Chereads / My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 2 - Chapter 1: Three Years Rule

Chapter 2 - Chapter 1: Three Years Rule

Lila

They say, Three months rule should be before you enter into a relationship again.

But that didn't work out for me, because it was three years, three years before I reopened myself for others. Pagkatapos ng mahabang panahon na pag momove-on sa ex-girlfriend ko na ngayon ay may asawa na at may masaya ng pamilya, ay sa wakas, naka hanap na rin akong muli ng lakas ng loob na makabalik sa Pilipinas.

People always say, you can't dictate destiny, if it's your time to love again then it is.

It took three years before I could find the person I would love again. The man who loved me so much and was willing to do everything for me. And his name was Michael, my boyfriend.

"Babe!" Masayang pagtawag nito sa akin habang tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan.

Pagkatapos ay agad akong binuhat habang kanyang yakap-yakap at inikot pa sa ere.

"Hi babe!" Masayang sabi ko rito pagkatapos niya akong ibaba. "I've missed you." Sabi ko pa atsaka ako nito nidampihan ng halik sa labi.

"I've missed you too." Naka ngiti na ganting sabi nito sa akin bago kinuha ang dala kong maleta.

"Alice are excited to see you. Kanina ka pa niya hinihintay." Iiling-iling pa na sabi nito sa akin habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan.

"Really babe? Namiss ko rin ang bruhang iyon." Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita ni Alice, ang best friend/childhood friend ko.

"Abala siya sa pagluluto ng mga paborito mo, kaya hindi na rin siya nakasama sa akin para sunduin ka dito sa aiport." Paliwanag nito atsaka ako ipinag bukas ng pintuan ng kanyang kotse.

"Aww. Thank you babe!" Pagpapasalamat ko sa kanya.

"My pleasure babe." Kagat labing sabi nito bago napa yuko pa dahilan para ako ay mapatawa. Sandaling inilagay nito ang aking maleta sa likod ng sasakyan bago umikot na rin at sumakay para mag maneho.

Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilan ang hindi maging proud sa sarili at mapa ngiti. Biruin mo iyon, after ng heartbreak ko from Breeze, makakahanap parin ako ng katulad ni Michael.

Aside from being handsome, he was a very gentleman guy, a very kind and very sweet. At talagang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito para sa akin. Kaya hindi na rin ako nagtataka pa ngayon kung bakit hindi naging kami sa huli ni Breeze, dahil bukod sa kay Catherine ito itinadhana, ay baka talagang para naman ako kay Michael.

Michael and I meet when he was on a vacation to Spain. Nag volunteer kasi ako that day para maging isang tour guide, kahit isang araw lang. And I didn't expect na siya lang ang turista na i-totour ko that day.

Of course, nagkausap kami, getting to know and nalaman niya na kagagaling ko lang pala ng Pilipinas. Nasa stage pa kasi ako ng pagmomove-on ko kay Breeze noon.

He asked for my number and for some reason I gave it to him. Doon na rin kami nagsimula. Hindi man siya nagtagal sa Spain noon dahil hanggang 5 days lang ang kaya niyang ibigay sa sarili dahil kailangang mag trabaho pabalik ng Pilipinas, pero nagawa niyang bumalik twice a month sa Spain, para sa akin. Ang sweet niya, hindi ba? Kaya sino ba naman ang hindi mahuhulog sa katulad niya.

And now, I've decided to come to the Philippines for good. Para hindi na rin ito pabalik-balik pa sa Spain. Isa pa, time ko na rin ito para bumukod muli, bagay na hindi naman na pinigilan ng mga magulang ko. And yeah, kilala na rin nila si Michael at butong buto pa sila rito.

"Lilaaaaa!" Masayang niyakap ako kaagad ni Alice ng makarating kami sa kanyang unit.

"Alice! Oh god! I miss you so much!" Sambit ko rito ng kumalas kami bago ito muling niyakap.

"Look at yourself, mas lalo kang gumanda!" Komento nito habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Iba talaga kapag in love. Diba Michael?" Atsaka pa siya napa taas baba ng kilay habang naka tingin sa boyfriend ko.

"Naku, tigilan mo ang kakaganyan sa nobyo ko. Baka lumaki ang ulo." Bago kami sabay na nagtawanang muli at agad na iginaya ako nito sa hapag kainan.

"Oh siya, ipinaghanda na kita ng hapunan. Alam ko kasing namiss mo lahat ng ito." Agad na napatingin ako sa mga pagkain na nakahain na sa lamesa.

"Shit, Alice. Namiss kong lahat ng ito!" Naglalaway sa kanyang mga niluto na sabi ko pa.

"Edi kumain na tayo." Wika nito. "Para naman makapag pahinga kana at pati na rin yang nobyo mo." Dagdag pa niya.

Ipinaghinala naman ako kaagad ng silya ng gentleman kong nobyo. Atsaka simulan na naming lantakan ang mga nakahain sa lamesa. Nakaka miss talaga iyong mga pagkaing pinoy. Ito ang isa sa bagay na gustong-gusto ko rito sa Pilipinas.

Pagkatapos ng marami pang asaran at kwentuhan habang kumakain ay nadatnan ko na lamang ang sarili ko rito na naka higa sa ibabaw ng kama habang naka titig sa kisame ng kuwarto.

Nakaalis na rin si Michael dahil maaga pa ito sa kanyang trabaho bukas. Habang si Alice naman, nasa loob na rin ng kanyang kuwarto dahil maaga raw itong aalis bukas. Hindi ko na rin inalam pa kung saan ang lakad niya, isa pa, balak ko kasing bisitahin bukas ang mag-asawang si Breeze at Catherine.

Kumusta na kaya sila? Tanong ko sa aking sarili.

Hayyy. Obvious naman na masaya na sila ngayon at talagang mas lalo pang nagpapalago ng kanilang mga negosyo.

Sana all.

Mapapa sana all ka nalang talaga kapag maiisip mo na mayroon na silang perfect na lifestyle, mayroon pang perfect na pamilya at relationship.

Perfect din naman kayo ni Michael ah. Biglang singit naman ng aking isipan.

Oo nga, perfect din naman kami ni Michael ah. Ang pinagkaiba nga lang eh, hindi pa siya nagpoprospose sa akin.

Bagay na hindi parin naman talaga ako handa. Gusto ko munang mag settle kami pareho sa kanya-kanya naming career. Lalo na ngayon, magsisimula pa lamang akong muli.

Habang siya naman, isa siyang businessman, kahit naman nobya niya ako gusto ko parin naman mag set ng limitations ano? Ayaw kong makagulo sa mga ambition niya sa buhay, kaya kahit na nandito na ako ngayon sa Pilipinas, gusto ko parin na maramdaman nito na malaya parin niyang magagawa lahat ng gusto niya. Ayoko rin na itali namin pareho ang mga sarili namin sa isa't isa ng marami pa kaming gustong gawin sa kanya-kanya naming buhay.

Wait, why am I stressing myself now? I should now be resting and sleeping well.

Kaya naman, inayos ko na lamang ang aking sarili sa kama atsaka ipinikit na ang aking mga mata para makatulog na.

I have a big day tomorrow.

-------

Nagising ako dahil sa tawag ni Michael sa aking cellphone, saying that I have to be ready and he'll pick me up soon.

Hindi naman nito sinabi kung saan kami pupunta. Hayyy. Fine, then maybe I'll just visit Breeze after Michael and I go somewhere.

Napa tingin ako sa wall clock na meron sa guest room ng unit ni Alice.

"Shit!" Pagmura ko sa aking sarili. Mag-aalas onse na?

Kung bakit naman kasi hindi ako nag-alarm, eh madalas talaga kasi akong late kung magising. Binubuhay lang ako ng alarm tuwing umaga. Hayyy. Ayan tuloy!

I quickly showered, brushed my teeth and put on clothes. A fitted dark blue jeans and a white plain polo shirt. Then I dried my hair too.

Sinubukan ko muna ring maglagay kahit light make up lang, para naman kahit papaano eh presentable paring tignan sa harap ni Michael. Nakakahiya kaya kung magmumukha akong alalay niya dahil sa kagwapuhan nito.

At dahil alam kong ilang sandali lang ay darating na ito kaya naman agad na bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

Titignan ko lang kung meron bang something na makakain na niluto si Alice bago umalis kanina, medyo nagugutom na rin kasi ako.

While on the way to the kitchen, I noticed that there were a few items scattered around the living room. I also noticed that there were two large suitcases in it.

At kanino naman kayang kagamitan iyon? Tanong ko sa sarili bago napa iling at sinubukan na lamang na huwag iyong pansinin at dumiretso na lamang sa dapat puntahan.

I was about to open the fridge with someone suddenly speaking from behind me, dahilan para mapa mura ako sa aking sarili.

"Who are you? And what are you doing here at my bestfriend's place?" The woman's voice asked.

So..walang nagawa na napaharap ako rito upang tignan kung sino man ang nagsasalitang iyon.

Ngunit gayon na lamang ang aking pagkagulat, ganoon din siya nang magsalubong ang aming mga mata.

Both of our eyes widened in shock as we pointed fingers at one another.

"What the fuck, Lila?" Maarte na sambit nito bago napa ismid ng makita ako sa kanyang harapan. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapa irap.

"And what are you doing here, Sarah?" Sabay tinignan ko naman ito ng mula ulo hanggang paa.

Shit! Bakit wala man lamang kahit isa akong maipintas sa kanya?

She looks...she has no trace of flaw. What is she?