Nadatnan kong nakaupo sya sa malawak na kama. Suot rin ang pajama at jacket na kulay asul. Bulaklakin ito.
"Kumain ka na?.." tanong nito sakin. Bahagyang umatras para paupuin ako sa tabi nya hindi naman na kailangan dahil masyadong malaki ang higaan.
"Hindi ako gutom Pasensya ka na. Di kita nasamahang kumain sa baba kanina.."
"Hehe.. ayos lang. Ang sabi ni tita sakin, may araw daw na hindi ka kumakain. Baka isa itong araw na yun." kinukuotkot nito ang kanyang sugat. Hilaw akong ngumiti sa kawalan. Totoo naman yung sinabi ni Mama, pero ang dating nito sakin para akong naguilty bigla. Shit!.
"Matutulog ka na ba?.."
"Hindi pa ako inaantok.. ikaw ba?.."
"Hindi rin.." umurong ako upang maabot ang headboard ng higaan. Dun ako sumandal. Kinuha ang isang unan sa likod ko saka niyakap.
"Nga pala, pano mo naging pinsan si Denise?.." bahagya itong natigilan. Noon ko lang rin napagtanto na lumabas na pala saking bibig ang kanina ko pa iniisip. Damn Bamby!..
Nag-unat ang katahimikan sa aming pagitan. Damn!.. ano bang nasa isip mo kasi Bamby?..
"Ang mama nya at si mommy ay magkapatid.."
Nakahinga lamang ako ng maluwag ng ibuka na nito ang kanyang bibig para magsalita.
"Hindi ko alam na matagal na palang niloloko ni Daddy si Mommy." bigla nyang kwento. Napaayos ako ng upo sa sandalan.
"Nalaman lang namin na totoo na pala yung mga tsismis tungkol sa kanya ng tumawag ang kanyang babae kay mommy na buntis na raw ito." nagsimula na nitong punasan ang mga luha sa kanyang mukha. Nakatalikod kasi sya sakin. Kaya tanging kamay lang nya ang nagsasabing umiiyak na ito.
"Gustong gusto kong sabihin sa'yo ang lahat noon pero ayaw kitang idamay sa problema ko. Kaya itinago ko sa'yo."
"Pero bakit?. Kaibigan mo ako Joyce. Magkaibigan tayo?.."
"Kaya nga hindi ko na sinabi sa'yo dahil kaibigan kita at ayaokong problemahin mo rin ang problema ko.."
"Ano ka ba?.. Anu pang saysay ng pagkakaibigan natin kung hindi tayo magtutulungan?.." humagulgol na sya. Dahilan para yakapin ko sya ng patalikod.
"Tahan na. Wag kang mag-aalala. Dito ka na muna habang hindi pa naaayos ang lahat.." niyakap nya rin ako ng mahigpit.
Hanggang sa nakatulugan na namin ang magkayakap.
Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama na saking binti. Unti until kong iminulat ang aking mata. Mag-isa na ako sa kama..My goodness!!!. Late na ako!.. Sapo ang ulo habang lumalabas ng kwarto. Tinatawag si Kuya Lance.
"Kuya?!!!.." Hindi malaman kung kakatok ba ako sa kanyang silid o papasok nalang bigla.
Nilingon ko ang relong nakasabit sa itaas ng maliit na halaman. Sa gilid ng pagitan ng guest room at kwarto ni Kuya Mark. It's already 8:56 am.. Oh my God Bamby Eugenio!!. You are too late now!.. What are your plans?.. Damn!!..
"Mama!!.." sigaw ko. Pero hindi ang tinawag ko ang lumabas saking harapan kundi si Kuya Lance na nakasuot ng jogging pants, sando at sapatos. Pawisan ito.
"Bamby ang aga sumisigaw ka?. Anong nangyari sa'yo?.." sabay punas ng kanyang leeg at noo. Suskupo!..
"Bat di mo ako ginising?. Late na ako..." naiiyak kong sambit.. Hindi sya nagsalita. Mataman nya lang akong tinitigan habang abala sa pagpupunas.
"Bakit?. may lakad ka ba ngayon?.." pagtataka nya.
Saka ko lang narealize na hindi sya nakauniporme. What the f""k!.. Nananaginip na naman ba ako?. Bwiset!..
"Bamby?.." tawag pansin nya sakin. Bumalik sa reyalidad ang aking isip.
Umiling nalang ako. Nahihiya sa kapalpakan.
"Akala mo ba may pasok?. Hahahahaha... sabado ngayon Bamblebie.. Ang bilis mo naman makalimot. Hindi ka ba nakatulog kagabi?.. hahaha.. sayang naman, sabado ngayon. Di mo masusulyapan yung crush mo.. ahahahaha.." tumawa ito ng tumawa.. Abnoy!.. Masama ang naging timpla ng mukha kong iniwan sya. Ba'la sya dyan.
Bawal na ngang makausap e. Ni masilayan, Wala pa ngayon. Malas talaga.