Awtomatikong bumukas ang mataas na gate nang bumusina si Kian. Gawa ito sa mga bakal. Napinturahan ng tsokolate na hinaluaan ng puti.
"Mukhang gagabihin na tayo pag-uwi.." anunsyo nya ng makaparada sa malawak na garahe nila. Madilim na rin sa labas ng tuluyan kaming bumaba. Nakasindi na rin ang mga ilaw sa itaas ng poste. Gilid ng mataas na gate. Di ko mapigilang ilibot ang aking mata. Lumaki ng husto ang bahay. Una. Ang garahe. Doble sa dating laki. Kasya siguro dito ang higit sampung sasakyan. Ganun sya kalawak. Dati kasi tatlo lang ang kasya.
Pagtingin mo naman sa kaliwa. Pintuan na papasok ng bahay. Kung dating nasa tapat ito pagkababa mo. Ngayon, kakaliwa muna bago mo makita ito.
"Ang ganda na ng bahay nila.." namamanghang puri rin ni Dave. Kasabay ko silang maglakad papuntang garden. Pero bago pa kami makalayo sa pinto. Bumukas ito at iniluwa si tita.
"Boys?.." bakas ang pagkabigla sa kanyang himig. Nahinto kami sa paglakad at nilapitan sya agad.
"Tita.." masigla naming bati sa kanya. Lumaki ang kanyang ngiti. Hindi ko rin maiwasang titigan sya. Mas lalo itong gumanda. Lalong pumuti at sumingkit ang mata. In short, mas naging bata dahil sa suot nyang damit na bumagay sa kanyang balat.
"Ang tatangkad. Lalo pang gumwapo.. Naku!. Kamusta na kayo ha?.." matapos nya kaming yakapin isa isa. Tumayo sa harapan namin. Bakas ang tuwa sa mukha.
"Ayos lang po tita. Hehe." si Kian na nagkamot ng ulo. Biglang nahiya. Tinanguan nya ito nang may mapanuksong ngiti. "Mukha nga eh. Para kayong kumikinang.. haha.. mga mukhang inlove..." bumaling sya sakin ng sabihin ito.
Nakaramdam ako ng matinding kaba. Hinde po ako tita. Loyal po ako sa anak nyo. Gago Jaden!. Ano?. kantyaw ko sa sarili mismo. Kinagat ko nalang ang ibabang labi para hindi masabi ang naglalaro saking isip. Kanina nya pa ako sinusutil.
"Si Jaden lang po inlove samin. hahaha.." sutil ni Dave sakin ng makita rin ang pagbaling sakin ni tita. Bwiset!. Pinahamak ba naman ako!..
Agad ko itong kinontra.
"Hinde po tita. Hinde.." tinignan ko ng masama ang kaibigang di na matiis ang sarili sa pagtawa.
Hindi nagsalita si tita. Tinitigan nya lang ako ng matagal. Binabasa kung totoo ba ang sinabi ko. Napalunok ako ng wala sa oras ng makita ang mata nyang napakapamilyar sakin. Damn!. Pakiramdam ko tuloy. Parang sya yung nakatitig sakin ngayon. Ilang lunok pa ang ginawa ko kahit barado na ang lalamunan ko dahil sa hangin na di ko mapakawala ng dahil sa kaba.
"Hahaha.. kayo naman nagbibiro lang ako.." nabunutan ako ng malaking tinik ng tumawa na sya. Akala ko mamamatay na ako sa kawalan ng hangin saking dibdib. Mabuti nalang.
Iniabot nya sakin ang isang malaking tray na may lamang nachos. " Idala nyo na duon yan. Kanina pa kayo hinihintay.. bat ngayon lang pala kayo?."
"Hinantay po kasi namin si Jaden tita." paliwanag naman ni Kian. Inakbayan na ako.
"Ow?. bakit?.." pagtataka pa nya. Nakataas ang isang kilay sakin. Parang tinutukso.
Sa anak nyo nalang po ako tuksuhin tita.
Damn Jaden!!.. Ano yang iniisp mo?.
"Nag-alaga pa po kasi sya ng bata.." si Dave naman ang sumagot.
Dinig ko ng may sumipol sa likod. Tinatawag na kami sa gawi nila. Hindi ako lumingon. Kinawayan lamg din sila ni Dave.
"Bata!??.." nabibigla nyang sambit. Bahagya pang tumaas ang kanyang boses.
"Opo tita.. Haha.." tawa pa rin ni Dave.
"May anak ka na Jaden!?.." lumaki na ng husto ang kanyang mata. Humagalpak naman sa tawa ang dalawa. Umiling ako at nagkamot kahit wala namang makati.
"Wala po tita.." sagot ko sa kanya. Nahihiya. Siniko ko ang tagiliran ni Kian.
"Ahahahaha..." naguguluhan na si tita saming tatlo. Mga ulul kasi tong mga kasama ko.
Tuloy, hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ito sa kanya. Kinakain ako ng kaba kahit hindi naman sana.
"Jaden?. What's up bro!.." lumabas bigla si Kuya Mark sa pintuan dahilan para hindi ko masabi ang totoo kay tita. Nilapitan nya ako saka niyakap ng ilang segundo ganun din sa dalawa.
"Nice to see you. Akala ko di ka na pupunta eh.." tapik nito saking balikat.
"Ah.." nawalan ako ng sasabihin. Nagbuhulan lahat ng makita ang kaibigan ni ate. Malaki ang ngiti gaya ng kanyang ina. Tumangkad, lumaki ang katawan at pumuti pa sya. Mas lalong naging malakas ang dating.
"Wala kasing naiwan sa bata kuya. Hinintay ko pa si Mama bago pumunta dito.." paliwanag ko. Kumunot agad ang noo nya.
"Bata!?." nagugulat na tanong nito.
"May anak ka na Jaden?.." Hindi pa rin ako tinitigilan ni tita. Hindi maalis ang chinitang mata sakin. Ganun din ang anak nyang biglang nangunot ang noo.
Walang nagsalita sa kanila. Lumunok ako at bumuga ng hangin. Humugot ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Anak po ni ate Cath. Hinde po akin.." mahina kong sambit. Tama lang para marinig nilang dalawa. Kinuha ni Kian ang tray na hawak ko saka tinapik ang aking likod. Nagpaalam na sila ni Dave na pupunta na sa likod dahil kanina pa kami tinatawag.
Kita kong napabuntong hininga si tita. Saka ngumiti. "May anak na pala sya. Hindi namin alam. Ipasyal mo sya dito misan. Bago kami umalis pabalik ng Australia. Pakisabi kay Catherine..." ginulo nito ang buhok ko bago nagpaalam na papasok ng bahay.
Naiwan kaming dalawa ni kuya Mark na parehong nangangapa ng sasabihin sa isa't isa. Alam kong nagulat ito. Hindi na ako magtataka pa. Kagat ang kanyang labi ng tignan ko sya sa gilid ng mata.
"Nag-asawa na pala sya. haha. Bat di nya man lang sinabi?.." ramdam ko ang sakit sa kanyang halakhak. DAMN!. Pumikit ako sa kawalan ng masabi. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan o alin sa kanila ang unang sasambitin.
"Zup bro!. Tara dun.." sa gitna ng katahimikan samin. Nagsalita ang kanyang kapatid galing sa gawi ng grupo. Tinapik nito ang likod ko saka hinila na sa harapan ng kapatid nyang tulala.
Ang hirap ng ganito. Sa gitna ng kaibigan at kapatid. Parang ngayon ko lang narealize yung pakiramdam ni Lance noon para sa kapatid nya. Maiipit ka talaga kahit hindi mo gusto.
But!. I'm not going to give her up. She's still my girl.