Hanggang magrecess. Ako pa rin apple of the eye nila.
"Bamby, yung sundo mo nasa labas na.." kantyaw nila sakin. Tinutulak palabas ng room kahit ayaw kong lumabas.
"Bwiset kayo!.." sigaw ko na binalewala lang nila. Ginulo ko ang aking buhok saka inayos muli. Bakit kaya gustong gusto nilang marinig ang mga balita na.hindi naman totoo o kathang isip lang?. Niloloko lang nila mga sarili nila.
Sinipat ko ang labas. Wala naman sya. Mapang-asar lang sila.
Sa daan papuntang canteen. Duon may kumpulan ang mga kalalakihan. Nagkakatuwaan at naghihiyawan. Di ba sila sinusuway ng mga guro?. Umikot lang ang mata ko sa sarling katanungan.
"Hoy Rapunzel hintay naman dyan!.." tili ni Winly ang umalingawngaw saking pandinig.
Di ko maiwasang umirap sa kabulastugan nya. Pusang bakla!..
Huminto ako't hinintay sila. Wala akong choice eh. Nahihiya akong dumaan mismo sa harapan ng mga lalaki ng mag-isa. Baka umatras lang ako pabalik ng room.
"Ang pula ng psingi mo gurl.." Ani Karen sakin sabay sabit ng kanyang braso. Ganun rin si Winly. Si Joyce, absent dahil nasa ospital daw. Nagbabantay kay tita. Nagpaalam gamit ang isang liham.
"Kanina pa ako gutom. Ikaw Karen?.."
"Malamang. Papunta nga tayo ng canteen diba?.." sarkastikong sagot ni Karen sa kanya.
"Ikaw!.." Naghilahan ang dalawa. Ginawang thug of war ang mga braso ko.
Mga walanghiya!..
"Girls anong ginagawa nyo?. Nasasaktan si Bamby oh. Baka masapak kayo nito..." suway ni Aron sa kanila sabay tapik sa balikat ni Jaden na seryosong nakatingin samin. Ay mali. Sakin pala. Goodness!. Yung mukha mo, anong kulay kaya Bamby?.. Damn!..
Naghiyawan na naman sila. Maging yung dalawa na parang aso't pusa, nakisali sa harutan nila.
"Kita nyo na?. Uy Bamby!. San ka pupunta?.." boses ni Bryle.
Hindi pa ako nakakalayo. Humabol na silang lahat sakin.
Pero bago pa ako makapasok ng canteen. Hinarangan na ako ni Billy.
"Usap daw muna kayo ni Jaden.." anya. Hindi lang sya ang nakaharang. Marami na sila.
Hell shit!..
Habang tumatagal bumibilis pintig ng aking puso. Natutuliro sa bawat takbo nito. Pinapahingal ako. Dahilan para di ako makapag-isip ng tama.
"Bakit?.." shet!. Nautal pa ako.
Di sya sumagot. Basta tinuro nalang ang bandang likod ko. Naging tanga rin ako dahil sinundan ko ang kanyang hintuturo. Kasabay ng pagpihit ko paharap. Ay ang pagtulak rin nila ako patungo sa kanya.
"Ohhhh!..." silang lahat.
Muntik na akong mahulog sa sahig kung di nya ako sinalo. Subsob ako sa kanyang dibdib. Damn!. His scent. It smells so good!. Making me dream. Burn in hell!.
"Ehem.. bagay.." kantyaw nilang lahat. Maging ng mga taong kumakain sa loob ng canteen. Damn it!.
Noon ko lang rin naramdaman ang mga daliri nya sa aking baywang. Nakayakap. At marahan na hawak nya sa aking likod. Hell shit Jaden!.. Your hands are makiing me sweat so badly.
Tumili ang mga babae. Sumipol rin ang mga lalaki. Huminga ako ng malalim. Pumikit at nirelax ang naghuhumiranda kong puso sa kilig at kaba.
"Ahh.. ehh.." di ko mahanap ang tamang salita para patigilin ang mga mata nilang nagniningning. Binitawan nya ako at inalalayang tumayo.
"You okay?.." binulsa nya ang dalawang kamay. Preskong nakaharap sakin na parang wala akong epekto sa kanya. Haist. How I wish na meron rin
"Jaden, pwedeng akin ka nalang!?.." sigaw bigla ng isang babae. Dahilan para mawala sakin ang kanyang mata. At matahimik ang lahat. Naging bulungan.
Ngumiti sya sakin bago nagsalita. "Hindi pwede eh.." iling pa nya dito.
"Bakit naman?. Matagal na kitang crsuh eh.."
"Pasensya na. Taken na kasi ako.. hanap ka nalang ng iba.." sagot nya sa babae.
"Sino naman?.. huwag mong sabihin na kayo nga?.." anang babae. Di ko makita ang kanyang mukha dahil ayoko syang tingnan. Baka masabunutan ko lang.
Tahimik na ang lahat. Hinihintay syang magsalita.
"Anong gagawin mo kung sabihin kong sya nga?.." ngisi pa nya.
O. M. G!.. to the nth level!..
Suminghap ang lahat. Hell shit!.. Nagsigawan ang mga barkada nya. Hinila rin ako ni Winly upang suklayin ang aking buhok. Haba raw kasi. Damn!. My goodness!. What you do now Bamby?. Di ko maiwasang magmura. Napakasaya!.
"Damn Jaden!!.. Hilig mo bang kumain ng Lucky me?. Ang swerte mo pare!.." sigaw ng isang lalaki na nasa third year level. Nagtawanan ang mga tao sa paligid.
"Hindi yan kumakain ng lucky me pare. Cloud 9 hilig nyan. Nakalutang na nga sya ngayon sa ere eh.. ahahahaha..." hagalpak no Aron habang tinuturo si Jaden na hindi na maipinta ang mukha.
My goodness!..
Anong nangyayari?. Jaden!. Clear my mind and heart please!..