Kisapmatang dumaan ang tatlong araw. Biyernes na ng pumasok ako ng room. Abala ang lahat sa paglilinis ng kanya kanyang area. Nagmadali rin akong kumuha ng walis tingting. Malapit na kasi ang flag ceremony. Kapag, hindi ka nila nakitang naglinis bago ang luminya. Bayad ka agad sa treasurer para sa penalty mo. Limang piso lang naman kada penalty kaya hindi rin mabigat sa lahat. Maraming ayaw magbayad. Tulad ko. Kaso mas madami ang nagbabayad ng penalty dahil laging late o di kaya, di naglilinis. In short. Tamad o batugan. Kagaya nalang ni Paul. Yan ang pikamarami ng ambag samin. Araw araw late e. Tsaka di na yun makakatulong sa paglilinis. Matik nang doble ang penalty nya.
"Napaaga ka boy?.." pansin sakin ni Dave na nagdidilig ng mga halaman sa gilid ng gym. Tinanguan ko lang sya saka nilagpasan. Pumasok ako ng gym. Ang aga para makipag-asaran. Mamaya nalang. Kung good mood ako. Pero kapag hinde. Bahala sila dyan. Nadatnan ko si Kian na nagwawalis ng alikabok. Hawak ang dustpan sa kaliwang kamay. Sa kanan naman ang walis tambo. Napakamot ako ng ulo nang maisip na hindi pala dapat tingting ang kinuha ko, kundi tambo. Naku Jaden!. Asan ba kasi yang utak mo?. Naglayag na naman ba sa kabilang mundo?. Napapailing akong lumapit sa kanya. Winaksi ang naglalaro sa aking utak na makikta ko na sya bukas. The fuck!.
"Pre, ang aga mo ha. Hindi pa oras ng first period natin.. hahaha.." pang-aasar sakin ni Kian ng magkatapat na kaming magwalis.
Nitong nakaraang araw. Laging first period na ako pumapasok. Hindi ko naman sinasadya na maging ganun ang oras ko. May mga bagay lang na nangyayari na hindi ko maiwasan. Tulad nung kay ate at ni Gerald. Kahit ayokong makisali sa away nila. Hindi ko mapigilan. Lalo na kapag nadadamay si Klein. Sabog ang galit ko noon. Noong araw kasi na umuwi si Gerald ng madaling araw. Lasing pa. Tinanong sya ni ate kinaumagahan. Ang mahirap sa kanya, sinigawan nya si ate. Imbes magpaliwanag ang gawin nya. Sya pa ang nagalit. Tangina nyang lalaki. Hindi ko natiis. Nasapak ko mukha nya. Kaya ako nalate noon.
"Bat napaaga pasok mo?.." muli nyang tanong na may ngiti sa labi ng hindi ko sya sagutin kanina.
Kinuha ko ang dustpan na nakatayo sa medyo malayo sakanya. Saka sinalop ang mga alikabok. "Maaga naman talaga akong pumapasok. Bakit ba?." hindi ako sinagot ng loko. Nginisihan lang ako na para bang may iniisip na nakakaloko.
Naglalaro ang ngiti sa kanyang mukha ng masulyapan ko sya. Nakatayo na ito malapit sa entablado. Nakacross ang kanang paa sa kaliwa. Habang ang isang kamay ay namalagi sa kailwang baywang nya. Nakangisi pa sa akin. Nakikita ko iyon sa gilid ng aking mata. Nagpatuloy ako sa paglilinis dahil hindi pa ako tapos.
"Pre, tapos ka na ba dyan?. Bingi ata kausap ko dito. Hindi ako sinasagot.." tawag nya kay Bryan na nasa likod pala ng gym. Hawak nito ang walis tingting at dustpan din. May laman na tuyong dahon.
"Hahaha.. patapos na ako dito pre. Nagtaka ka pa e. Ganyan na yan simula nung lunes. Di makausap ng matino. Laging tulala. Lumilipad ang utak sa kabilang dako ng mundo.." sagot sa kanya ni Bryan. Tumabi na kay Kian. Sabay nila akong pinapanood.
Napapailing lang ako sa mga sinasabi nila. Kung makapag-usap sila, parang wala ako sa harapan nila. Mga ugok!.
"Mabuti pa yung nasa kabilang dako, nakakausap mo kahit wala dito. E sya?. Daig nya pa alien pre. Hahaha.. biglang ngingiti tapos kapag kakausapin mo naman. parang walang narinig. Alam mo yun?. hahaha.." Ani Kian sa kausap.
Tinapos ko ng mabilis ang paglilinis para harapin sila. "Ano yun?.." nakangiti kong tanong sa dalawa. Lumaki ang mata nila. Kita kong kumurap si Bryan bago ako nilapitan. Tinapik sa likod saka umakbay. Si Kian, nakabawi nang magsalita si Bryan.
"Wala. Ang sabi namin, nagsend ka na ba ng friend request sa kanya?.." Ang galing nitong magpalit ng topic. Sarap sapakin lang ng kanyang ngisi.
"Hindi pa e.." Tamad kong sagot dito. Hindi pa ako nagsesend dahil wala akong lakas ng loob. Kung alam lang nila ang kaba ko tuwing nakikita ang facebook nyang nakikita ko lagi na sinasuggest para maging kaibigan. Baka mapamura lang sila. Nanginig nga kamay ko tuwing gumagamit ng facebook. E di lalo na kapag, magsend ng request. Tsk.
"Wala to pre. Di nya kaya." tudyo ni Bryan kay Kian na nakatingin sakin ng seryoso.
"Asan cellphone mo boy?.." hinanap nila ang cellphone ko pero hindi ko naman dinala. Nasa bahay. Pag school days, bawal idala yun dito sa school pwera nalang kung kailangan. Yan ang utos sakin ni erpat. Kesa mawalan ng cellphone, iniiwan ko na rin sa bahay. Baka bawiin nya e.
"Sa bahay.." kibit ang balikat kong sagot sa kanilang dalawa. Sabay lang silang umiling sakin.
"Paano ka makikipagkaibigan sa kanya kung ganyang di mo dala cellphone mo?.. Naku naman boy. Anong username mo?.." si Bryan na hawak na ang kanyang cellphone. Bagong modelo ito. Di ko alam kung anong brand. Basta ang sabi nya kahapon, bagong labas lang daw. E di sya na mayaman. Tsk.
Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba o hinde. Kung sakaling ibigay ko naman, baka kung anong gawin sa account ko. Alam ko takbo ng utak nila. Mga sira ulo. Kung hinde ko naman ibibigay, mas safe. Nga lang, wala rin akong lakas ng loob para gawin ang gusto nilang gawin ko. Tsk. Napakatorpe mo naman kasi Jaden e. Hanggang kailan ka ba ganyan?.
Sa huli, binigay nya sakin ang cellphone. Tinype ko ang username at password. Hindi ko yun sinave sa cellphone nya. May nakalagay kasing save password ganun. Binalewala ko yun. Pinagkaguluhan nilang dalawa ang facebook. Nakisali rin sa ingay si Dave na kadarating. Kasama ni Billy. Pinag-agawan nila ang cellphone ni Bryan pero sa huli, sya ang humawak. Hinila ako sa tabi ni Kian.
"Bamby Eugenio. Yun!. Request sent.." anunsyo ni Bryan.
"Nay!.. iba na ang ngiti nya.." ginulo nilang lahat ang buhok ko dahilan para yumuko ako. Umiiwas sa mga kamay nilang kung saan saan na dumadapo. Mga baliw!..
Hindi nila ako tinigilan buong maghapon. Pinalog out ko kay Bryan ang account ko saka pinatanggal na rin sa device nya para safe. Iba kasi takbo utak nila e. Baka kung anong sabihin sa kanya. Maturn off sakin.