Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 114 - Chapter 14: Di mapakali

Chapter 114 - Chapter 14: Di mapakali

Agad kong binuksan ang pintuan sa likod ng sasakyan ni Kian. Sumalampak at tinanaw ko sina Mama sa bintana. Pareho silang nakatayo at nakatingin sa aming gawi. Nasa balikat ni Niko ang braso ni Mama. Habang ang kapatid ko naman ay hindi na maipinta ang mukha. Humaba ang kanyang nguso. Salubong ang makakapal nitong kilay at kunot na kunot ang may pimple nitong noo. Gusto nya talagang pumunta kaso hinde pwede eh. Masyado pa syang bata para maexpose sa mga inuman. Hindi magandang impluwensya para sa isang kagaya nya.

"Lasing na ata si Ryan. Nagpapaulan na ng text.. hahaha..." basa ni Dave kasabay ng tawa habang hawak ang sariling cellphone.. Nakapasok na ang kalahati nitong katawan sa sasakyan. Saka palang ito pumasok nang magsalita si Kian.

"Batuhin mo pabalik ng magising.. hahaha.." asar ni Kian. Pumasok na ito sa may driver's seat. Sinaksak ang susi bago pinaandar. Bumisina muna ito bago tuluyang pinatakbo ang sasakyan. Kumaway din ako kila Mama bilang paalam.

Malayo palang pero kinakabahan na ako. Hindi ko matukoy kung bakit. Daig ko pa ang tumakbo.. Alam ko naman na mga kapatid nya yun. At kaibigan ko pa. Ngunit hindi ko pa rin matanggal sa sistema ko ang narinig na uuwi na sya. Ayaw kong maniwala hanggat wala akong nakikita na bulto nya.

Hinanda ko na ang aking sarili sa anumang sabiin nila tungkol sa kanya mamaya. Di dapat ako magpaapekto. Nagpraktis pa nga ako kanina bago bumaba para mas maging pulido ang gagawin ko.

Sana rin magawa ko ang nasa isip ko. Di ko kasi makakailang mahirap magpanggap lalo na sa taong mahal mo. Mahirap itago ang totoong nararamdaman kapag sya na ang kaharap mo.

"Tangina!.. hahaha.." nakakurap ako at bumaling kay Dave na biglang nagmura. Umiiling pa ito habang tumatawa.

"Bakit?.." tanong ko. Dinungaw sya. Hinawakan ang magkabilang gilid ng upuan nila ni Kian. Ipinakita nya sakin ang hawak. Cellphone nya.

"Si Ryan. Pinagbintangan ba naman tayong gumagawa ng himala. haha.. gago!. ginaya pa tayo sa kanya.. hahaha. tuleg talaga.." walang tigil ito kung magmura.

"Gago!.. sinabi mo bang nasa bahay tayo?.."

"Oo naman. Sya pa nga nagpapunta samin dun tapos ayaw pa maniwala. Sya ata gumagawa ng himala eh..tsk.."

Hindi na rin bago samin ang ganung bagay. Hindi na ako inosente. Inaamin ko. Pero kung iniisip nyang ginagawa ko ang paglalaro nya sa mga babae. Hinde. Hindi ko kaya dahil may kapatid akong niloloko na ngayon ng ibang lalaki. Nakikita ko ang hirap nya bawat araw dahil sa gagong yun.

"Tawagan mo nga ng malaman natin.." singit ni Kian samin. Nahinto dahil sa red light.

"Gago!.." bungad agad ni Dave sa kausap. Dinig kong may nagtawanan sa kabilang linya. Naka speaker.

"Hahaha.. anong oras na mga gago?.." napailing ako sa mura ng taong to. Walang hiya kung magmura.

Nakinig lang ako sa usapan nila. Hanggang sa umandar ulit ang sasakyan.

"Inantay pa nga namin si tita. Naiwan si Klein at Niko kay boy Jaden. Kaya di namin maiwan.. Wala rin si Ate Cath kaya natagalan..."

"Good boys.. kanina pa hinahanap ng magkapatid yan.. Hoy lover boy!. matutuwa ka mamaya.." his pertaining to me. I know. Ako lang naman pinagdidiskitahan nila ng lovelife. Mga ulul!. Bat di kaya sila maghanap ng lovelife nila?.

Humalakhak lang sila. "Jaden, magsalita ka naman dyan. Baka nakatingala ka na---..."

"Ulul!." agap ko sa kanya na tinawanan na naman nila sa kabilang linya maging ng mga kasama ko.

"Pakioff na nga yan Dave. Ang ingay eh.." pabiro kong utos sa kaibigan pero hinde nya ginawa. Imbes, pinasa lang sakin ang cellphone. Pero hinarangan ko agad ang kanyang kamay.

"Boy Jaden.." tukso ng mga gago..

"Lasing na sila.." sambit ni Kian. Nakatutok sya sa kalsada. Isang kamay ang nagmamaneho habang ang Isa ay nakatuko sa bintana hawak ang baba. Tamad magmaneho.

"Hmm.. lakas na ng amats e..." sagot ko sa kanya. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng matanaw ko ang bahay nila. Bago na ang pintura nito. Kung noon purong puti. Ngayon naman ay pink na may halong krema.

"Ano yun lover boy?.. hahaha.. bilisan nyo na. May sasabihin kami sa'yo.."

"Sabihin mo nalang.." Wala sa sarili kong sambit. Doble na ang tahip ng kaba sa dibdib. Sa loob kasi ng apat na taong lumipas. Di rin kami nakapunta sa bahay nila. Ngayon lang ulit.

Huminga ako ng malalim para kumalma. Hinihintay ang sunod nyang sasabihin.

"Makikita mo na ulit sya.. hihi... Ayiee.." panunukso nya sakin. Sinudan naman ng iba pa. Ewan ko lang kung kasama din nila ang magkapatid. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Gusto ko silang suwayin pero nalagyan ata ng tape ang bibig ko. Hindi ko maibuka dahilan para mapipi at lalo nila akong tuksuhin.