Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 67 - Chapter 67: Sad reality

Chapter 67 - Chapter 67: Sad reality

Kung noon, sya ang unang kakawit sakin. Ngayon, ako naman. Bumaligtad na kasi ang mundo namin. Noon sya yung masaya, nakangiti lagi. Konting kibot, hahalakhak. Pero ngayon, laging kunot ang noo. Seryoso ang mukha at laging may luha sa kanyang mata.

Nakakaawa.

"Anong nangyari sa pisngi mo?.."

Nginitian nya lang ako.

"Sinampal, sinapak, sinuntok?.. ano?.." tanong ko. Akay pa rin sya papuntang clinic.

Mga ngiti. Yan ang tanging sagot nya sakin. Daig pa nya napipi. Damn!. Anong ginawa ko at di ko napansin yun sa kanya?..

Mabuti nalang at nasa harapan na kami ng clinic dahil muntik pa kaming matumba. Natisod ako bigla dahil sa dalawang matang kanina pa nakamasid sakin. Hell shit!.. Sabi ng huwag akong lapitan e, Ang tigas talaga ng ulo ng loko.

"Oh, anong nangyari sa'yo hija?.." tanong ni Nurse Jen. "Upo ka dito.. gagamutin kita.." umupo sya sa isang upuan na parang higaan.

Kalahating minuto nya nilinis ang mga sugat ni Joyce. May mga pasa Ito sa braso at binti. "Okay na.. tsaka. eto inumin mo ito bago kumain para di kumirot yang pasa mo ha.."

"Salamat po Nurse Jen."

"Walang anuman. Ingat ka." inakay ko muli sya palabas ng clinic.

"Sa canteen muna tayo. Gutom na ako e.."

"Sige.." medyo masigla na nyang sagot.

Hanggang canteen, nakasunod pa rin sya. Wala ba syang pasok?. Suskupo Ace!..

Pinaupo ko muna sya bago ako umorder. "Dalawang rice with chicken. Dalawang burger. Dalawang large fries at dalawa ring orange juice.. thank you.."

"Bamby.." Ang kulit mo Ace.

Hell shit!..

"Ace.. not now.." Hindi ko sya nilingon. Sa cashier lang ang aking paningin.

"Mag-usap naman tayo."

"We are already talking Ace.." sarkastiko ang aking himig. Di ko rin maiwasang irapan sya patalikod.

"Sorry kahapon. Nag-init lang talaga ulo ko."

"What's done was done Ace.."

"But Bamby?."

"Bigyan mo muna ako ng space please..." buntong hininga ko.

"Okay. I'll wait. Bye for now Bamby.." pumikit ako sa kawalan. Paano ba aayusin ang isang gusot ng wala nang isa pang gusot?. Ang hirap naman. Magiging okay nga kami ni Joyce tapos heto naman kami ni Ace. Suskupo!.. Help me please Lord. I need your guidance.

"Bakit hindi maipinta mukha nun?.." gulat ako ng bumalik sa aming mesa. Bigla kasi syang nagtanong. Good signs. Bumabalik na sya sa dati. Nginuso nya si Ace sa labas. Nakatungo itong maglakad. Sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Mukhang malaki ang problema nya.

"Hindi ko alam.."

"Bamby..." tawag nya sakin. Namiis kong marinig ang aking pangalan mula sa kanyang bibig.

"Hmm?.."

"I'm sorry... hindi ko sinasadya.." nilagay ko ang kutsara sa kanyang pinggan.

"Noong una, gusto ko naman talagang sabihin sa'yo ang lahat. Pero wala akong nagawa dahil inipit nya ako.. tinakot na palalayasin sa bahay nila. Wala rin akong choice kundi sundin nalang ang gusto nya dahil wala na akong matakbuhan pa na iba.. Natakot ako Bamby.."

"Alam mo rin bang galit na galit ako sayo noon?.."

"Alam ko. Sinong di magagalit sa ginawa ko?. Ako nga e, galit mismo sa sarili ko dahil wala akong magawa para lumaban.. saan ako titira kung di ko sya susundin?.. Naghiwalay sila mama, months ago. Naiwan akong luhaan. Iniwan nila akong mag-isa.. di ko masabi sa'yo noon dahil ayokong sirain ang kasiyahan mo.."

Goodness!.. there you heard it?. What you sayin' Bamby?. You can judge now?..

Natahimik ako. Tama nga si Mama. Wala syang choice kaya nagawa nya yun. Sa mundo pa naman ngayon, Kung wala ka na talagang makapitan. Kakapit ka nalang sa patalim. Kahit ayaw mo pa. Kahit labag pa sa kalooban mo. Gagawin mo nalang. Ganun kasakit ang reyalidad.

Related Books

Popular novel hashtag