Chereads / TRANSPORTED: Searching My Mr Right In Another World (Tagalog) / Chapter 4 - CHAPTER 4: 100 points for 100 carrots, sa loob ng 2 hours!

Chapter 4 - CHAPTER 4: 100 points for 100 carrots, sa loob ng 2 hours!

KUNG sa paglalaro ng games ay may makikita kang HP at MP, sa sitwasyon ko ngayon ay walang HP at MP. Tanging name, race, level, power, points, mission, store, notification lang at yung ini-on ko na Mr. Right sa setting. Sa ngayon, hindi pa kasama ang pag lelevel- up kung may bonus nga kaya.

Sa store naman, hindi madami ang mga item na nakapaskil na pwede mong bilhin sa points na naiipon mo. Pero may bagong item na pumapasok.  Kung magandang item, mas malaki ang points na sinisingil sayo.

Sa ngayon, hindi ko dapat ito iniintindi. Tatlong araw na ang nakalilipas. Hindi ko mahanap ang bayan. Malamang! Paano ko mahahanap ang bayan kung walang magtuturo sa akin!

Sa nakalipas na ilang araw, nagtitiis lang ako sa pagkain ng carrots. Hindi ko alam kung papaanong maraming carrots sa paligid na nakatanim. Ang mga ito ang ginagawa kong pagkain.

At ang tubig naman na iniinom ko ay galing sa system na binili ko sa halagang 1 points ang isang bottle. 5 points na ang nawala sa akin at may natitira pang 15 points. Kung walang mission na lalabas, malamang mauubos na ito.

Humiga ako sa damuhan ng naka-unan ang aking kaliwang braso. Naka-tingala sa taas at pinagmamasdan ang ulap. Saang lupalop ko hahanapin ang Mr Right ko, kung dito palang ay hindi na ako makaalis.

"Status," wika ko at lumabas ang screen na ako lang ang nakakakita. What a cheat system. Sa pamamagitan nito baka masakop ko ang kanilang mundo - mabilis kong binatukan ang aking ulo.

Ang dumi ng utak ko! Bakit ko naman sasakupin ang mundo? Lumuwag na ata ang turnilyo ng aking utak dahil di ako makaalis sa lugar na ito. Di gaya sa previous life ko, napakainit. Mabuti nalang tamang tama lang ang klima sa kapatagang ito.

Napaupo ako luminga linga sa paligid. Para akong isang tanga sa sitwasyon ko ngayon. Kasabay ng pagdaan ng medyo may kalakasan na hangin sa aking katawan, ngayon ko lang napagtanto na parang ako nalang ata ang nabubuhay sa mundong ito. Yung tipong isa akong papel na pwede ng liparin ng hangin. Na trap ba ako sa isla? Hindi naman eh.

Nasa isang patag na lugar, at ako lang mag isa? Napangiwi ako. Swerte na ba ako ngayon? Kung bakit ko natanong ay dahil wala pang lumalapa sa akin na mga mabangis na hayop.

Dahil walang bahay akong makita kahit isa. Nagtitiis nalang ako sa damuhan kasama ang mga lamok na palihim akong kinakagat. Namumula pa nga ang ilang parte ng aking balat. Saklap. 😑

Buhay  nga naman! Nandoon na yun eh! Nakaalis na nga ako sa gubat na iyon, pero napadpad naman ako sa malawak na damuhan. Maghihintay nalang ata ako na may dumaang tao sa lugar. At pag nangyari iyon, magpapasama ako sa kanya papuntang bayan.

Naitakip ko ang aking palad sa aking mukha. Hahahaha! Parang akong baliw na tumatawa mag isa dahil sa naiisip. Tumunog na naman ang tyan ko dahil  sa gutom.

Oo nga naman! Baka magkatotoong mabaliw na ako sa lugar na ito pag di pa ako makakita ng isang tao man lang!

Biglang akong nagkaroon ng notification. Kinclick ko iyon at nakasaad na may mission ako. Binasa ko ito.

"Mission: Kumain ng 100 carrots na katumbas ng 100 points sa loob ng 2 oras."

WTH! Seryoso ba ito?! 100 carrots sa loob ng 2 oras?! May balak ba itong patayin ako? Langya! Para akong pinaglalaruan sa sarili kong system na binigay sa akin!

Tumayo ako at pinagsusuntuk ang screen kahit wala akong natatamaan. Yung tepong parang nag bo-boxing lang ako sa hangin? Waaah! Hindi ko maiiwasang mainis! Maniniwala pa ako kung 24 hours!

Sa ibaba nito ay may nakasulat na accept or reject. Nanlumo ako. Reject? May magagawa pa ba ako? 100 points…tamang tama iyon upang makabili ng acne clear, nang sa ganun ay mawala ng naglalakihang tigayawat na ito!

Ugh! As if namang may ibang paraan! Sa huli, pinindut ko ang [Accept].  Yung mukha ko parang nanakawan. Kulang nalang maging lantang gulay. Para na akong masusuka kahit hindi pa ako nagsisimulang kumain.

Napahawak ako sa bibig ko. *bwak!* Napayuko ako at napahawak sa sikmura ko. Nasuka na nga  ako. Kakayanin ko ito! *bwak!* Yikes! Huhuhu *sobs* sa tanang buhay ko ngayon ako napasuka ng ganito!

"For the sake of my acne clear! Mission Accepted!" Sabay taas ng aking kaliwang kamay sa taas. Pero nasuka na naman ako. What the hell!

MANGIYAK NGIYAK kong hinukay ang isang carrot sa lupa na kukumpleto sa pang isang daang carrots na makakain ko.

Gusto kong isuka lahat ang nakain ko. Pero kinalma ko ang aking sarili at nag inhale at exhale. Hindi ko hahayaan na masayang ang 99 carrots na nakain ko na. Malaki na nga ang tyan ko at pwede na nila akong mapagkakamalakang buntis sa lagay kong ito.

May isang minuto nalang ang natitira  sa akin. Pag hindi ko pa binilisan sa pag lamon ng carrots na ito, baka magbigti na ako! Matagumpay kong nahukay ang carrots at naialis sa lupa. Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay saka nilantakan.

Kanina ko pa iniisip ang mga carrots na ito, na letson sila, ng sa ganun hindi umikot ang paningin ko. 30 seconds nalang ang natitira. Mas lalo ko pang binilisan sa pagkagat, pagnguya at paglunok. 5 seconds at 1/4 nalang ang natira sa carrot ko! Mukhang mauubusan na ako ng oras!

Hindi pwede ito! Hindi ako papayag na matatalo ang ng mga carrots na ito! Pinasok ko lahat bigla sa aking bunganga, nginuya. Yung tipong isang buwan na walang kain? Ganun!

Hindi pa ito gaanong nadudurog sa aking mga ngipin, pero nilunok ko na!

*Ting!* [Mission: 100 points for 100 carrots, time limit 2 hours- Completed]

Yes!

Bigla kasing may tumunog saka may lumabas na transparent na screen sa aking harapan. Binasa ko iyon, at mission complete! Napatingin ako sa aking points na nasa taas ng screen sa kanan. Habang ang isanv kamay ay nakahawak sa aking tyan. May 105 points na ako dahil ang 10 points ay binili ko System store ng tubig.

Napa hawak ako bigla sa aking dibdib ng maramdam ko na parang di ako makahinga. Shit! Napamura na ako ng wala sa oras dahil napagtanto ko na nabulunan  na pala ako ng wala sa oras!

Pinagsusuntok suntok ko ang aking dibdib kahit hindi naman ako si Kingkong yung nasa movie.

Nagbabasakali lang naman ako na baka matanggal ito at tuluyang bumaba sa aking tyan. Pero malas! Mas lalo pa atang na stock! *sobs*

Kinuha ko ang bottle mineral na may kalahating tubig pang natira. Mabilis ko iyong ininum, pero langya! Hindi parin natanggal.

Parang natakpan na ang daluyan ng aking hangin. Waaaah! Mukhang dito na ata ako mamamatay! Naitukod ko ang aking kanang kamay sa damuhan.

Oo nakaupo ako ngayon. Pero dahil, parang dumidilim ang talukap ng aking mga mata, naitukod ko ang aking mga kamay.

Ramdam kong pahina na ng pahina ang aking pulso. Parang di ko na marinig ang tibok ng aking puso dahil sa sobrang hina. Pinindot ko ang screen at hinanap ang store.

Pero hindi ko mabasa kung saan ako pipindot pagkatapos dahil hindi ko na sila mabasa. Malabo, sobrang malabo. Hanggang sa namalayan ko nalang na napasubsub na ang aking katawan sa damuhan.

Para akong lantang gulay na bigla nalang natumba sa pagkakaupo. Kahit anong pilitin komang makagalaw, ay hindi ko magawa. Sobrang pagod na pagod na aking pakiramdam.

Ang nasa utak ko nalang ng mag oras na ito ay ipikit na ng tuluyan ang aking mga mata ng makatulog na ng tuluyan.

Tama…ipipikit ko nalang ang mga ito.

Ipinikit ko na nga at nakaramdam ako ng kapayaan sa aking utak. Himala, dahil wala na akong maramdam na nabulunan ako. What a relief.

Pati tyan ko napagod dahil sa pinasok kong 100 na mga carrots. See you in heaven mga carrots. Sorry kung kinain ko kayo ng sapilitan sa loob lamang ng dalawang oras.

Hanggang sa nilamon na nga ako ng kadiliman...huhuhu, yung acne clear ko, hindi ko pa nabibili.