ka na ba para dito?. O kung, mapapanindigan ba namin ito?. Dahil hindi biro ang pumasok sa isang responsibbilidad na hindi mo pala kayang panindigan.
Better be safe than be sorry.