Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 91 - ♥♡ CHAPTER 80 ♡♥

Chapter 91 - ♥♡ CHAPTER 80 ♡♥

♡ Author's POV ♡

Buong grupo, sa isang direksyon lang nakatingin. Nakaupo sina Dave at Dustin sa sulok habang nakatayo naman sina Roxanne at Clyde ngunit wala naman sina Stephen, Caleb at Oliver. Halatang lahat sila ay nag-aalala sa sitwasyon niya, "Magigising pa ba siya?" tanong ni Dave sa gitna ng katahimikan kaya napatingin sila sa kanya.

"Let's just trust him." saad ni Clyde habang nakakibit-balikat na ibinalik ang tingin kay Dean na nakahiga pa rin sa kama nito at sugatan. Naririnig rin nila ang malalim nitong paghinga, "Kung susuko si Dean, we wouldn't have to wait for three days." tatlong araw na rin itong hindi nagigising kaya labis ang pag-aalala nilang lahat.

Ang mga itsura nilang tila nawalan ng mahal sa buhay ay biglang nagbago nang makitang unti-unti niyang iminulat ang mata niya kaya mabilis na tumayo si Dave sa pagkakaupo nito na nilapitan siya, "He's awake!" masayang saad nito na nabalutan ng pagkatuwa kaya't nagsilapitan na rin ang lahat.

Dean Carson clearly saw all of his members without any idea what's really happening and what's going on. Pinilit nitong tumayo kaya napadaing siya sa sakit at inalalayan siya ni Dave para makaupo, "Mahina ka pa, Dean. You still have to rest." nagsalubong na lang ang kilay ni Dean habang nakatingin kay Dave.

"What are you all doing here?" nagtatakang tanong nito kaya nilapitan siya ni Clyde habang nakakibit-balikat pa rin, "Stop acting. We already know everything."

"What?"

Napatingin si Clyde kay Phoenix na nakatayo sa nakabukas na pintuan ng kwarto ni Dean, "Finn already told us everything about your plan." at ibinalik niya ang tingin kay Dean, "Sorry for everything that we did..." sambit pa niya kaya napayuko silang lahat habang tinignan naman ni Dean si Clyde na nakatingin din sa kanya, "You taught us that we should always trust you whatever happens pero hindi namin nagawa. We misunderstood everything, Dean."

"Don't be sorry, Vipers. Ako dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang totoo." saad ni Dean kaya napatingin sila sa kanya, "But you did that for us, right?" tanong ni Dave na ikinatango ni Dean at muling napayuko, "It's fine that you really misunderstood everything. Kung maaga niyong nalaman ang pagpapanggap ko, the plan wouldn't work." at muli niya silang tinignan.

"So do you mean you managed to kill her?" tanong pa ni Clyde na ikinatango niya, "No one's going to ruin the plan now except her remaining members."

"Then we should thank you for sacrificing everything, Dean. I didn't know that you could go that far." ngumiti si Clyde na ikinangiti din niya, "I know it was really hard...pero nandito na kami ulit para sa'yo." sambit ni Dustin kaya tumango si Dean hanggang sa unti-unting naglaho ang ngiti niya nang may maalala siya at napatingin sa paligid, "By the way...w-where is she?" tanong niya sa kanila kaya sabay-sabay silang napatingin kay Finn na nasa pintuan.

Iginalaw naman niya ang ulo niya para ituro ang isang direksyon. Tumayo si Dean kahit na nasasaktan pa rin sa mga sugat niya at naglakad papalabas ng kwarto, "Nahihirapan daw kasi siyang huminga kaya gusto niyang magpahangin muna." saad ni Finn habang nakatingin naman sa dulo ng hallway si Dean kung nasaan ang balkonahe.

"But we can call her if you want-- " natigilan si Finn ng itaas ni Dean ang kamay niya para patigilin siya, "I'll go." saad nito na naglakad na papunta doon. Aalalayan sana siya ni Phoenix kaso sinamaan niya naman ito ng tingin kaya napaatras na lang si Finn.

Sa hindi kalayuan ay nakita niyang bahagyang nakabukas ang pintuan habang papalapit siya doon. Nakita niya pa sina Raven at Felicity na masayang magkausap na halatang nakabantay naman sa pintuan.

Nang mapatingin sila sa kanya ay mabilis na lumapit kay Dean si Feli, "K-kuya! You're finally awake!" saad nito. Nalipat sa kanilang dalawa ang atensyon ni Dean ng yakapin siya ng kapatid niya bago siya ulit tinignan nito, "Akala ko matatagalan pa bago ka magising?" nag-aalalang saad nito ngunit may halo ng tuwa sa mga mata niya kaya napangiti si Dean, "Dad taught us to become fighters, Feli." sambit nito na ngumiti na rin at ginulo ang buhok ng kapatid.

"That's why I thought she was familiar." nakangiting saad ni Raven kaya napatingin sila sa kanya, "You have the same eyes, dangerous eyes. Manang-mana sa'yo ang kapatid mo, Dean." dagdag pa nito na ikinangiti ni Dean. Hinawakan ni Raven ang isang balikat nito kaya nagkatapatan ang dalawa, "Sorry for everything that we did. Welcome to the group again, Viper king." saad pa niya na ikinatango ni Dean, "I'm sorry, Sean...for not being able to save Leigh." kusang naibaba ni Raven ang kamay niya.

Napayuko siya at napatango, naglaho rin ang ngiti sa labi nito bago ibinalik ang tingin kay Dean, "It's not your fault. Ako ang nasa tabi niya at kasama niya pero wala akong nagawa noong mga oras na 'yon." sambit pa niya, "But at least alam kong nasa mabuting lugar na si Leigh ngayon." tumango si Dean at napatingin sa kapatid niyang nag-iwas ng tingin.

"She's waiting for you." muling tinignan ni Dean si Raven, "Kahapon pa siya gising, ikaw na lang ang hinihintay niya. I'm sure she'll be happy to see you." dagdag pa nito kaya nilagpasan na sila ni Dean.

Hinawakan niya ang door knob ng pintuan habang bahagya itong nakabukas at hindi nag-alinlangan na buksan 'yon para lumabas. Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin kasabay nang pagtitig niya sa isang babaeng nakatalikod sa kanya habang hinahawi ng hangin ang mahabang buhok nito.

Isinara niya ang pintuan at dahan-dahang lumapit kay Syden na naramdaman naman ang presensya ng isang tao sa likuran niya, "Raven huwag ka ng makulit. Ayaw ko pang pumasok sabi-- " natigilan ito sa pagsasalita nang maramdaman niya ang unti-unting pagyakap sa kanya ng kung sino sa likuran nito. Ipinalupot ni Dean ang mga kamay nito sa mismong baywang ni Syden at isinandal naman ang ulo niya sa balikat nito.

The moment she felt it, she knew it, "I miss you." mahinang sambit ni Dean na nakapagpataas ng balahibo ni Syden.

"Y-you're finally awake?" hindi makapaniwalang tanong ni Syden, "I woke up for you, sweetie." napapikit na lang si Syden para mas maramdaman pa ang presensya nito, "I miss you too, muffin." saad nito na napangiti habang nakapikit.

"I badly miss you long ago." at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya kay Syden, "Will you please let me go for a while?" tanong ni Syden na hindi pinansin ni Dean, "I can't let you go now." she badly misses his sweet and husky voice.

"Isn't it unfair kung ikaw lang ang nakakakita sa akin?" tanong ni Syden na ikinangiti ni Dean. Inilapit nito ang bibig niya para bumulong kay Syden, "Gusto ko ako lang ang nakakakita sa'yo." unti-unti niyang ibinaba ang kamay niya dahilan para dahan-dahan ring humarap sa kanya si Syden.

Hinawakan naman nito ang magkabilang-pisngi ni Dean gamit ang dalawa nitong kamay at mas ngumiti, "Makita man ako ng iba, huwag kang mag-alala kasi ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." saad niya hanggang sa sumilay ang ngiti sa labi ni Dean nang ipagdikit ni Syden ang noo nilang dalawa.

"I love you, Dean Carson." sabay silang napapikit na parehong may ngiti sa mga labi. Muling ipinalupot ni Dean ang dalawang kamay sa baywang ni Syden at nagsalita, "I love you too, Bliss Syden." at mahigpit nilang niyakap ang isa't isa, "Thank you for keeping your promises, thank you for protecting me, thank you for loving me, thank you for choosing me, thank you for everything...muffin." pahayag niya dito, "No, sweetie. Thank you for being my life. Without you, I'm nothing." sagot nito at mas humigpit pa ang yakap nila sa isa't isa.

"I still have something to tell you." humiwalay si Dean sa pagkakayakap nila at tinignan si Syden. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat nito, "Sweetie, they didn't rape you." he confessed na ipinagtaka ni Syden, "W-what?"

"It's true. They were threatened by Savannah but they told me the truth. You were drugged but had never been raped." paliwanag niya na muling niyakap si Syden, "Believe me. It's true so you don't have to worry anymore." may kung anong bigat ang tila nawala sa pakiramdam ni Syden kaya kahit hindi siya makapaniwala, nakaramdam siya ng tuwa.

Sabay silang napalayo sa isa't isa nang biglang may maalala si Syden, "B-but how did it happen? Hindi ba sinaksak mo ako sa harap ni Savannah? H-how come-- "

"I didn't really stab you." natigilan siya sa sinagot ni Dean, "P-paanong hindi-- "

"May hawak akong kutsilyo but I didn't really stab you, sweetie. I stabbed you secretly using a syringe na ginawa ni Fortune para sa plano. We knew that Savannah would make me kill you. That syringe would make you vomit blood and it would fake your death."

"Pero ramdam ko ang sakit."

"Because it was all part of the show. It was really effective on you kaya mas gumana pa ang plano." kahit hindi pa talaga maintindihan ni Syden, tumango na lang ito hanggang sa mapatingin sila sa pintuan nang buksan ito ng Raven, "Dean, Nashielle and Ms. Freud are here." nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ni Raven kaya mabilis silang bumalik sa kwarto ni Dean.

Pagpasok nila, nadatnan nila sina Stephen at Caleb na hinanap sina Nashielle at Ms. Freud. Isinara ni Dean ang pinto habang naghihintay ang lahat sa pagsasalita ng dalawa.

"The president already told me everything." saad ni Nashielle, "My boyfriend Zorren and my brother Nash already died getting their revenge against Claude dahil sa pag-aakalang namatay ako." saad nito at bakas ang kalungkutan sa mga mata niya, "What about Zorren's brother? Si Julez?" tanong niya na tinignan silang lahat ngunit sabay-sabay silang napayuko at nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.

"T-talaga bang patay na din siya?" tinignan siya ni Dean at kitang-kita niya sa mga mata ni Nashielle ang pagiging matapang na nagawang pigilan ang mga luha niya na gustung-gustong bumagsak, "It's all true." sagot ni Dean kaya napalunok si Nashielle at napatango, "I'm sorry." dagdag pa ni Dean na ikinailing niya.

"Don't be, Vipers. It happened...at kahit gustuhin kong makita sila hindi ko na magagawa."

"P-pero paano mo nagawang makalabas?" tanong ni Dave kaya napatingin sila kay Nashielle. Tinignan naman ni Nashielle si Ms. Freud kaya nalipat sa kanya ang tingin ng lahat.

"I'm sure na nasabi sa inyo ni Zorren kung paano pinatay ni Claude si Nashielle. Ang alam ng lahat namatay siya nang sumabog ang isang kwarto kung saan nila siya pinagsamantahalan...pero bago pa man sumabog 'yon, nailabas na ni Lim si Nashielle sa kwartong 'yon habang wala itong malay. Habang nagkakagulo ang lahat, nagawa siyang mailabas ni Lim ng pasikreto sa eskwelahang ito through the wall na walang nakapansin sa mabilis na pagbubukas nito..she believed na kung makakalabas si Nashielle, may pag-asang siya rin ang maglalabas sa lahat ng nandito." tinignan ni Ms. Freud si Nashielle.

"Pero paano sila nakalabas nang hindi nalalaman ni Mr. Wilford?" tanong ni Roxanne.

"That's why Lim really tried to gain Mr. Wilford's trust...para mailabas ang mga estudyante dito. Mr. Wilford gave her the access of the wall noong araw na 'yon dahil kinailangan niyang umalis for a business matter. That's when Lim took the opportunity to secretly save even one. Mahihirapan siya kung palalabasin ang lahat ng estudyante kaya si Nashielle muna ang inilabas niya...and she also thought that Nashielle would be a big help kung sakaling makaligtas ito."

"At paano nakapasok si Nashielle dito?" tanong ni Syden. Nagkatinginan sina Ms. Freud at Nashielle bago sinagot ang tanong niya, "Through underground..." sagot ni Nashielle na ipinagtaka nila.

"I know you are familiar of that room which connects Heaven's Ward and Curse Academy, right? Doon muna kayo dinala bago kayo ipinatapon dito? Well, that room is already gone. Wala ng iba pang paraan kaya pinili kong dumaan sa ilalim. Under the walls, punung-puno ng napakaraming kable ng kuryente. I thought that cutting the right cable could provide me a way na hindi madedetect ni Mr. Wilford at walang magiging epekto sa mismong wall even its own electric barrier. When I woke up, that was already the plan. We had to dig the ground secretly every night habang abala din ako sa pag-aaral ng iba't ibang klasi ng kable. Good to know that my sacrifices had not been wasted kaya nakapasok ako. I had to immediately cut them but reassuring that it wouldn't fail or else mamamatay ako."

"Bago pa man mamatay si Lim, napag-usapan na nila ng heneral ang totoong nangyayari dito sa loob. At first, hindi naniwala ang heneral dahil matalik niyang kaibigan sina Augustus at Arthur pero sa huli nagawa niya ring maniwala." saad pa ni Ms. Freud.

"Can't we just take that path again to escape?" tanong ni Raven na muling sinagot ni Nashielle, "I might have manage to come in safely pero hindi na natin matatahak pa ang daan na 'yon dahil binabantayan na rin 'yon ngayon ng mga dark eagle. Tinabunan na nila ang daan kaya hindi na natin mahuhukay pa at matatagalan pa kapag nangyari 'yon."

"Then magtulung-tulong tayo para mahukay ulit ang daan." saad ni Dave na ikinailing ni Nashielle, "We can't take that long or else we're all going to die. Didn't he warn the students?" tanong pa niya na mas ipinagtaka nila.

"About what?" tanong ni Clyde na nakatayo malapit sa pintuan at nakakibit-balikat, "The timer of the explosive wall has started."

"What does it mean?"

"Alam niyang gagawa at gagawa ng paraan ang mga estudyante para makatakas kaya niya ipinadala dito ang dark eagle society para patayin sila at siguraduhin na walang makakatakas. After that, the dark eagle itself doesn't even know na mamamatay rin sila dahil sa pagsabog na magaganap. Mr. Wilford started the timer kaya mabilis rin akong ipinadala dito ng heneral para patakasin kayong lahat kasama si Felicity, kapag hindi tayo agad nakalabas, this whole place will explode."

"For how long?" tanong ni Dean na muli ikinailing ni Nashielle, "It is not just a timer...pwedeng bumagal ito at pwede ring bumilis. Kaya kailangan nating mapatay lahat ng miyembro ng dark eagle dahil siguradong gagawa sila ng paraan para magkaroon ng koneksyon kay Mr. Wilford. Kapag nalaman ni Mr. Wilford na nagkakagulo dito, bibilisan niya ang timer para mapatay tayo."

"Matagal niyo na po bang alam ang tungkol dito, Ms. Freud?" tanong ni Syden kaya tumango siya, "Nahiwalay ako sa inyo simula noong muling magsara ang wall at napunta kayong lahat sa iba't ibang building. Alam ni Augustus na naiwan ako dito sa loob at kasabwat ako ni Lim kaya noong pinapasok niya ang dark eagle, ako ang pinakaunang pinapapatay niya but I knew that Nashielle would come once she wakes up and I have to help her dahil alam ko na rin ang plano noon ng heneral kaya itinago ako ng presidente ninyo." Fortune Beatrice she meant.

"Talagang mabait pala ang presidente?" wala sa sariling saad ni Syden.

"So what we're going to do now?" tanong ni Stephen.

"We have to escape through the wall's weakest part but before that, kailangan nating ubusin lahat ng miyembro ng dark eagle. Kahit wala na silang koneksyon kay Mr. Wilford, tapat pa rin sila at susunod sa utos na patayin tayong lahat. Magiging sagabal sila sa pagtakas natin." nagkatinginan silang lahat bago ibinalik ang tingin kay Nashielle, "Then let's do it habang hindi pa huli ang lahat." saad ni Caleb kaya nagsitayuan ang iba.

Napatingin naman sila sa labas nang sumalubong si Icah sa kanila pagkabukas ni Dustin sa pintuan. Hinihingal ito at pinagpapawisan, hindi rin maipinta ang kalungkutan at labis na pag-aalala sa mga mata nito, "Icah? Anong ginagawa mo dito?" nilapitan siya ni Syden kaya napatingin siya dito. Lumapit na rin si Raven, "I-it's Fortune." saad nito kaya't nagkatinginan silang lahat.

Lumapit naman sina Nashielle at Ms. Freud sa kanya, "What happened?"

"Follow me." hindi mapakaling sambit ni Icah na tinalikuran na sila kaya hindi na rin nagdalawang-isip na sumunod ang dalawa, "Maiwan muna ang iba dito." saad ni Dean na sumunod na rin sa kanila hanggang sa napatingin siya kay Syden nang hawakan nito ang braso niya, "Sasama ako." hinawakan niya ang kamay nito at pareho silang umalis. Wala na ring nagawa ang iba kundi ang hintayin silang bumalik.

To be continued...

Related Books

Popular novel hashtag