Natapos na ang flag ceremony pero hindi pa rin nila ako tinantanan. Paulit-ulit na pang-aalaska ang ginagawa nila sakin. Kahit ongoing class pa. Binabato ako ng papel na may nakasulat na mga pick up lines.
"Gwapo, magnet ka ba?." Yun ang isa sa nakasulat sa papel na ibinato ni Bryle. Hindi ko yun sinagot. Isinilid ko lang sa aking bulsa. Maya maya, may tumama na naman sa aking batok. Bwiset!.. Nagagawa nya ang mang-asar dahil abala sa pagsusulat sa green board ang aming guro. Dinampot ni Dave ang papel saka siniko sakin. Si Dave ang katabi ko. Malapit sa may bintana. Tanaw na dito ang likod ng eskwelahan.
"Gwapo, magnet ka ba?. Bakit kahit nasa malayo ka. Dumidikit pa rin sa'yo ang mga chicks?..." inilingan ko lang ang kaabnormalan nito. Kinumpleto pa talaga ang linya. Alam kasi nyang di ako gagaya sa kanya. Sutil.
"Anong nakasulat?." bulong sakin ni Dave. Binigay ko dito ang kapirasong papel. Saka nagpatuloy sa pagsusulat.
Impit na tumawa ang katabi ko. Pilit tinatago ang halakhak na gustong kumawala sa kanya. Di ko maiwasang umiling sa kalokohan ng mga gago.
"Class. Just copy this. Tomorrow, we will have a long quiz.." bilin ng aming guro bago nagpaalam at lumabas na ng room.
"Grabe naman si Ma'am. Andaming pinapasulat. Bat di nalang nya pinaxerox tapos pinabayad satin.. tsk.. masakit sa kamay ang magsulat eh.." reklamo ng isa sa mga kaklase ko. Puno kasi yung board. Yan si Ma'am Shine. Nag-iisang guro na hilig kaming pagurin. Ang sabi nya pa, dapat raw kaming matutong maghirap sa lahat ng bagay. Para daw, paglaki namin. Hindi kami mabigla sa totoong nangyayari sa labas ng room. Hindi namin yun magets. Kasi nga, malalim. Saka siguro namin malalaman ang kaguluhan nun kapag graduate na kami ng college.
"Huy!.." may kung sino ang tumapik saking likod pero hindi ko ito pinansin. Malamang si Billy lang yun. Nakaupo sya sa likod ng aking upuan.
Nangalumbaba ako saka tinanaw sa bintana ang kalangitan. Purong asul ito. Walang bakas ng ulap. Pumikit ako at nilanghap ang hangin na bahagyang mainit.
"Naglalayag na naman sa kabilang parte ng mundo ang utak ng kabarkada ko.
Hindi ko mahulaan kung saang lupalop ito. Basta't ang alam ko.
Iisa pa rin ang tinitibok ng kanyang puso.
Oh Bamby, mahal ko. Kailan ang balik mo?.."
Dinig kong nagtawanan ang lahat sa mga binigkas ni Billy. Lintik!. Gumawa pa ng tula. Bwiset!..
"Astig nun pre. Isa pa nga... hahaha.. mukhang di ka nya narinig eh.." humagalpak si Bryle sa harapan ko sabay turo pa ng aking mukha. Gago!!..
"Sige, isa pa.." kunyaring nag-isip pa sya. Tawanan na naman sila. Lalo na ng mga babae. Kita ko ang bawat galaw na ginagawa nya dahil nakaupo na ito sa upuang nasa harapan ko. Sa armrest pa ng silya.
"Binibini ko.
Alam kong magkaiba ang ating mundo.
Gabi dito. Araw sa inyo.
Babangon ka palang, patulog na ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo ganito.
Pero pangako ko sa iyo.
Ikaw pa rin ang gusto ko.."
"Boom!!.." sabay sabay na hiyaw ng mga kalalakihan. Nagdambahan pa ang mga ito. Mga walang magawa. Naghagikgikan naman ang mga kababaihan.
"Anong masasabi mo, loverboy?.." asar ni Billy sakin.
"Manahimik ka nga. Ang daldal mo eh.." suway ko dito pero hindi nya ako pinansin. Nasa barkada na ang atensyon, ginagaya ang ginawa nya kanina. Mga timang!!..
"Bryle, uwi pala sila Lance?.." tanong ni Denise sa gitna ng kabaliwan nila. Bumaling sa kanya ang tinawag.
Tumayo ako at lumayo sa hiyawan nila. Pinili kong umupo sa dulong upuan. Malayo sa ingay nila.
"Paano mo nalaman?.." nilapitan ni Bryle si Denise. Pumunta sila sa pwesto ko. Magulo kasi sa bandang harapan.
"Sa Facebook. Pinost ni Lance.." simpleng sagot ni Denise sa kanya. Iniabot pa ang kanyang telepono. Kinuha ito ni Bryle saka tinignan.
"19 minutes ago. Ibig sabihin bago lang.." sambit pa rin ni Denise.
"Ang alam ko. Uuwi sila. Pero hindi ganitong kaaga." taka ang mahihimigan kay Bryle.
Nagtaka ako sa pinag-uusapan nila. Tumayo ako't lumapit sa kanila. Kinuha ang hawak na telepono ni Bryle. Nakita kong 20 minutes ago ang nakalagay sa post. May larawan pa ng tatlong malalaking maleta. At isang ayos na ayos na postura ni Lance. Uuwi na nga sila. Matapos kumpirmahin ay ibinalik ko agad kay Denise ang telepono bago bumalik sa dating pwesto.
Nakakalungkot. Uuwi ang mga kapatid nya pero hindi sya kasama?. Bakit kaya?. Anong dahilan nya?. May ayaw ba syang iwan duon o ayaw na nyang bumalik pa dito?.