"Gutom ka na ba?.. Kumain na muna tayo Bamby.." basag nya sa pader na ginawa ko sa pagitan namin. Hanggang escalator pababa ng ground floor. Nakasamapay pa rin ang kanyang kamay saking balikat. Damn!. Kulang nalang sumabog ang puso ko sa pintig nito. Sobrang lakas. Naririnig ko na maging ang bawat pilantik nito. Susmiyo!..
"Wag na. Busog pa ako.." di ko maiwasang mautal. Sa gulo ng isip ko, wala akong mahagilap na tamang salita.
"Hahaha.. bat nauutal ka. Okay ka lang?.." eto na naman sya sa 'okay ka lang?.' na tanong. Pag sinabi ko bang hindi may magagawa ka ba ?. Kung di ko lang itinikom ng mariin ang aking bibig baka nasabi ko na ito.. Tiningala ko sya. Malaki ang kanyang ngiti. Ako, hindi ko magawang huminga man lang ng maayos sa kanyang tabi. Paano ko kaya makakalma ang sarili ko kapag ganitong nakangiti sya sa mukha ko?. Damn this feeling!..
Muli. Piningot nyang muli ang aking ilong. Pansin ko. Lagi na nya itong pinagdidiskitahan. Yun ba pinakamagandang parte ng mukha ko Jaden?. Suskupo Bamby!. Magtigil ka. Hindi yan ang atupagin mo kundi ang umuwi sa inyo dahil malalagot ka na talaga..
"Kailangan ko ng umuwi." kumurap ako. Umiiwas ng tingin sa kanya.
"Okay.." sabay kaming dumiretso sa Mcdo. Yung lugar kung saan kami magkikita ni Joyce.
Nasa malayo palang kami sa lugar na kinatatayuan nya. Nakangisi na ito. Sumasayaw ang kilay. Palipat lipat ang tingin. Sa balikat ko na may kamay na nakasampay at sa katabi ko na preskong naglalakad.
"Kanina ka pa ba?." bungad ko sa kanya.
Inilingan nya ako habang nasa katabi ko ang paningin.
"Bago lang. Nga pala. Mga pinsan ko. Si Jea at Jenny.. Jea, Jen, si Bamby at Jaden mga kaibigan ko.." pakilala ni Joyce samin. Nagtanguan naman kami. Hindi pa rin mawala ang kanyang ngisi. Damn!.
Siniko ko sya pero hindi pa rin nya tinanggal ang kanyang kamay. My goodness!.. Kamatis na naman mukha ko neto.
"So, Tara na?.." tanong ko kay Joyce. Binabalewala ang tinging pinupukol nya sakin. Nang-aasar. Tinutukso ako.
"Ah. Bamby. Pwede bang sa amin muna si Joyce?.. Kailangan kasi sya ng mommy nya.." Ani ni Jea. Yung matangkad at morena.
Napatingin ako sa kanya na biglang malungkot ang mukha.
"Ah yeah. Ayos lang. Sige na. Ako nalang magsasabi kay Mama." pagpayag ko sa pinsan nya.
"Pasensya na bes. May sakit kasi si Mommy. Kailangan kong bantayan.." paliwanag ni Joyce.
"Nakakalungkot naman. Hope she'll be fine.. Regards mo ako sa kanya ah.." naluluha kong sambit. Close din kasi kami ng mommy nya. Tuwing uwian o biglaang walang pasok dun kami tumatambay sa kanilang bahay. Kaya nakakalungkot marinig na may sakit ito.
"Salamat talaga bes.. okay lang ba talagang iwan na kita?.."
"Yeah okay lan--.." tango ko pero may sumabat.
"Ayos lang. Kasama nya naman ako.. Sasamahan ko sya hanggang bahay nila.." nag-init ang aking pisngi. Holy cow!.. Jaden naman.
"Nga pala, pano kayo?. Bat pala kayo magkasama?.." nasamid ako sa sariling laway dahil sa naging tanong ni Joyce. Sabi na nga ba e. Di yan aalis hanggat di naitatanong ang gustong itanong. Naman Joyce!. Di ba sabi mo. Kailangan ka ng mama mo?. What now?..
Tinaasan ko sya ng kilay psro hindi dumadapo ang paningin nya sakin. Sinasadya nya ata para iwasan ang irap ko sa mga tanong nya.
"Nagkita kami sa third floor. Game zone. Mag-isa sya. Kaya sinamahan ko na.." paliwanag bigla ni Jaden sa pagtataka ni Joyce.
"Mabuti nalang. Nag-alala kasi ako e. Kung ganun, mauna na kami. Jaden, ikaw na bahala kay Bamby ha?.. Mag-iingat kayo pauwi.." paalam nya pati ng mga pinsan nya.
Pero bago nya pa kami talikuran. Niyakap nya ako kasabay ng isang bulong. "Congrats!!.." Yun lang at kumaway na paalis kasama ng dalawa nyang pinsan.
Anong congrats Joyce?.. Di pa kami bes!!. Pinangungunahan mo naman e. Baka mudlot pa.
Wag naman Sana.