Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 116 - Chapter 16: Kabado

Chapter 116 - Chapter 16: Kabado

"Boy!.." bati nilang lahat sakin. Tinanguan ko lang sila. Naunang umupo si Lance. Dinaanan ko muna ang iba bago tuluyang umupo. Yung mukha ng iilan, mapula na at namumungay na ang mata. Halatang may amats na.

Nagtaas ng kamay si Poro habang tinatawag ako. "Ang tagal mo boy.." Anya sakin habang tinatapik ko ang ibang kasama nya sa mesa.

Mga kabarkada ni kuya Mark na kaibigan ko na rin. "Ah, wala kasing naiwan kay Klein.." sagot ko. Tinanggap ang isang shot na bigay ni Dennis. Pikit mata ko itong nilagok. Agad nag-init ang lalamunan ko sa hagod ng alak na dumaan dito.

Nalintikan na!. Mukhang mapapainom ako ng marami nito.

"Ang ate mo ba?.." Ani Dennis na ngumunguya ng pulutan.

"Umalis eh. Nagpasa ata ng application.." Yun kasi ang paalam nya sakin bago iniwan si Klein.

"Si Gerald ba, wala na naman sa bahay nyo?.." tanong ni Jake. Kasama ni Mark sa modeling noon sa isang magazine. Tinanggap ko ang inabot ni Poro na isang shot.

Alam din nila kung anong ginagawa ng asawa ni ate. Hindi ko man sabihin sa kanila ang buong kwento. Bigla nalang nila itong alam. Ewan ko kung pano nila nalaman. Basta ang sabi nila, lagi daw nila itong nakikita sa casino o sa mga bar. May kaya rin ang pamilya ni Gerald. Nga lang. Sa sobrang naluluho ito sa mga bisyo. Nakalimutan na kung ano ang mas mahalaga kaysa sa mga bisyo nya.

"Lagi naman.." sagot ko matapos ubusin ang isang nachos na kinuha ko kanina.

"Naku pare. Kung di lang talaga asawa ng ate mo yun. Matagal ko ng nabugbog mukha nun. Ang yabang e. Wala namang binatbat.." si Poro na naglalagay ng inumin sa shot glass.

"Kaya nga eh. Akala mo kung gwapo. E mas magandang lalaki naman tayo sa kanya.." sagot naman ni Dennis.

"Nakita pa nga namin yun isang gabi sa isang mamahaling bar. Kung umasta parang walang anak at asawa. Tsk.." iling ni Poro.

"Kailan yun?.." Parang alam ko na kung kailan ang tinutukoy nyang araw. Noong umuwi sya ng madaling araw na.

"Nito lang boy.. may kasamang babae na sobrang iksi ng damit. Naghahalikan pa. P"ta!. Kung di lang ako pinigilan ng mga ito. Baka napaglamayan na yun. Gago eh.." iling pa rin ni Poro. Galit sila dito dahil barkada nila si Ate. At alam din nila na niloloko nya lang ang kapatid ko.

Kung ako lang talaga. Matagal ko ng pinalayas sa bahay ang lalaking yun. Alam ko naman na gawain na nya dati iyon. Manloloko. Nangako sya samin na magbabagong buhay na simula nung magsama sila ni Ate. Pero isang taon lang syang matino. Ewan ko pa kung totoong matino pa sya sa isang taon na iyon. Dahil matapos ipanganak ni ate si Klein ay lagi na itong wala at late kung umuwi sa bahay. Magpapaalam na maghahanap ng trabaho pero pag-uwi na, tumba na ito sa kalasingan.

Mabuti nalang rin at hindi na bumalik kay ate ang topic nila. Dahil pare-pareho lang kaming mababadtrip kung sakaling magpatuloy.

Nagpaalam ako at lumipat sa mesa nila Lance. Andun na rin si kuya Mark. Maayos na ang mukha.

"Totoo palang may anak na ang ate mo Jaden?.." sinalubong ako ni Lance ng isang shot. Kinuha ko ito at nilaro. Naupo ako sa pagitan nina Kian at Dave na medyo may tama na rin. Tinapik pa ang likod ko.

"Hmm.. Limang buwan na si Klein.." nilagok ko ang shot para maibsan ang kaba na hindi ko alam kung saan galing.

"Klein?.." sabay nilang sambit na magkapatid. Tumango ako sa kanila.

Hindi mawala ang tingin sakin ni Kuya Mark.

"Bakit hindi nya man lang sinabi samin?.." si Lance. Nakatingin sakin. Close din sila kay ate. Kaya medyo may tampo ito nang hindi malaman agad na may anak na sya. Pero si kuya Mark. Dalawang shot ang sunod nyang tinungga. I wonder why.

"Hehe. pasensya na. Sasabihan ko syang pumasyal dito.." Yun lang ang tangi kong naisip para maiba ang usapan sa amin. Ramdam kong hindi na normal ang mga kilos ni kuya Mark. Naiilang tungkol sa kay ate.

Binalot kami ng katahimikan ng ilang sandali.

"Ah, Lance. May facebook pala si Bamby?.." nahihiya pang tanong ni Kian sa kanya. Natahimik ang dating bulungan sa biglaang tanong nya.

Humalakhak lang rin si Kuya Mark. Uminom ng isang shot si Lance bago kami sinagot.

"Hmm. private.." tipid ang isinagot nya dahilan para mas kabahan ako.

"Bakit?.." si Kuya Mark naman ang nagtanong pero dumaan ang mata nito sakin na suot ang isang multo ng ngiti.

"Ah wala lang. Ngayon ko lang din kasi nalaman. hehehe.." nahihiyang sagot ni Kian.

"Hmm.. pano mo naman nalaman?.." nakataas na ang kilay ni Lance sa kanya.

"Ah. hehe. si Niko kapatid ni Jaden. Magkachat sila.." paliwanag nya sa magkapatid na seryoso na ang mukha.

Bigla tuloy tinubuan ng kaba ang kalmado kong dibdib ng binanggit ang pangalan ko. Yari na Jaden!..

"Jaden?.." taka akong nilingon ni Lance. Tumikhim naman ang isa.

Damn!. Paano ako magpapaliwanag?. Bakit ba kasi bumalik sakin ang usapan nila?.

"Hindi ko alam na magkachat sila. Kanina lang.." bigla kong paliwanag. Hindi ko alam kung bakit. Basta nalang.

"Ikaw ba, hindi mo kachat?.." bumara ang shot na ininom ko saking lalamunan sa agarang tanong na yun ni Mark. Pumikit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. At pagkalito.

Umiling lang ako. It's the safest way. Hindi ko kayang magsinungaling. Lalo na at medyo may tama na rin ako.

Tumikhim ang iilan. Tumayo rin si kuya Mark para lapitan ang medyo nag-init na kabilang mesa. Nakahinga ako ng maluwag. Kinakapos na ako ng hininga sa mga titig nila sakin. Mabuti nalang at tumayo rin ang iba at lumapit sa mesa nina Ryan. Pero hinde si Lance. Patuloy pa rin ito sa pag-inom.

"Gusto mo pa rin ba sya?.." sa gitna ng paglunok ko sa bawat lagok nya ay nagsalita ito pero sa kabilang mesa ang tingin.

"Huh?.." Totoo. Hindi ko naintndihan ang sinabi nya.

Umiling sya saka tumungga ng isa pa.

"Nevermind.." anya bago ako iniwan sa mesa. Tinungo si Ryan na kinakausap na ni Kian. Sa kabilang mesa naman ay si Kuya Mark na kausap si Jake.

Mabuti nalang at nabaling sa iba ang atensyon nila. Dahil kung hinde, pagtatawanan nila akong maihian ang pantalon ko dahil sa kaba.

Related Books

Popular novel hashtag