Lila
"Babe, are you okay?" Michael asked me.
Kanina pa kasi ako walang kibo at hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa babaeng 'yon! Kung bakit naman kasi pinagtagpo pa kaming muli!
"Nakakainis lang kasi babe eh!" Pagmamaktol ko sa kanya. "Alam mo' yong ayaw na ayaw mo na nga sa isang tao pero pinagtagpo parin kayong muli? Ang nakaka inis lang, kaibigan din siya ni Alice!"
Sandaling natawa si Michael bago ako tinignan. "Sino ba yang tinutukoy mo? At bakit ganyan kung inisin ang girlfriend ko?"
"That girl, Sarah Rodriguez!" Mapakla na bigkas ko sa kanyang pangalan. "I really hate her! From then until now, palagi nalang niyang pinag-iinit ang dugo ko."
"The supermodel?" Gulat na tanong ni Michael.
"Oo, bakit?" Mataray na sagot ko rito. "Kilala mo rin siya?"
"Babe, who else does not know her?" Oo nga naman. Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya. Eh halos buong mundo hinahangaan siya.
Hinawakan ako ni Michael sa kaliwang kamay bago ito maingat na inilapat sa kanyang mga labi.
"Tama na yan, babe. She doesn't deserve your time and energy." Pagpapakalma nito sa akin. "Sa ngayon, hihiramin ko muna ang isipan ng girlfriend ko, okay? Sa akin muna ang atensyon mo ngayon. Akin ka muna ngayon."
Mabuti nalang at nandiyan si Michael, dahan-dahan ko na lamang din na nararamdaman ang pagbabago ng mood ko dahil sa kanya.
Michael takes me to a fancy Restaurant. At doon na kami kumain ng aming panang halian. Sinabi ko na rin sa kanya na balak kong pumunta kina Breeze ngayong araw as a surprise visit sa kanilang mag-asawa. Pumayag naman ito at agad din akong inihatid kina Breeze pagkatapos. Magbabakasakali lang naman ako dahil Saturday ngayon, baka sakaling hindi ito pumasok sa kanyang Opisina.
Agad din na pinasibad ni Michael ang kanyang sasakyan pagkatapos akong ihatid. Huminge ito ng tawad dahil sa hindi na raw ako nito masusundo pa mamaya sa dahilang may importante itong meeting. Sinabi ko rin sa kanya na ayos lang at magtataxi nalang ako pabalik sa unit ni Alice.
Isang may medyo katandaan na babae ang bumungad sa akin sa gate bago ako tuluyang pinapasok. Sandali na iniwanan ako nito sa living room at tatawagin lamang daw nito ang mag-asawa.
While waiting for Breeze to arrive I couldn't stop looking around. Ganoon parin ang ayos ng kanyang bahay simula noon, may iilan na furniture nga lang ang napalitan na pero halos lahat, hindi nito binago.
Napatingin pa ako sa paligid at agad na naka agaw ng aking pansin ang kanilang family picture na nakalagay sa may malapit sa hagdanan paakyat sa second floor.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit dito. Isang ngiti ang agad na gumuhit sa aking labi nang makita ko kung gaano sila pinag palang mag-asawa, napaka dyosa nila pareho, kaya siguro ganoon na lamang din kaganda ang kanilang naging anak.
At si Jared, ang panganay na anak ni Breeze. Malapit na siyang mag binata at napa ka gwapo pa. Tiyak na maraming mapapa iyak at magkakandarapang babae rito katulad sa kanyang mommy Breeze at Daddy Rick.
"I wonder who just came by." Awtomatimong napa singhap ako ng marinig ko ang familiar na boses na iyon. God, I miss her voice!
Napa lunok ako bago tuluyang iniikot ang aking katawan upang harapin ang babaeng ilang taon ko ring hindi nakita. Isang malawak na ngiti ang ibinigay ko rito ng magtama ang aming mga mata.
"Breeze." Naninibago na pagbanggit ko sa kanyang pangalan dahil ilang taon rin na hindi lumabas ang pangalan nito sa mga labi ko.
"Lila." Tipid na sambit nito sa aking pangalan. Atsaka mabilis akong nilapitan at niyakap.
"Long time no see." Sabi pa niya bago napa smirk nang kumalas ito mula sa akin. "I didn't expect that you come back."
Hindi parin siya nagbabago. Napaka ganda parin niya hanggang ngayon. Her eyes glittered like glitter when she drew near. The beauty of her that is so compelling for you to be hypnotized. Her captivating smiles that have not changed since then...Gosh! What am I thinking? May asawa na ang tao.
Isa pa, ikalma mo yang sarili mo Lila dahil matagal na kayong tapos, remember?
"So...care to explain why you're here in the Philippines?" Tanong nito sa akin bago nauna ng maglakad na agad ko namang sinabayan.
"I want here for good." Sagod ko. Napa lingon ito sa akin habang may sumisipil na ngiti sa kanyang labi. Asking for more details from me.
"I want to be here again. And besides, my boyfriend, para hindi na rin siya pabalik balik pa sa Spain." Paliwanag ko rito bago kami huminto sa may likod ng kanyang bahay kung saan ang kanilang may medyo malawak na garden.
"Mmhmm. So what can I do to help? I have a job that I can offer you." Sabi nito bago napa tingin sa unahan kung saan masayang naglalaro si Catherine at ang kanyang anak.
"Is that Catherine?" Pag-iiba ko ng usapan dahil sa totoo lang, ayokong tumanggap ng kahit anong tulong mula kay Breeze. Bakit? Dahil mas gusto ko ang tumatayo sa sarili kong mga paa. Like what I did before.
Napatango si Breeze habang nandoon parin ang malawak at matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Yes. Come on." Biglang pagyaya nito. "I'll introduce you to my daughter. In fact, may isa pa kaming bisita maliban sayo." Sabay taas baba nito ng kilay sa akin.
"Another guest? Who?" Kunot noo na tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami papalapit sa kanyang mag-ina.
"Oh my god!" Gulat na bulalas ko ng makina ko kung sino ang tinutukoy ni Breeze. "Tell me, namamalik mata lang ako, Breeze." Dagdag ko pa bago ito napa tawa sabay napa iling.
Akalain mo ba naman, sa lahat naman kasi ng pupweding maging ex ng mag-asawang ito, bakit kaming dalawa pa ni Sarah? Small world, isn't it?
"Wow! The two Ex-girlfriend." Mapang-asar na komento ni Sarah ng makita ako bago ito napa ngisi. Ang sarap lang niyang tadyakan.
Napa irap ako. "Lila, it's so nice to see you again." Masayang pagbati sa akin ni Catherine bago lumapit at nakipag beso.
"And this is our lil'daughter, Nicole." Pagpapakilala ni Cath sa kanilang two years old na baby.
Napa yuko ako para maging magka level kami ng bata. Namimilog ang mga matang napa tingin din ito sa akin atsaka dahan-dahan na napa ngiti. Awwww. So cute!
I could see Breeze in her eyes and the shape of her face and nose she had caught Cath.
"Hello, Nicole." Pagbati ko sa kanya hanggang sa tuluyan na nga itong napa ngiti. "Grabe! Lahi yata kayo ng mga dyosa." Dagdag na komento ko pa sa mag-asawa na agad naman silang napatawa.
"Small things, Lila." Mayabang na sabi naman ni Breeze.
"Nicole, come here to tita Sarah." Tawag ng kontrabida kay Nicole bago ito hinawakan at iginaya pabalik sa loob ng bahay. "Baka mahawa ka ng ugali ng isa dyan." Dagdag pa niya bago ako tinignan ng mapang-asar.
Napapa iling nalang ako in disbelief. Hanggang ngayon talaga hindi parin siya magbabago, ang bastos at ang baho parin ng ugali niya. Hindi ko na lamang ito pinansin, sa halip, mas minabuti ko na lamang ang manahimik at mas bigyan ng pansin ang mag-asawa.
Isa pa, sila naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, hindi ba?
Pagkatapos ng mahabang kwentuhan kasama si Breeze at iilang sandali na nakasama si Catherine ay hindi na rin naman ako tumagal pa sa kanila. Alam ko kasi na aabutin ako ng rush hour medyo malayo itong bahay nila sa unit ni Alice, tiyak na gagabihin na ako pag-uwi. Lalo pa at magtataxi lang ako mag-isa.
Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan ang hindi mapa-isip tungkol kay Cath. She's beautiful inside and out. Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit sobrang nabaliw sa kanya si Breeze.
Hayyy. Napa hinga ako ng malalim, kami kaya ni Michael? Ano kaya ang magiging mukha ng mga magiging anak namin? Naramdaman ko ang kusang pang-iinit ng aking mukha nang sumagi sa aking isipan ang bahay na iyon. Bakit ba 'yon pumasok sa isipan ko? Tss!
Pasado alas otso na ng gabi ng maka uwi ako sa unit ni Alice. Medyo inaantok na rin ako kaya hindi na rin siguro ako magdidinner. Mas gusto ko na ang humilata at matulog dahil sa pagod.
Pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay bumungad na sa akin, ang aking mga gamit na nagkalat sa labas ng guest room.
"What the f--- Alice!" Pagtawag ko sa aking best friend atsaka bubuksan sana ang pintuan ng guest room ng iniluwa noon si Sarah habang may pa inosenteng mga tingin.
"What the hell did you do?!" Singhal ko sa kanya na halos kulang nalang eh umusok na ang aking ilong dahil sa inis.
She shrugged. "Nothing." Tipid na sagot pa niya bago napa tingin sa aking mga gamit. "You know, we can even share a room if you like. That is okay with me."
Isang mapakla na tawa ang aking pinakawalan habang napapa iling na naka tingin sa kanya.
"Really? You're so unbelievable!" Galit parin na sabi ko sa kanya. "Hindi na, baka biglang dumilim pa ang paningin ko at kung ano pang magawa ko sayo." Atsaka isa-isa ko ng pinulot ang aking mga gamit.
"Oh come on, I insist." Pangungulit pa niya na halata namang nang bwibwisit lang.
"Cut that bullshit, Sarah!" Sigaw ko sa kanya dahilan upang mapatigilan ito. "Iyong-iyo na yang guest room."
"Hey guys, what's going on here?" Tanong ni Alice nang makalabas ito ng kanyang kwarto.
"Hindi ko alam kung bakit hinayaan mong pagtagpuin kami rito, Alice." Inis na sabi ko rin dito habang patuloy parin sa pagpulot ng aking mga gamit. "You know we don't like each other!" Sabay padabog na walk-out ko sa kanilang dalawa at dumiretso sa loob kuwarto ni Alice.
Bukas na bukas din, lilipat ako sa condo ni Michael. Nakaka inis lang, kung bakit naman kasi hindi ako doon nakituloy una pa lamang.
Hindi mo naman kasi alam na darating din yong devil na yan eh, si Sarah.
"Hayyys!" Napapasabunot nalang ako sa aking buhok.
Naririnig ko mula dito ang pagtatalo ng dalawa sa labas. Well, mas gusto ko na lamang ang matulog ngayon. Sandali kong tinext si Michael na sunduin ako bukas upang lumipat sa kanyang condo. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang reply dahil hindi ko na namalayan pa ang pagpikit ng aking mga mata.
-----
Kinabukasan, maaga akong naligo para lahat ng bad vibes kahapon ay mawala na ngayon. And I silently prayed na sana ay wala na munang sisira sa araw ko habang nandito pa ako sa unit ni Alice. Mahirap na, at isa pa, nakakahiya rin kay Alice kung palagi na lang nitong madadatnan ang pagtatalo namin ni Sarah.
After I made oatmeal for my breakfast, I briefly returned my cellphone from Alice's room. Hindi iyon nagtagal, kaagad na bumalik din ako sa kusina upang makapag almusal na.
But the demon was awake, she leaned over the sink while drinking her cup of coffee. Hindi ako nito kaagad napansin kaya hinayaan ko na lamang din.
Papalapit na sana ako sa kanya kung saan banda ang aking oatmeal ng bigla itong napa tingin sa aking direksyon and we stared at each other for a few seconds. I don't know why, but I can't help but stare at her, ganoon din ito sa akin.
I admit that Sarah is gorgeous. And I can't deny it. That's why she's called a supermodel, isn't she? Pero hindi nakikita sa ugali nito ang panlabas nitong kagandahan.
Ako na ang unang nag bawi ng paningin sa aming dalawa, bago ako napa tikhim.
Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang aking mga mata sa hawak nitong bowl habang ibinubuhos nito sa sink ang laman noon.
Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata ng marealize na iyon ang oatmeal na kakainin ko na sana.
"Ops! Sorry, my bad." Wika nito bago ako tinignan ng isang kakakalokong tingin atsaka muling napa higop ng kape sa kanyang tasa. Awtomatikong naramdaman ko ang pagkulo ng aking dugo habang naka tingin sa kanya ng matalim.
"Napaka sama mo talaga!" Hindi ko mapigilang mainis na naman rito dahilan upang mas lalo pa siyang mapa ngisi ng wagas sa akin.
Hanggang kailan ba niya sisirain ang bawat araw ko? Pangalawang araw pa lamang ng muli kaming magkita pero pinupuno na kaagad niya ako. Argh!
"You know what, Sarah? Go to hell!" Sabay walk-out ko na sabi rito. Naiiyak nalang ako sa inis dahil sa pag-uugali niya.
May araw ka rin sa akin, I swear!