Namalagi ang napakahabang katahimikan sa aming pagitan. Nakakabingi. Panay sulyap at linga lang kami sa mga dumadaan sa aming gawi. Sobrang awkward neto!!..
Malapit nang dumugo ang aking labi sa labis na pagkagat ko dito. Damn this!. Mga ugok na yun!. Iniwan ako sa sitwasyong ganito?. Papatayin ko sila ng suntok mamaya..
"Hey, okay ka lang?. malapit nang dumugo yang labi mo oh.." tinuro nya ang ibabang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka dinilaan at itinikom nalang ang aking bibig.
"Ayaw mo bang andito ako?.. Kung ganun aalis nalang ako.." nilingon ko lang sya at hinayaan nang umalis saking harapan.
Hinabol ko ng tingin ang kanyang likod. Maikli ang buhok na abot hanggang balikat. Itim ito at sobrang kintab. Ang balat nya, sobra pa sa makinis. Mas lalo pa itong kuminang dahil sa mahaba nyang legs. Idagdag mo pa ang kanyang katawan, payat pero hindi sobrang payat. Ang damit. Binabali nito ang mga ulo ng kalalakihan. Short shorts. Na sinamahan ng maluwag na damit na nakatuck in. Matching with the sneakers. Kung ibang lalaki lang siguro ang nasa kalagayan ko, siguradong kanina pa nila nakuha numero nya. Pero hindi ako ganun. Ayokong magpadalos dalos sa mga hakbang na ginagawa ko. Ayokong magpaasa ng tao dahil alam ko ang pakiramdam ng umaasa at naghihintay sa wala. Masakit. Masasaktan ko lang sya.
Damn Jaden!.. Nakakahiya ka!.. Hanggang kailan ka ba mahihiya ha?.. Maging lalaki ka nga!.
Kung itataanong mo. Ako yung tipo ng lalaki na tahimik kapag hindi mo kinausap. Tahimik kapag nahihiya o walang interes sa isang tao o bagay. Ganun. Alam mo na agad kapag hindi ako interesado sa'yo. Walang kibuan o pag-uusap man lang.
Lumabas ako ng fast food ng nalilito at may halong inis.
"Pre, dito!.." kaway sakin ni Kian ng maglakad lakad ako sa loob ng mall. Didiretso sana akong game zone kung saan sila. Kaso, baka masipa ko lang ang mga unggoy na yun. Pinahamak ba naman ako.
Nagtatawanan na ang mga gago ng papalapit ako sa gawi nila. Nasa loob sila ng isang boutique. Nagtutulakan. Humanda kayo sakin!..
Kumalma ako. Kailangan para makaganti sa mga bugok.
Ibinulsa ko ang dalawang kamay sa pantalon saka preskong pumasok ng boutique.
"Zup pre!.. hahaha.." apir sakin ni Kian. Tinanggap ko ang kamay nyang nakataas. Para makipag-apiran.
"Zup!.." sagot ko rin dito.
Matapos nun. Nilagpasan ko sya at dahan dahang nilapitan ang dalawa na abala sa pamimili ng damit. Hinanap ko kung may ibang tao pero kami lang. Nang nasa likod na nila ako. Sabay ko silang inakbayan sa gitna.
"Maganda ba yan?.." tanong ko sa kanila ng nakangiti.
Sabay lang lumaki ang kanilang mga mata. Nagtataka sa presensya ko. Di pala sila unggoy. Tarsier sila. Tarsier.
"Sana bilhan nyo rin ako.." wika ko sa kanila. Sakin pa rin ang mga mata nilang nagtataka. Nakakatawa silang panoorin. Para silang nakakita ng multo na gigisng sa katawang lupa nila.
"Anong ginagawa mo ri-rito?.." nauutal na himig ni Bryle. Umiling ako at hinimas ang pareho nilang batok.
"Kayo.. anong ginawa nyo kanina?.. ha!. mga ugok!. iniwan nyo akong mag-isa. mga timang!!.." salitan kong pinagsasapak ang mga batok nilang maiitim. Sabay pa ng sipa. Walang tigil na sipa.
Puro ilag lang sila. At tawa.
"Mga ugok kayo!.." patuloy kong sapak sa kanila. Pero patuloy lang silang tumatawa.
"Mga gago!.. natatawa pa kayo?. bwiset!.." inis kong bulyaw.
Nag-init ang buo kong katawan sa pagsapak. Lumapit na rin samin ang buong barkada.
Tumigil si Billy sa pagtawa pero hindi si Bryle.
"Anong akala nyo sakin, ha?. Laruan?. Na pwede nyong paglaruan?. gago!. Kung gusto kong manligaw ng babae, kusa kong gagawin yun. Hindi nyo na ako kailangan pang ipagtulakan.."
"Pare ano yan ha?.." singit ni Ryan.
Suminghap ako ng hangin saka binuga. Sumeryoso na rin ang mukha ni Bryle. Ganun rin si Billy. Ang iba. Nalilito sa aming tatlo.
"Ang seryoso mo naman pare. Niloloko ka lang namin eh.." angil pa ni Bryle.
Sasagot pa sana ako pero mas pinili kong manahimik nalang. Hindi ako agad nagagalit sa tao pero kapag napuno ako sa'yo. Ewan ko nalang.