Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 84 - Chapter 84: Babe

Chapter 84 - Chapter 84: Babe

Pagkalabas ng mall. Pumila agad kami para makasakay ng jeep. Marami talagang tao. Kaya medyo natagalan kaming sumakay. Mahigit tatlompung.minuto nang lumampas ang palugit ni Mama. Sana hindi sya mag-alala habang wala pa ako. Mainit. Habang nasa pila, pinupunasan ko ang pawis na tumutulo galing saking noo. Damn!. Bat ang init?. Dumoble ang init na naramdaman ko ng ilagay sakin ni Jaden ang suot nyang sumbrero..

"Isuot mo to.."

"Ha?. E pano ka?."

"Ayos na ako. Basta maayos ka lang.." juicekupo!. Ano raw Bamblebie?!!...Kayaaaaaahhhh!...

Unahan sa pagsakay ng jeep. Nauna akong sumakay. Inalalayan nya pa ako. Susmiyo!.. Anong?. Anong ibig sabihin ng ginagawa nya?. Are we mutual now?.. Hell yeassshhhh!...

Sa loob ng jeep. Dikit dikit kahit masikip na. Tuloy mas lalo syang dumidikit sakin.

"Dumikit ka lang sakin.." Anya pa ng may isang binatilyong umupo sa tabi ko. Tinignan pa muna ako bago tuluyang umayos ng upo. Tumagal ng ilang segundo ang mata nya sakin. Nag-iwas lamang ito ng gumalaw si Jaden upang iangat ang kanyang kamay papunta sa kaliwang balikat ko para maakbayan ako. "Urong ka pa babe.." sambit nya pa bago ako iniusog papunta sa kanyang dibdib.

Nakita kong mabilis nag-iwas ng tingin yung binata sakin. Sinong di nahihiya kapag harap harapan ka nang sinusupalpal ng kasweetan?. Damn this feeling!.. Para akong tinubuan bigla ng pakpak. Nagkaroon ng kapangyarihan na lumipad at lumutang sa ere. Ang sarap..

Hindi ko ininda ang mga matang nakamasid samin. Why the hell I care?. Ngayon lang to. Kaya dapat sulitin... You flirt little Bamblebie!!.. Go home!..

Nahiya ako bigla sa posisyon naming dalawa. Hindi ko na alam kung anong amoy ko. Kung mabango pa ba ako o hinde na. Sa pagtambay kanina sa ilalim ng sikat ng araw kakaantay ng jeep. Malamang, amoy pawis na ako. Nakakahiya. My goodness!.. Pumikit ako sa naiisip. Bakit kasi wala kang dalang payong ngayon?. Susmiyo Bamby!.. Pano ka na ngayon. Turn up?. Or turn down?. Either way round nalang. Bahala na..

"Anong shampoo mo babe?.." oh damn it!. Come again babe?. Sandali akong natigilan sa itinawag nya.

"Ang bango ng buhok mo. Nakakaadik.." nakadikit kasi ulo ko sa baba nya dahilan para maamoy nito ang buhok ko.

"Ah hehe. Ordinaryong shampoo lang yan.." nanginig pa boses ko sa kaba.

Sa sobrang kaba ko, naiimagine ko nang nasa bahay na ako. Tumatalon sa malambot kong kama. At tumitili. Tinatawag ang pangalan nya. Karugtong ang babe.

"Parang hindi ordinaryo. Mukhang mamahalin kapag ikaw ang gumagamit.."

"Hindi. Mura lang gamit ko."

"Pero mas bagay sa'yo ang mga bagay na mamahalin."

"Pano mo naman nasabing ganun?. Hindi ako gumagamit ng mahal..." sambit ko habang inaayos ang buhok na nililipad.

"Because you deserve everything..no room for less." di ko maiwasang ngumiti. Hehehe.. Really?. Ramdam ko ang mainit nitong hininga saking ulo. Para akong kinikiliti sa bawat haplos nito sa tuktok ng aking ulo.

"Haha.. di kaya.. So sinasabi mo bang spoiled dapat ako?.."

"Hindi. Hindi yun ang punto ko. Ang sabi pa nga ng kuya mo. Nag-iipon ka raw. Sobrang nagtitipid kahit di naman kailangan."

Natahimik ako. Sinong kuya?. Lance o Mark?. Dahil kung Mark, ibig sabihin may alam na sya?. Dammmnnn!.. No way!..

"Uh-huh?.."

"Kasi ang babae dapat lahat binibigay sa kanya... Ng buong buo..." but not me. Wala pa nga akong cellphone e. Pano ako naging spoiled?..

Wala akong lakas para sagutin sya. Nauubusan ako ng hininga.

Habang tumatakbo ang jeep. Papalapit sa amin. Kinakabahan ako. Hindi pa rin nagbabago ang lagay naming dalawa. Parang ayoko ng bumaba.

"Sana ganito nalang tayong dalawa.." huling bulong nya bago kami bumaba.. Naghumirinda ng todo ang puso ko. Mukhang magdidiwang ito ng husto.