Chereads / MY HOT HUSBAND / Chapter 2 - CHAPTER 01- Lagi nalang ganito

Chapter 2 - CHAPTER 01- Lagi nalang ganito

CHAPTER 1

"Ya!" Tawag ko kay manang na nasa kusina. Nakabihis na ako ng uniform at papuntang school. Nadatnan ko siyang nagliligpit ng pinagkainan.

"Oh hija..Kakain ka na?" tanong niya sakin. Si yaya lang ang kasama naming mag-asawa sa bahay. Si Yaya Lori ang nagalaga sakin simula nung bata pa ako at hanggang ngayon. Hindi na ako kumuha ng katulong dito sa bahay dahil mas komportable ako kung si Yaya ang kasama ko dito.

"Nasan po si Aal?" tanong ko kay Yaya. Si Yaya lang kasi ang nakakaalam ng tunay na status naming mag-asawa. Kung ano ang nangyayari sa buhay ko araw-araw. Pag umaga kasi laging hindi kami nagkakasabay sa breakfast ni Aal dahil lagi siyang maaga sa opisina. Kaya madalas sa paggising ko kumain na ito o di kaya nakaalis na. Ganyan naman kasi siya lagi sakin para bang iniiwasan ako o parang ayaw lang akong makita talaga? Kung magkakasabay naman kami ay di naman ako pinapansin na para siyang may hinahabol sa subrang bilis ng pagkakain, pero okay lang naman. Mahal ko kasi kaya kaya kong magtiis para lang makasama siya.

Sa sobrang pagtitiis nga, di ko na napansin na isang taon na pala kaming ganito. Kahit na matagal na kaming nakatira sa iisang bahay, hindi naman kami halos nagkikita araw-araw. Minsan lang kami magkasama pag-bumibisita si lolo o mga magulang namin. Lagi rin kasing overtime sa opisina o di kaya naman gabi na kung dumating. Tapos during weekend naman nasa kwarto lang ito o sa study room nagku-kulong. So never pa talaga siyang naglaan ng oras sakin..

"Nasa labas pa siguro hindi ko pa kasi naririnig yung sasakyan niyang umaandar. Bakit pala Elle?" Sabi ni Yaya habang naghahanda ng breakfast ko. Buti at andyan pa yung sungit na yun. Tinalikuran ko na si yaya at naglakad ako palabas.

"T-teka Hija! hindi kaba--" Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Yaya dahil nagtatatakbo akong lumabas ng bahay kailangan ko siyang makausap! Ginagawa ko rin kasi ito pag-nadadatnan ko pa sya sa umaga.

Nasa pintuan na ako ng makita kung nagbubukas ng gate ito.

(*\\\\*) my eyes got dreamy when i saw him wearing the blue suit.

Woaaah! My hot husband! Definitely my HOT HUSBAND!

Napakagwapo niya talaga at napaka hot nito sa suot nitong blue suit. Gwapo na nga lakas pa ng appeal sa mga babae! Ang swerte ko talaga at siya ang naging asawa ko. Minsan ko lang siya nakikita sa umaga kaya I'll take this oppurnity to stare at him like this. Nakatitig parin ako sa kanya ng napatingin rin siya sa akin. I really like his eyes, yung parang nang-aakit at hinihigop ako papalapit sa kanya at I'm sure mamalayan mo na lang, naiinlove ka na!

Bigla akong Napatingin sa labi nya..

Kelan ko ba ito huling nahalikan?

Hmmm... 🤔

Ahh tama!! Nung kinasal pa pala kami. Dampi lang naman yung nangyaring halikan namin pero tumagos sa puso ko hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa ko.. Syempre naman noh? Yun kaya ang first kiss ko.. >///<

At saka i like him when I first saw him that was why I definitely believed about a saying: Love at first sight.

And after that so called kissed, ilang araw ko rin yung ini-imagine na sana maulit pa ngunit hanggang ngayon wala parin.. Hindi parin nangyayari yun hanggang ngayon..

Siya nga ang first kissed ko pero until now yun pa din ang huling halik na nangyari sa tanang buhay ko.

"Don't stare at my lips!!" iritang sabi niya bigla sakin. Napatingin naman ako sa mukha nya specially on his eyes. Those eyes melted my heart and it breaks through to my soul.

Ang landi ko lang. Hahaha XD

"Ahh.. eh.. I'm not!!! Asa ka naman!" Nahimasmasan naman ako sa sinabi niya. Nahiya ako bigla baka isipin pa niyang pinagnanasaan ko siya (kahit yun din naman ang totoo) XD

Nakatungo ako habang papalapit sa kanya. Nakatayo sya sa tabi ng kotse sa may driver's side.

"What do you need?" tanong niya. I think he's really irritated with my presence. Ganito na talaga siya pagkinakausap ko. You can even feel the words he would say. 

"Pwede ba akung makisabay sayo?" tanong ko. Lagi naman ako ganito sa kanya pag nagkakasabay kami, kahit lagi niya ako nirereject lagi ko parin siya kinukulit. Gusto ko kasing makipagclose talaga sa kanya at syempre may hidden agenda din ako dun which is: Ang ma-develop siya sakin.

"No way!" matigas na sabi niya.

"Sige na Aal oh? Ibaba mo nalang ako malapit sa school namin, alam ko naman kasing ayaw mong makita ka nila." Pangungulit ko sakanya. Ayaw niya kasing makilala siya ng mga friends ko. What is his reason if you may ask? Well I don't know too. Ikinakahiya ata ako? Ah basta ako mahal ko siya!!

Kaya kahit ano pa ang sasabihin niya.. carry lang! At least magkasama pa rin kaming mag-asawa diba?

"Don't be so stubborn Elle!!" inis na sabi niya sakin.

"I'm not naman eh! I.. I.. just wanted to.. get along wi-with you lang naman eh!" Nauutal na sabi ko. Yun yun eh! Pinahiya ko na sarili ko para lang isabay niya. Like duh? Sa buong pagsasama kaya namin eh never pa niya akong sinabay or even makasakay nga lang sa kotse niya eh! Yun na din nasabi ko kasi yun unang pumasok sa isipan ko. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sakin. Nahiya tuloy ako kaya napatungo nalang ako.

"Hija, di ka ba mag-aagahan ngayon?" napatingin ako sa likuran ko. Si yaya pala sinundan niya ako dito. Nakatayo ito malapit sa pintuan at tinitingnan kami. Tumingin ako ulit sa kanya at umaasa na pumayag na ito. Baka i-consider niya yung sinabi ko. Tumingin siya kay yaya bago tumingin sakin.

"Well i'm sorry, you can't! I'm in a hurry right now Elle. So please, excuse me." sinuot niya na yung shades na hawak niya at pumasok na ito sa kotse.

"Tsk! As if naman nagmamadali ka talaga! May dadaanan ka lang eh!!" Mahinang bulong ko nalang.

"Murmuring something?" napatingin ako bigla. Narinig pa niya yun?! Binaba niya pala yung side mirror ng kotse niya. Ba't ba ang gwapo talaga ng kumag na to? Waaaah. Wag ka ng tumingin please?! Kaya nahuhulog lalo puso ko sayo eh!! Di pa kita paalisin dito!

"Wala!! Sabi ko po mag ingat ka!" irita kong sabi then I frowned.

Napataas sya ng isang kilay.

"I'll get going, Just eat your breakfast before you leave." Sabi niya lang at pinaandar na niya yung kotse at tuluyang umalis.

"Kahit kelan ang sama sama talaga niya sakin! Kainis!!"

Naglakad na ko papasok at andun parin si Yaya sa pinto. Bakas sa mukha nito ang awa sakin.

"Kain ka na anak! Baka lumamig na yung pagkaing hinanda ko. Yung paborito mong agahan pa naman ang niluto ko. Chicken pancakes!" Pange-engganyo ni Yaya,

"Hindi na po Ya! Hindi naman ako gutom eh" Sabi ko na lang. Nawalan na kasi talaga ako ng gana sa pag-reject niya na naman sakin. Kasi naman di na ko nadadala eh lagi namang ganito yung ginagawa at treatment niya sakin.

Ang sakit lang.. ang sakit coz he still turn me down. Pero di parin ako susuko.. I know time will come that he'll love me too... Haaay.

"Hayaan muna si Aal, anak.. Magbabago din yun. Antayin mo lang.." Alam kasi ni Yaya na nasasakatan na naman ako.

"Okay lang naman po yun Ya. Sanay naman ako na ko eh.. Alam ko magbabago rin sya sakin, kahit ganito nalang muna siguro kami.. At least nagkikita parin kami at magkasama" kinuha ko na yung gamit ko sa sofa.

"Wag kang mawalan ng pag-asa anak.. Late na yun kaya nagmamadali lang talaga ngayon alam mo naman na sya lang ang inaasahan sa company niyo."

"Kahit paghatid lang sa akin malalate na? Madadaanan lang din naman niya yung school namin eh at saka Hindi ko rin naman sya ipapakilala. At saka yaya, As if naman kasi na sa opisina yun didiretso! I'm pretty sure he will just stop by to meet his girlfriend!!" I don't have a proof wiht my own eyes but I have this feeling na nagkikita pa rin sila ng ex-girlfriend niya kuno. You know, instincts? Di kasi ako naglalakas-loob na magtanong.. Natatakot ako sa sasabihin nia sakin. Baka di ko makayanan at mag-suicide ako!!

OA ba? Tanga? Wala eh. Mahal ko kasi.

"Hindi naman siguro niya gagawin yun.."

"Haaay. Sige na po Ya. Aalis na po ko. Bye!!" Paalam ko. Ayaw ko na ng mahabang kwento, mamaya ma-iyak pa ko.

"Di ka na talaga kakain?" Tanong ni Yaya sakin ng nakalabas na ko ng gate.

"Hindi na po, sa school na lang po ako kakain." Yun lang at pumunta na ko sa sakayan ng jeep at sumakay na. .Wala lang trip ko lang na jeep ang sakyan nag-eenjoy kasi ako. Ang dami kong taong nakakasalamuha. Para rin naman di boring ang life ko.

Habang nasa daan kami Medyo traffic kaya tumingin tingin nalang ako sa mga magkakatabing shops na nadadaanan namin ng may mapansin akong nakaparadang familiar na sasakyan sa labas ng isang flower shop along the hiway.

Tinitigan ko tong mabuti baka sakaling mali ako but as my eyes see the plate number. Absolutely kilala ko ang may ari.

Si Aal.

Bakit nandyan si aal? What is he doing there? Akala ko ba malalate na siya? Tsk! Such a lame excuses, my stinct got me. My heartbeat so fast. I smell something fishy and I wanted to know eagerly.

"Mama!! Para po!!" Biglang sigaw ko sa driver ng jeep and all the passengers look at me. Nagulat ko baka sila ka pagsigaw ko. But I don't care 🤷‍♀️ ang naiisip ko lang ngayun ay malaman na totoo ang lahat ng nasa utak ko kaya dali dali akong bumaba ng jeep. Pagkababa ko ay nagtago ako sa isang wall na nakaharang malapit dun sa flower shop.

Sana mali ang naiisip ko... Please lang Lord.. hindi ko pa alam ang pwede kong makita pero sumasakit bigla ang pagtibok ng puso ko na parang may malalaman or makikita akong hindi kanais nais.

I hide myself while looking at the front door hoping that i saw something and on a cue, the door's open and someone came from within...

Te-teka.. WHAT THE EFF? 0_____0  

Napahawak ako sa dibdib kong papunta ito sa direksyon ng kotse ni Aal..

*********

Nov/05/2019 - Tuesday