"M-MOMMY? D-dady," nautal kong wika sa kanila. Panaginip ba ito? Na transport din ba sila sa mundong ito? Kinurot ko ng lihim ang aking tagiliran. Geez! Masakit! Impossible, matagal na silang patay. Dinalaw ko pa nga ang puntod nila.
Nakatuon din ang mga mata nila sa akin. Parang nangungusap na di ko mawari. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Hindi ko alam kung gaano na kalaki ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang gulat. Pero wala akong pakialam. Miss na miss ko na sila. Medyo sumikip ang dibdib ko. Napatingala ako ng maramdamang parang may namumuo ng luha sa aking mga mata - pero biglang umurong ng may maramdaman akong matigas na bagay na binato sa akin.
"Aw!" Nausal ko bigla ng may tumamang bato na naman sa likod ng ulo ko. Napahawak ako doon. Nilingon ko sila at pinanliitan ng mga mata. "Ano bang problema niyo!"
"Anak…" ani ng mag asawa sa akin. Tinawag nila akong anak? Hinawakan ako ng matandang babae sa aking kaliwang kamay. Malungkot ang mga mata nito. "Bakit ka bumalik? Sinabi na naming lumayo ka na sa lugar na ito dahil di pa nila nakita ang mukha mo."
"Tama ang iyong ina anak. Paano ka namin ngayon maililigtas? Napakarami nila," sabi sa akin ng matandang lalaki na hinawakan ako sa balikat. Gaya ng kanyang asawa, may bahid na lungkot ang boses nito. "Patawarin mo kami anak, kung ipinanganak ka naming pangit." Aniya. Nakayuko ito at biglang may mga butil na mga luha ang nahulog sa sahig.
Umiiyak ito? Naikuyom ko ang aking mga kamay. Pati ba naman dito mawawala rin sila sa akin? Malinaw na hindi sila ang mga magulang ko na nasa Earth. Pero hindi rin ako papayag na mawala sila. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Takot na baka bigla silang maglaho sa aking harapan. "Hindi ko kayo iiwan. Walang iwanan," wika ko.
"Narinig niyo ba iyon mga kasama?! Ang babaeng pala ito ang anak nila!"
"Hindi imposible iyon. Kaya pala di natin nakikita ang kaniyang mukha dahil sagad sa buto ang kapangitan!" Panglalait ng isa sa akin na mas pangit pa ata sa akin. Di ba siya nahiya? Tch.
"Teka- diba siya yung babaeng nabangga natin kanina?" Guy 1. Kulay yellow ang buhok at may itsura. Namumukhaan ko siya. Isa siya sa limang lalaki kanina na may dalang gas!
"Oo nga!" Sang ayon ng apat niyang mga kasama. "Kung alam ko lang, sana doon palang nilibing na natin siya ng buhay!" Dagdag pa nito.
Hindi ba sila kinilabutan sa pinagsasabi nila?! Waaaah! Baliw na talaga sila! Ayaw ko na dito! Mas lalo pa akong nataranta ng tinapon nila ang gas sa taas ng bubong, sa sahig, at sa amin. Mas lalo pa akong nataranta ng mapansin kong suminyas ang isa na sinindihan na ang sulo at itapon sa bahay.
Napamura ako at mabilis na hinila ang mag asawa papasok sa loob ng bahay. Ni locked ang pinto. "Kailangan nating makalabas sa ibang labasan. Wala ba kayong secret door?" Tanong ko.
Napakusot ng mata ang matandang lalaki at umiyak. Biglang naging parang babae ito.."Huhuhu, di ko aakalaing naging responsable ka ng anak. Pinagmamalaki ka namin," Aniya. Umiyak narin ang asawa nito.
Eh? Mag iiyakan nalang ba tayo dito?! Paalala ko lang! Masusunog tayo ng buhay pag di tayo naka gawa ng paraan upang makalabas sa bahay niyo! Gusto ko sana silang sermunan, pero wag nalang.
Sa tingin ko. Nabuhay ako sa katawang ito. Pero sila parin ang naging magulang ko. Umiiyak ito dahil masaya sila. Ayaw ko iyong putulin. Hinayaan ko nalang ang mga ito sa kanilang pag iyak.
Napahawak ako sa ilalim ng aking baba. Pababalik balik sa paglakad. Nag iisip ng solution upang di kami ma barbeque.
"Shit!" Napamura ako ng wala sa oras ng biglang nagliyab ng malaki ang bubong. Nagsimula ng uminit ang buong paligid ng bahay. Sinapak sapak ko ang noo ko upang makaisip ng plano. Pero blanko. Wala akong maisip!
Napatigil ako ng niyakap ako ng mag asawa. Nakaramdam ako bigla ng kapanatagan sa kanila. "May paraan pa," ang matandang lalaki ang nagsalita. Nginitian nila akong dalawa. Napangiti narin ako. "Ano po iyon?" Nangingislap kong wika.
NAG-ALAY muna ako ng panalangin saka tumayo sa pagkakaupo. Ilang oras din ang ginugul ko upang magawaan ko sila ng maayos na puntod. May kalayuan ng kaunti sa kanilang tahanan na sinunog ng mga walang awang mga taong iyon!
Nagtagis ang aking bagang sa isiping kung paano sila sumisigaw sa loob ng bahay at tiniis ang apoy na unti unting lumalamon sa buo nilang katawan.
Tatlo ang katawan na aking nakita na sunog na sunog at halos di na makilala. Alam kong di ako iyon dahil buhay pa ako. Naalala ko na may kapangyarihan pala ang ilan sa mga taong nabubuhay sa mundong ito. Malamang may kapangyarihan ang mag asawa iyon. Ibidensya na ang katawan na sunog na hindi naman ako.
Ang huli ko lang naaalala ay ang pagyakap ng mag asawa sa akin. Sinabi nilang may solusyon pa. May paraan upang makaligtas. Pagkatapos nun ay bigla nalang akong nawalan ng malay.
Pagkagising ko ay naka upo na ako sa damuhan. Nakadantay ang likuran sa likod ng malaking puno, may kalayuan sa bahay ng mag asawa.
Sa kakaisip ko ay di ko namalayan na may isang butil ng luha mula sa aking mata ang dumaloy sa aking pisngi. Napatawa ako ng mapakla. Ang saklap…bigla rin silang kinuha sa akin! Pati ba naman dito?
Pinangako ko sa kanila na hindi ko sila iiwan. Pero sila naman ang gumawa ng paraan upang iwan ko sila. Niligtas nila ako. Namatay sila ng dahil sa akin. Ang hindi nila alam, hindi naman talaga nila ako anak.
Alam ko na ngayon na magkamukha kami ng anak niya. Na reincarnate nga talaga ako. Magkamukha rin kami ng makita ko kanina ang aking mukha sa screen.
Bakit di ako sinabihan ng Litlit na iyon na binuhay niya ako sa ibang katawan? Kung di pa ako mag isip, di ko pa malalaman.
Tumalikod ako at nilisan ang lugar. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Panigurado. Pag nakita ako ng mga taong iyon na sumunog sa mag asawa ay iisipin nilang buhay ako dahil s mukhang ito na puno na tigayawat na sobrang laki.
Paano ko ba ito matatanggal? Hindi nila ako pwedeng makita na ganito at baka isipin nilang nabuhay muli ang malas. Pinunit ko ang gilid ng aking damit sa bandang hita at kumuha ng ilang inches na tela.
Ginamit ko iyon upang gawing masked. Ngayon, mata nalang ang kita sa akin at noo. Ang parte kung saan ang makinis. Maganda ang aking mga mata, kaya iisipin rin nilang maganda ako. Simula ngayon, ganito muna ang aking pormahan. Kung may gunting ako, naayos ko sana ang pagkakaputol sa tela.
[Name: Cloe Madrigal
Race: Human
Level: 1
Power: ___
Points: 20]
Biglang bumukas ang transparent na screen sa aking harapan kaya napahinto ako sa paglalakad. May napansin akong pangalang store na ngayon ko lang nakita.
Pinundot ko iyon at nag scroll down. Naagaw ng atensyon ko ang pangalang acne clear at ang price ay 100 points. Napilig ko ang aking ulo. 100 points? May 20 points lang ako kaya hindi kasya.
Teka- paano ako nagkaroon ng 20 points? Pinindot ko ang back. Hinanap ang pangalang mission at kinlick.
[Mission: Pasayahin ang mag asawa- Completed]
Doon ko pala iyon nakuha. Di ko man lang napansin na may mission din pala akong gagawin. Sa ngayon walang mission na nakasaad. Mukhang kailangan ko pang maghintay.
Napapikit ako. Ang kailangan ko ngayon ay bahay na matitirhan. Walang pera,walang damit, walang ligo, walang wala.