♡ Author's POV ♡
...FLASHBACK....
Narinig ng presidente ang pagbukas ng pintuan sa likuran ng secret room kaya alam niyang dumating na ang pinakahinihintay niya, "You're 1 hour and 13 minutes late, Savannah." pahayag niya dito. Isinara ni Savannah ang pintuan at umupo sa harap ni Fortune, "Sorry, miss president. I had to deal with something. So what's the matter? Bakit biglaan mo akong pinatawag?" nagtatakang tanong nito dahil ito ang unang beses na ipinatawag siya ng presidente.
"Well, alam mo naman kung ano ang usap-usapan ngayon sa Curse building, right?" sumandal ito sa kinauupuan niya at maayos na ipinatong ang mga kamay niya sa arm chair kaya't sandaling napaisip si Savannah sa sinabi niya, "Is this all about Dean Carson?" tanong ni Savannah.
"Exactly. Dean Carson has been the target of everyone now and he's our only key to end everything easily. We can't lose him that's why I had to save him because he was almost killed." pahayag ni Fortune.
"So where is he now, miss president?"
"I brought him here. He's been isolated inside the abandoned clinic at the ground floor. For now, that's the safe place for him." pahayag ng presidente. Masamang napangiti si Savannah at sumandal sa kinauupuan niya, "Then why are you saying this to me, miss president? You're planning something, right? Kaya mo ako pinatawag dito?" bahagyang lumapit ito kay Fortune with full curiosity, "So tell me what is it?" natutuwang tanong nito.
Two demons, in one cage.
Napatingin ito sa lamesa nang may ilagay dito ang presidente. Nakita ni Savannah ang isang maliit at kulay puting bote. Kunuha niya 'yon at maayos niya itong tinignan. Nabasa niya rin ang mga label na nakalagay dito. Nang tignan niya ang harapan nito, nakita niya ang pangalan at doon niya napagtanto na gamot ang hawak niya kaya nagsalubong ang kilay nito, "Naproxen?" tanong nito kay Fortune.
"Isn't this the right medicine for Dean Carson? To prevent his migraine?" nagtatakang tanong pa nito, "You're right and that's the last one...I need you to quickly get rid of it." nang sabihin 'yon ni Fortune ay nanlaki ang mata ni Savannah at nabigla sa narinig niya, "What?!"
Kahit nakamaskara ito, diretso ang tingin niya kay Savannah, "You like him, don't you?"
"And so?" sarkastikong sagot nito sa presidente.
"Ayaw mo bang makuha siya?" dahil sa sinabi ni Fortune ay mas lalo pang nagtaka si Savannah, "As if I could do that, miss president. We both know that it won't ever happen."
"And what makes you think that it won't happen when there's only one way to make it all happen?" pabalik na tanong naman nito na sandaling nakapagpatigil kay Savannah, "W-what exactly are you planning?" tanong pa nito.
May ipinatong ulit na maliit na bote ang presidente sa lamesa kaya napatingin doon si Savannah. It was a black bottle. Mas maliit ito kumpara sa boteng hawak niya at nanlaki na lang ang mga mata nito nang unti-unti 'yong inilapit ni Fortune sa kanya. She exactly knew what was inside that bottle, "This is your only chance, Savannah. Use this to make him believe everything that you will say so that we could be able to control him." pahayag ni Fortune.
"Tell me what's the plan, miss president?" tanong nito sa kaya masamang ngumiti ang presidente sa likod ng suot nitong maskara, "We're going to deceive everyone and make him our weapon."
Ang tagal kong hinintay ng pagkakataon na mapunta siya sa akin. I knew exactly that it wouldn't happen pero kung ito ang tamang pagkakataon, saad nito sa sarili niya kaya, "Fine. I'll do as you say." sagot niya sa presidente kaya masamang ngumiti ang dalawa.
"Huwag mo 'kong biguin, Savannah. I don't like failures." tumayo si Savannah at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa upang lapitan ang presidente, "I could only say na pinili mo ang tamang tao para sa mga plano mo, miss president." saad nito na masamang ngumiti. Maayos siyang tumayo at kinuha ang itim na bote habang nakatingin pa rin sa presidente. She was holding two bottles, one that has to be destroyed and one that is useful. Tinalikuran na niya ito kaya bumukas muli ang pintuan ng secret room na mabilis ring nagsara nang makalabas siya.
...END OF FLASHBACK...
Napangiti ng masama ang presidente nang maalala niya ang nangyari habang nasa secret room siya at nakaupo. Napatingin siya sa pintuan na nasa likuran nito at nakitang pumasok si Phoenix. Tinapon pa nito sa labas ang sigarilyong nasa bibig niya bago isinara ang pintuan.
Umupo si Finn sa harapan nito habang nakatingin sa kung saan, "So how's the plan going?" tanong ng presidente kaya tinignan siya ni Finn at ngumiti ng masama, "Everything is going well according to the plan, miss president." sagot nito kaya muling napangiti ng masama ang presidente habang nakakibit-balikat.
"Galit na rin ang lahat kay Dean and I'm sure that his group will plan to kill him pagkatapos ng ginawa niya kay Syden. It's been three days since it happened."
"Wala naman tayong magiging problema, in fact we really planned all of this from the start. I'm really sure na hindi tayo papalpak...just follow the plan and nothing will happen. Iilan lang tayo na nakakaalam sa plano and we need more people para hindi masayang ang lahat ng pinagpaguran natin." dahil sa sinabi nito ay nagsalubong ang kilay ni Finn, "What do you mean? Ang akala ko ba tayo lang dapat ang nakakaalam nito?" tanong niya.
"We cannot move easily kung hindi tayo hihingi ng tulong, Phoenix. Let's deal with the people outside this building first before we deal with our own enemy."
Dahil sa sinabi nito ay hindi maiwasang mapaisip ni Finn kaya pagkalipas ng ilang segundo, nanlaki ang mata nito sa pagkabigla nang may maalala siya at unti-unting naintindihan ang sinasabi ni Fortune, "Don't tell me...you're planning to kill him?" naguguluhang tanong nito na ikinatango naman ng presidente, "He is a big threat to our plan, that's why kailangan natin siyang maunahan bago niya malaman ang totoo or we're all gonna be ruined."
Kung plano talaga ng presidente na patayin ang lalaking 'yon...tanong ni Finn sa sarili niya, "Then how? Hindi ba tayo mahihirapan? He is one of us, marami siyang alam tungkol sa atin." tanong pa ni Finn. Lumipas ang ilang segundo bago nagsalita si Fortune, "Tingin mo ba umpisa pa lang hindi ko na naisip 'yan? That's why we need assisstance in order to kill him."
"Alam kong naguguluhan ka Finn, but don't worry..." dagdag pa ng presidente na tumayo at binuksan ang maliit na drawer na nasa ibaba ng lamesa nito. Nakita ni Finn ang singsing nitong kulay ginto at may disenyong agila nang kunin 'yon ni Fortune. Isinuot 'yon ng presidente sa daliri nito kaya napatingin si Finn sa kamay niya. All officers including students who are secretly helping the officers have the same ring. A gold eagle.
Pagkatapos niyang suotin ang singsing ay maayos niyang tinignan ito bago hinarapan si Finn, "Follow me." saad nito na naglakad na papalabas ng secret room kaya kahit naguguluhan si Finn ay sumunod na rin siya.
Hindi nagtagal ay napansin na lang ni Finn na pumasok sila sa library at pumunta sa pinakadulo kung nasaan ang records' office, "What are we exactly doing here?" tanong niya na tintignan ang paligid. As far as I know, wala na kaming dapat pa na puntahan dito. Saad nito na naguguluhan ngunit hindi siya sinagot ng presidente.
Nang makapasok sila sa records' office. Napansin nito na may tatlong babae na nakaupo sa harap ng lamesa ngunit hindi niya mamukhaan dahil nakatalikod sila sa kanya. Diretso naglakad ang presidente papunta sa harap ng tatlo kaya sumunod rin si Finn sa kanya. Nang matapatan niya ang tatlo ay bigla itong natigilan sa paglalakad hanggang sa dahan-dahan siyang pumunta sa harapan habang nakatingin sa kanila nang makilala niya ang mga ito at mas ikinabigla niya pa ang pangyayari nang sabay-sabay nila siyang tignan, "W-what is the meaning of this?" hindi makapaniwalang tanong nito kaya napatingin sa kanya ang nakakibit-balikat na si Fortune.
T-this can't be...h-how did this happen? Tanong nito sa sarili niya na tila nanigas sa kinatatayuan niya.
"As I've said, they're going to help us. Hindi natin sila kalaban, actually they are one of us but they want to keep themselves hidden from everyone." pahayag ni Fortune na nakatingin sa tatlo.
"For your information, Fortune Beatrice...we were part of the society and the position is all yours now. Matagal na kaming umalis that's why you can't tell him that we still belong to the organization." sagot ng isa sa presidente.
"Really? But we came from that organization at lumaki tayong magkakasama. That's why you can't deny that you still belong there whether you like it or not. You are still one of us." saad ng presidente na ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa para lapitan silang tatlo habang nakatayo pa rin siya at nasa gilid naman niya si Finn.
"Enough with this. Ano ba talagang gusto mo at ipinatawag mo kami dito?" naiiritang tanong ng isa.
"We're running out of time. I need you to do your part now." saad nito na tumayo ng maayos kaya pinagtaasan nila siya ng kilay habang nakakibit-balikat ang tatlo na nakaupo. Don't tell me na magkakapatid ang tatlong 'to? Tanong ni Finn na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita niya.
"And do you think that we're going to help you?" tanong ng isa sa presidente.
Kinuha ni Fortune ang upuan sa likuran nito at umupo sa harapan nila kaya nagkatapatan silang apat, "Why? Hindi naman kayo pupunta dito kung hindi kayo papayag sa gusto ko, right?" sarkastikong tanong nito at nang hindi sila nakasagot ay sumandal si Fortune sa upuan nito.
"Then tell us what we need to do."
Inilahad ng presidente ang kamay niya kay Finn na ipinagtaka nito ngunit agad niya ring nakuha ang ibig sabihin ni Fortune. Iniabot niya sa presidente ang iilang mga litrato na ipinahawak sa kanya bago sila pumasok sa library. Nang makuha 'yon ni Fortune ay agad niyang inilapag sa harapan ng tatlo ang mga litrato kaya kumuha sila ng tig-isa at maayos 'yong tinignan, "I need you to kill him " sabay-sabay silang napatingin sa presidente nang may pagtataka.
"What for? Hindi ba isa siya sa mga officers?"
"Exactly. That's why I need you to end his life now because he is a big threat." sandaling napatingin muli ang tatlo sa litrato bago ibinalik ang tingin sa presidente, "Are you sure that killing him would make your plan more effective?" paninigurado ng isa.
"His disappearance would largely contribute to my plan, three eagles. That's what you have to do and I'll take care of the rest." sagot ng presidente kaya nagkatinginan ang tatlo.
"When do we have to do it?"
"As soon as possible, just tell me whenever you're ready. Don't dissappoint me...Icah." pahayag ni Fortune habang diretso ang tingin sa kanila. Tumango si Icah kaya ganon na rin naman ang ginawa ng dalawa, "Leave it to us." pagkatapos noon ay nagsitayuan na sila para talikuran siya.
"You forgot to tell me that you are keeping a friend in your room." nang marinig nila 'yon ay natigilan sila at napaharap sa kanya, "Kai, isn't it?" tanong pa nito kaya nagkatinginan ang tatlo.
"What do you want from her?" seryosong tanong ni Icah.
"I don't want anything from her but you, would surely be needing her especially when she finds out about her missing brother." dahil doon ay nagsalubong ang kilay ng tatlo, "What do you mean?"
"Didn't she tell you? Should I say that she's been lying to you all this time? Her name is not Kai."
Napakuyom ng kamay ang tatlo kaya muling nagsalita si Icah, "What? Kung ganon sino siya?"
"I'm really sure that you've heard this before in other building but her true name is Felicity del Haughton. You might kill her but please don't...lahat ng narinig niyo tungkol sa kanya ay pawang kasinungalingan. She came here with Sean Raven finding her missing brother."
"What did you just say? Missing brother?" tanong pa ni Icah.
"It's Xyrone Grover. Hinahanap niya ang kuya niya kaya pinili niyang itago sa lahat ang tungkol sa pagkatao niya dahil kapag nalaman nilang nandito siya sa building natin, for sure they would kill her because of those rumors."
"Kung hindi totoo lahat ng narinig namin tungkol sa kanya..." pagsasalita ni Maureen na halatang nag-iisip ng malalim bago niya tinignan si Fortune, "Then who made those rumors?" nagtatakang tanong nito.
"Who do you think?" pabalik na tanong naman ni Fortune kaya nagkatinginan ang tatlo bago siya ulit nagsalita, "Sylvester de Vera."
"At bakit naman niya gagawin 'yon?" -Maureen.
"It was a command from Mr. Wilford. Tingin niyo ba gagawa kami ng hakbang nang hindi niya nalalaman?" sagot ng presidente kaya napangiti ng masama si Icah.
"That's exactly what you are doing, right? Kumikilos ka ng patago?" napangiti na lang ng masama ang presidente ng sabihin ni Icah 'yon, "Kaya nga nandito kayo hindi ba? Dahil alam niyong kapag tinulungan niyo ako, aayon ang lahat ayon sa mga plano ko at gusto niyo ring mangyari 'yon kaya kayo pumayag sa gusto ko? To kill him? Otherwise we're all gonna die." pahayag ng presidente.
"We're doing this dahil sawang-sawa na kami. Siguraduhin mo lang na hindi papalpak ang plano mo, miss president." may pagbabantang saad ni Hadlee.
"I assure you, three eagles...especially now that Xyrone Grover is under my control." nang marinig nila 'yon ay nabigla sila dahil sa panibagong sikreto na nalaman nila, "Please keep Felicity's secret for now and don't tell her anything about her missing brother."
"Kaya ba dinala mo sa Death building si Sean Raven? Dahil kay Felicity?" tanong ni Maureen. Kahit nagsinungaling si Raven sa kanila, they knew exactly what happened pero nanahimik sila.
"Everything was planned from the start." sagot ni Fortune habang nakangiti ng masama.
Sinamaan nila ng tingin ang presidente at mabilis siyang tinalikuran kaya umupo naman si Finn sa harapan ni Fortune kung saan nakaupo ang tatlo kanina, "Savannah may think that he has Dean Carson, while me..." ngumiti pa siya ng masama at mahinang nagsalita, "I have Xyrone Grover on my side." tinignan niya si Finn at masama din itong ngumiti habang nakatingin sa presidente.
Another secret that must not be revealed.
To be continued...