Noon, hindi ko kailanman naisip na manligaw ng babae. Puro laro ng basketball at larong kalye lang ang tanging nasa isip ko. Hindi ko maimagine sarili kong may nililigawan. Hanggang isang araw, dumating sya sa bahay. Kasama ng mga kapatid nya.
"Catherine!. Andito si Mark. Yung notebook daw na hiniram. Isosoli!.." sigaw ni Mama galing labas. Abala itong magdilig ng mga halaman. Ako nakaupo sa malawak na sofa. Mag-isa. Nakatutok sa tv ang mata.
Walang bumaba na ate. Natutulog yun. Panigurado. Puyat kasi lagi. Kakapanood ng mga Korean at Chinese drama.
Maya maya dinig ko ang mga yabag nilang papalapit. Hindi ko pa nakikilala kung sino si Mark. Basta ang alam ko, Mark pangalan nya. Kaklase nya siguro o nakilala lang.
"Jaden, ate mo?.." baling agad sakin ni Mama pagkapasok. Nilingon ko lang sya pero di sinagot.
"Pasok kayo.." alok nya sa mga bisita. Hindi ko makita dahil sa pagka-abala sa tv. Hindi mawala kay Rukawa ang paningin ko. Ang galing nya kasi.
"Upo muna kayo." bahagyang umuga ang sofa. Senyales na may umupo saking tabi. Ngumuso ako at tinignan sa gilid ng mata ang mga bisita. First look, parang wala lang. Binalik pa sa telebisyon ang mata. Si Sakuragi na ang may hawak ng bola. Tapos inagaw pa ni Rukawa. Ngumawa na naman ang kanyang bibig. Gusto kong tumawa. Ang lampa!.. Pero nang may marealize dun sa nakita. Nagsecond look ulit ako. At... Lintik!.. Ang ganda!. Namalagi ng ilang segundo ang aking abalang mata sa kanya. Ang haba ng buhok. Ang kapal ng kilay at pilik mata. Ang ilong na katamtaman ang tangos. Ang labing eksakto ang kurba. Mamula mula pa. Ano to?. Nananaginip ba ako?.. At ang singkitan nyang mata. Shet!. Hindi naman sya basket, pero bakit parang nahulog ata ako sa kanya?.
"Nak, tawagin mo naman ate mo. Pakisabi may bisita sya." nabasag lang ang titig ko sa kanya ng tapikin ni Mama ang ulo ko para gawin ang inuutos nya.
Kumurap pa ako ng ilang ulit. Tinatanya kung gising ba ako o tulog.
"Jaden!.." nalaman ko lang na totoong nakikita ko sya ng magising sa hiyaw ni Mama. Bahagya pang nagtawaan ang dalawang lalaking kasama nya. Magkakatabi ang mga ito. Isa siguro sa kanila ay boypren nya. Ang ganda at gwapo eh. Bagay sila. Nanlumo ako sa naisip kaya nakatungo akong umakyat at kinatok si ate sa kanyang silid.
"Ate!. may bisita ka sa baba.." sambit ko habang kinakatok ang pintuan. Pero hindi man lang ito tumugon. Nakailang katok na ako pero wala pa rin. Nang binuksan ko ito, bulagta sya sa sahig. Kaya napahiyaw ako kay Mama.
Patakbo syang umakyat kasama ng mga bisita. Nagtulong tulong kaming iayos sya sa kama. Tama nga yung hula ko. Magdamag itong nanonod. Kaya hayun, bulagta. Mga babae talaga. Walang magawa. Puro pantasya sa mga crush nila.
"Pakibigay nalang po ito sa kanya tita. Mukhang napuyat po sya eh.. Hahaha.." sabay abot kay Mama ng matangkad na lalaki. Maputi. Nakatayo ang buhok. Singkit din ang mata. Akbay nito si?. Hindi ko alam ang pangalan. Shet!. I want to ask. Interfere them. But hell!. I'm too nervous. And I don't know the reason why.
"Ah sige. haha. pasensya na kayo. Yung batang yun. Pinagsabihan ko nang wag magbabad eh. Ang tigas ng ulo.."
"Okay lang po tita. hehehe.. libangan nya lang siguro yun.." kwento pa nito. Nakatayo ako sa likod ni Mama. Kay ate nakatingin na walang malay. Bagsak. Daig pa nya nakainom.
"Tara na muna sa baba. Magmeryenda muna kayo bago umalis.." alok sa kanila ni Mama. Pero mabilis din nitong tinanggihan.
"Ah. thank you po tita. Next time nalang po siguro. Eto kasing mga kapatid ko gustong magmall.. Gusto raw gumala.." paliwanag pa nya.
Nanlumo naman si Mama. Sa totoo lang ako rin. "Ganun ba?. o sige. Basta balik kayo dito ah."
"Opo naman tita. Kung ako lang talaga po, dito muna ako. haha. Kaso lang, binilin eh." kamot niyo sa kanyang ulo. "Ah sya nga po pala tita. Si Lance po, at Bamby. Mga kapatid ko.." pakilala nya.
Mga kapatid pala. Naningkit ang mata ko sa narinig. Kapatid pala. May pag-asa.
"Kaya pala maganda't gwapong bata. Nagmana sa kuya. haha.."
"Oo naman po..haha.." sagot nito kay Mama. Hilig nya sigurong tumawa. Laging nakangiti eh. Di tulad ng mga kapatid nya.
"Eto rin pala si Jaden. Anak. Si kuya Mark, Lance at Bamby. Mga kaibigan ng ate mo." hinila ako ni Mama sa harapan para ipakita sa kanila. Todo ang kaba ko. Kulang nalang magtago ako sa salawal ni Mama. Nagngitian kami. Pero hindi sya. Nagbulong lang sa kuya nya saka na sila nagpaalam.
Yun ang first encounter namin na hindi ko kailanman nakalimutan. Sya ang unang babaeng nagpatibok saking puso. Na hindi na nawala magpasahanggang ngayon.