Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 68 - Chapter 68: Feel sorry

Chapter 68 - Chapter 68: Feel sorry

"I'm really sorry Bamby. Sorry talaga.." hawak na nya ang kamay ko. Tuloy di ako makasubo. Lol Bamby. Patay gutom ka na naman.

"Tsk. Wala na yun. Basta ang mahalaga ngayon, okay na tayo.. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan na. masasaktan lang tayo.."

"Pinapatawad mo na ako?.."

"Ou. matagal na. Kahit nung panahong di mo na ako pinapansin.. tsaka promise me, di na mauulit yun ha?.."

"Salamat bes. promise." tumayo sya't niyakap ako. Hawak ko ang braso nyang nakayakap sakin. Saka hinaplos. "Ang hirap kaya nun. di ko malunok pagkain at tubig ko ng mga araw na yun."

"Kaya ka pala pumayat?.." medyo malaman kasi sya noon. Nito ko lang rin napansin na nagangayat na sya.

"Hehehe... ngayon ko lang rin kaya to napansin. kakaisip sa mga problema ko pati sa'yo.."

"Really?. di halatang iniisip mo ako ha?.." sabay kaming natawa. Now, I can say that we are back again as one. Atlast. Napakasarap sa pakiramdam. Makakahinga na ako ng maluwag nito. Excited na tuloy akong matulog.

"Saan ka ngayon tutuloy?.."

"Di ko pa alam e. Ayoko nang bumalik pa sa bahay na yun. Parang impyerno."

"Sa bahay ka nalang kaya. Gusto mo?.."

"Ang tanong, gusto mo bang duon ako tumira?.. haha.."

"Why not?.. Hindi ka na iba sakin noh.."

"Nakakahiya naman Bamby. Ginawan kita ng masama tapos patitirahin mo ako sa Inyo?.. wag nalang.."

"Ano ka ba?.. di ba sinabi ko na sa'yo kanina. Ang tapos na ay tapos na. Wag na nating balikan pa. Tsaka, months from now, aalis na rin kami. Kailangang may titira sa bahay. hehe.."

"What?!.." lumaki ng todo ang kanyang mata.. Ito yung moment na namiss ko ng sobra sobra. The way she reacts. Yung pagiging oa nya. Hehe.

"Last week lang sinabi ni Papa samin. Nagulat rin kami. Hindi ko rin masabi sa'yo dahil alam mo na.. Haha.."

"So yun pala yung pinagbubulungan nina Karen at Winly na aalis kayo. Akala ko di totoo.."

"Totoo sya bes.. Mamimiss kita.." pabalik na kami ng room. Saktong recess time na kaya marami ng tao sa paligid. At hindi lang basta bastang tao. Kundi importanteng tao dito saking puso. Nakatayo sya sa gilid ng pintuan ng kanilang room. Hawak ang isang chips. Sa kabila naman si Bryle na gaya nyang may hawak na pagkain. Parehong nakasandal sa pintuan.

Yung hangin na nasagap ko sa canteen kanina na mainit, biglang lumamig. Nanuot saking lalamunan. Dahilan upang hindi ako makalunok ng maayos. Mabilis kong binaba ang tingin sa semento. Makaiwas lang sa mata nya. Damn those piercing eyes!..

Yung mata nya, parang tala. Ang sarap sanang titigan. Kaso bawal. Bawal dahil baka mapano sya't masira mukha nya. Suskupo Bamby!. Magtigil ka nga. Tamaan ka ng kidlat e. May isang salita pa naman si Kuya. Mahirap na.

"Sorry also about him.." biglang bulong ni Joyce. "Sana maging maayos ulit kayo." patuloy nya.

"Sana nga maging maayos pa kami. At sana rin hindi hanggang dun lang.." what?. Your little assuming heart again little Bamby!.. Dyan ka nasasaktan e.

Tinapik nya ako sa balikat.

"Kung kayo talaga para sa isa't isa. Kayo talaga kahit hindi ka na gumawa pa ng paraan. Kaya chill lang bes.. magiging kayo rin soon.."

How I wish?... Sana lang hindi lang hanggang sana lang ang salita ko. Sana. SANA ALL Nalang.