Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 92 - CHAPTER 72 - Worries

Chapter 92 - CHAPTER 72 - Worries

V4. CHAPTER 13 - Worries

ALDRED'S POV

"Ma, kailan mo po na-realize na mahal mo si Papa?"

Weeks ago, pagkatapos namin mag-usap ni Bianca about sa love ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba patungo sa kusina.

"Bakit mo naman naitanong 'yan anak?" pagtataka ni Mama. Tumigil siya sa paghuhugas ng pinggan saka napalingon sa akin.

"Naku-curious po kasi ako. Si Arianne kasi mahal ko po kagad unang kita ko lang."

Bigla ay tumawa si Mama. Pinunasan niya ng tuyong tuwalya ang kaniyang mga kamay bago tumungo sa dining table at umupo sa silya. Lutang akong nakatitig lang sa kaniya hanggang sa maagaw ang aking atensyon ng i-tap niya ang mesa.

Umupo ako sa tabi niya.

"Naku anak," saad niya habang ginugulo-gulo ang aking buhok, "Alam mo naman ang kwento namin ng Papa mo di ba?"

Tumango ako.

Noong bata pa kami ni Monique ay naikwento na ni Mama sa amin ang pangtelenobela nilang istorya ni Papa. My parents were a product of arrange marriage. Kakauwi lang noon ni Mama ng province noong bigla na lang siyang sabihan ng aming lolo at lola na ipapakasal siya kinabukasan. Sobrang ikinagulat niya iyon. Sino nga ba naman ang hindi? Pero kahit na ganoon ay di siya tumanggi. She has the right to pero hindi niya ginawa.

Nervous and anxious, Mama then met the man she was entrusted with. Physically wise, according to her ay wala naman siyang pwedeng mapuna. Dad has fair skin and is a tall guy, well-built, and handsome lad. The only complaint she had, though she didn't vocally said that time was my father's attitude. He's so introverted, he didn't even open his mouth during their civil marriage.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako tumanggi sa kasal?"

Umiling ako dahil never pa nabanggit ni Mama sa amin ang dahilan.

Ngumiti siya, "I was broken hearted that time. Ginawa kong panakip butas ang Papa mo. Days passed by and na-guilty ako at sinabi ko sa kaniya ang totoo. Sinabi ko sa kaniya and the only thing he said was "Okay lang". Hindi ko alam kung mabait ba siya or wala siyang pake pero sure ako noon na may kulang na pyesa sa kokote niya. Hindi ko siya maintindihan hanggang sa isang araw, umiiyak ako ng bigla na lang niyang kunin ang kamay ko."

Tumigil muli si Mama at nahuli ng kaniyang kumikinang na mga mata kung gaano ako ka-seryoso sa pakikinig sa kaniya. Ngumiti siya sabay kuha ng aking kanang kamay. Maaruga niya itong hinaplos na tipong lahat ng pagmamahal niya bilang isang ina ay doon nakasentro.

Papa doesn't show much of emotion. Tahimik lang siyang tao, mahiyain at matipid kung ngumiti. Hindi siya istrikto pero nakatikim din ako ng ilang palo mula sa kaniya. Kung aalalahanin ko kung paano sila Mama at Papa sa isa't-isa ay si Mama ang sweet sa kaniya. Sa tuwing nagki-kwento si Mama ng nakaraan nila ay ang role lang ni Papa ay mamula ang pisngi at tumango. Sama naman ng tingin ang nakukuha niya mula kay Mama sa tuwing umiiling siya.

"I'm not sure but that was the time I think that I started to fall in love with him," Mama laughed.

"Eh?" reaksyon ko dahil wala akong naintindihan.

"Ano po bang sabi ni Papa?" I asked eagerly.

Mama smiled, "Maghihintay daw siyang mahalin ko siya kahit gaano pa katagal."

Mama was surprised to know that Papa really loved her that time. Hindi siya makapaniwala pero hindi pwedeng magsinungaling yung sinseridad na napakinggan niya. She didn't know when he felt that way to her. Wala naman kasi silang matagal na background sa isa't-isa bago sila magkakilala.

"Alam mo ba anak natutuwa ako at nakakapag-kwentuhan tayo ng ganito. Naku ang baby Aldred ko nagsisimula na talagang maging adult."

Napanguso ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Saan mo nga pala unang nakita si Arianne?"

"Sa fb, pinakita ni Carlo," sagot ko na dahilan ng pagngiti niya.

"Sa fb lang tapos sabi mo love at first sight na?" tanong niya na tila ba nang-aasar. Ngumuso naman ako at tumango dahil iyon ang totoo.

"Tapos alam mo po ba Mama, kinabukasan no'n nakasakay ko naman si Arianne sa jeep! Parang ngang pinagtagpo po talaga kami! Kaya doon ko po na-realize na gusto ko talaga si Arianne. Doon ko po kasi unang naramdaman sa buong buhay ko na kinabahan ako tapos sobra pong bilis ng tibok ng puso ko."

Pagkatapos kong magsalita ay hindi umimik si Mama. Nakatitig lang siya sa akin kaya akala ko ay may problema pero bigla siyang ngumiti at hinawakan ang aking kaliwang pisngi.

"Parehas kayo ng Papa mo," saad niya na nagpamilog sa aking mga mata, "It was love at first sight according to your Papa," what Mama said that took me by surprise.

"I told him that it was impossible but your Papa proved that his feelings were genuine. Andrew proved how much he loved me by sacrificing so much until all of his efforts finally reached my foolish heart."

♦♦♦

Nagulat si Mama pagpasok ko ng bahay. Monique bombarded me with questions on why Arianne is asleep. Bago ko sila sagutin ay hinanap ko muna si Tito Alex pero wala siya.

"Anxiety attack po, Ma," tugon ko na nagpa-alala sa kanila.

Inakyat ko si Arianne at dinala siya sa kanyang silid.

Arianne is now sleeping peacefully. Hinawi ko ang bangs niya at hinimas ang noo niya. Kanina habang naglalakad ako ay di maalis sa aking utak yung mga huling sinabi niya. Malabo sa akin kung bakit nasabi ni Arianne ang mga iyon pero malinaw na mahal niya ako kaya iyon ang panghahawakan ko.

"Why are you such a beautiful disaster, huh?" natanong ko na lang while tracing her facial features. I sighed then end up staring at her beautiful lips. Nakaawang ito kaya kita ang front teeth niya. Matipid akong nangiti hanggang sa maalala ko naman yung ginawa niyang paghalik sa akin. Hinawakan ko ang aking labi. Nawala ako sa huwisyo pero nabalik din kagad noong biglang humilik siya.

Natawa ako.

Arianne's room was a guest room before. Plain white lang ito na may isang kama, isang cabinet, isang drawer at tv dati pero ngayon ay naging makulay na. The room became colorful but I'm not talking about the visible colors. Wala naman kasi masyadong pinagbago sa silid (bukod sa mga nadagdag na stuff animals, mga stacks ng libro, laptop at orange na unan). It maintained its minimalist aura but the one who stays here is the reason why this four-corner room became so different. Arianne's persona that is bursting with colors painted this place new she even painted my life.

This girl changed my perspective. She introduced to me that the simplest things in life can be viewed as colorful if it has a place in your heart.

"Kuya," tawag ni Monique. Naniningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin kaya nagtaka ako, "Inakyat na kita, baka pagsamantalahan mo pa kasi si Ate Arianne."

Sinamaan ko siya ng tingin na sinalag naman niya ng pagtawa. Sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Ano bang nangyari, anak?" pagsalubong ni Mama.

Napabuntong-hininga ako saka niyaya si Mama na umupo sa sofa. Dalawa sila ni Monique na nakinig sa aking kwento. Ni-kwento ko sa kanila yung dahilan pero hindi na yung mga sumunod na nangyari pa.

"We should tell this to Alex immediately,"

"Nasaan po ba si Tito Alex? How about we call him now," sabi ko naman.

"Sabi niya may aayusin lang daw siya then he'll fetch Marius."

"Marius?" sabay naming tanong ni Monique.

Mama is dialing Tito Alex' number when we asked her. Nilingon kami ng worried niyang mga mata bago siya sumagot sa amin.

"Marius is Arianne's younger brother."

"Ohhh," reaksyon ni Monique habang wala naman akong masabi though surprised ako na may nakababata palang kapatid si Arianne.

Monique was about to ask something pero napatigil siya nang mag-usap na si Mama at Tito Alex.

"Alex, where are you?"

"Ah sorry Cel di kita na-inform. Nandito ako sa Central Estates with Marius. Tinext ko na rin si Arianne, kaya lang di siya nagre-reply. Bukas na kami nang umaga makakauwi dyan."

"Hindi ba pwede ngayon?"

"Huh? Bakit? And why are you sound worried? May nangyari ba kay Arianne?"

Mama always sets her phone to a loudspeaker every time she's talking to someone that's why Monique and I heard Tito Alex's sudden change of tone.

Tumango si Mama, "Oo, anxiety attack," sagot niya kay Tito.

"Ka—Kailan? Ngayon lang? Is she alright now? How is she doing?"

"Kumain kasi sa Central si Arianne at Aldred tapos nagkahiwalay yung dalawa. Nang magkakitaan na sila doon na naabutan ni Aldred na inaatake si Arianne."

"O—Okay, okay, just tell her to wait Cel please. I'm going, I'm going. Uuwi ako dyan ngayon with Marius. Uuwi ako immediately. Please tell her I'm going now," Tito Alex plead. Habang pinapakinggan ko siya ay napakagat ako ng mariin sa aking labi. Nagi-guilty ako dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari yung nangyari kay Arianne.

"Alex no, don't rush. We don't know if she's alright now but she's currently sleeping in her room. Please be calm, I will attend all her needs kapag nagising na siya pero mas mainam na ikaw ang makita niya paggising."

"O—Okay. Thanks. Thank you so much, Cel. I will be calm. I will be. Sige we're going now. Salamat talaga."

"Walang anuman, mag-ingat kayo ni Marius. Bye."

NO ONE'S POV

"Jerome hindi ka ba maghahapunan?" tanong ni Benjamin nang makita na papaakyat ng hagdan ang anak niya.

"Hindi na po, Pa. Busog pa po kasi ako," sagot ni Jerome. Tutuloy na sana siya patungo sa kaniyang silid pero agad napatigil nang muling magsalita ang kaniyang ama.

"Ayos ka lang ba anak?"

Lumingon si Jerome sa kaniyang amain. Gusto niya sanang magsalita pero naramdaman niyang magka-crack ang boses niya. Muli ay ngumiti siya at tumango bago nagdiresto patungo sa kaniyang silid. Kinusot niya ang kaniyang mga matang nasa bingit na ng pagluha.

Nakita ni Bianca ang paguusap ng Papa niya at ni Jerome. Nakita niya rin na may mali sa ikinilos nito. Nag-alala siya para rito kaya't nang pumihit ang papa niya ay agad din nitong nakita ang pareho nilang nararamdaman.

"Alam mo ba ang problema ng kapatid mo?"

Malungkot na umiling si Bianca.

"Sige, kausapin natin ang mama mo nang makausap niya si Jerome."

Tumungo si Benjamin sa kusina habang naiwan si Bianca na nakatingin sa hagdan.

Samantala ay taimtim na umupo si Jerome sa kaniyang kama. Hindi na niya inabalang magbukas ng ilaw kaya't nabalot ng dilim ang kaniyang silid. Tinignan niya ang bintana at wala ng maaninag ni isang bituin sa langit. Hinanap niya ang buwan at nakita niya itong natatakluban ng makakapal na ulap. Huminga ng malalim si Jerome bago ilipat ang atensyon sa makapal na itim na libro na nasa kaniyang bedside table. Abot kamay niya lang ito ngunit kung titigan niya ay parang kasing layo ng mga kaninang hinahagilap niya sa kalangitan. Ugali niyang basahin ang bibliya tuwing gabi ngunit ngayon ay nakakaramdam siya ng takot at pag-aalinlangan.

Binuksan ni Jerome ang kaniyang lampshade bago lumuhod at magdasal.

"I really wanted to speak with You but I'm afraid of what you will say. For all these years ever since I was a child, I know that I want to be with You. I thought I knew myself but when You came to reach me, my fear emerged. I should be happy that You're choosing me instead I became anxious and troubled. I never doubted You but I want you to doubt me. It's not that I doubted myself when it comes to my faith but I believe that I'm not what you needed. My heart always seeks You but is it wrong if my heart now seeks more of someone? I did change my plans but I assure You that this is a path formed not just by love but also by my faith. Will You accept my reason?"

Marahang nagsara ang nakaawang na pinto matapos magdasal ni Jerome.

♦♦♦

"Nat, hindi ka ba magpapasundo? Late na tapos umuulan pa a," tanong ni Noreen.

Habang kumakain sila sa 9th Heaven ay bigla na lang bumuhos ang ulan. Nang matapos silang kumain ay di pa rin ito tumitigil kaya napagpasyahan nilang magpatila sa loob ng cafe ngunit isang oras na ang lumipas ay patuloy pa rin ang ulan.

Ngayon ay kasalukuyan na silang nasa terminal ng jeep kung saan sasakay si Noreen.

"Magka-cab na lang ako."

"Pero baka kung saan ka dalhin ng driver?"

Natalie rolled her eyes and sighed.

"Alright, alright. Sige na sumakay ka na." 

Tinulak ni Natalie si Noreen pero bago pa ito tuluyang pumasok ng jeep ay nilingon niya muna ang isa pa nilang kasama.

"Ikaw Amanda? Anong sasakyan mo? Sabay ka na kaya sa akin."

"Thanks, but no thanks, I'll just take a cab too. Thanks for the day. Ingat ka a, bye," nakangiting sabi ni Amanda.

"Bye, mag-ingat ka. Yung camera mo itabi mo," bilin naman ni Natalie.

"Oki Nat. Love yah, bye. Ikaw din Amanda, nice knowing you and thanks din. Mag ingat ka rin. Bye bye."

Pagkasakay ni Noreen ay umalis na rin ang jeep.

Ayon sa balita ay wala naman daw bagyo o LPA. Dahil daw sa init kaya bigla na lang ang pag-ulan. Alas-otso na ng gabi at tila wala pa rin itong balak tumigil. Inilahad ni Natalie ang kaniyang kanang palad para sumalo ng mga patak. Gusto niya ng ulan. Yung tunog nito at lamig ay presko sa pakiramdam pero hassle kapag nasa labas ka at may paperbag kang dala tapos wala ka pang payong.

"Curse day," bulong ni Natalie sa sarili sabay lingon kay Amanda, "Saan ka umuuwi?" Hindi naman nakasagot ka agad ang kinausap niya dahil sa gulat. Naglakad si Natalie at nakalagpas na siya kay Amanda bago ito nakaimik.

"Dyan lang ako sa may Central Suites,"

Tumigil si Natalie at napalingon sa mataas na building sa likod ng Central Mall.

"So, you don't even need to ride a cab."

"Yeah but no, ang lakas ng ulan. Ayaw ko mabasa."

Napabuga ng hininga si Natalie matapos marinig ang rason ni Amanda. Nagpatuloy siyang maglakad paalis.

Without even saying goodbyes to each other, Amanda just stared at Natalie. The girl really piques her interest. Nanghihinayang tuloy siya na sa Northern Integrated Academy siya nag-enroll at hindi sa St. North Girls' School.

"Sayang talaga," Amanda sighed, "Kung hindi lang dahil sayo Aldy e," she smiled. Amanda is about to turn her back when suddenly Natalie called her out.

"Hey, where are you going? Sa harap yung sakayan ng cab."

Namilog ang mga singkit na mata ni Amanda. Segundo silang nagtitigan lang hanggang sa mapabuntong hininga si Natalie. The girl really infuriates her but she can't afford to leave her alone. After all ay bago pa lang ito sa lugar nila at di kakayanin ng konsensya niya kapag may nangyari ditong masama.

"Anyway, I'll go buy an umbrella. Kung gusto mo ihahatid na lang kita bago ako umuwi," she offered.

Masayang sumunod sa kaniya si Amanda. Pagkapasok nila sa department store ay agad niyang napansin kung gaano kakilala si Natalie ng mga staff. Sa isip-isip niya ay syempre dahil modelo ito at halos nasa buong sulok ang larawan pero kalaunan nang makita niya ang ilang mga nakaitim na suit na binati ang kasama niya ay may iba siyang na-conclude sa kaniyang utak.

"You must come from a wealthy family..."

"How can you say so?" tanong ni Natalie habang namimili ng payong.

"Sino yung mga bumati sa'yo kanina?"

"They are my sister's bodyguard," Natalie answered nonchalantly. Dahil sa pagkahumaling sa pagpili ng bibilhin ay huli na nang mapagtanto ni Natalie ang lumabas sa bibig niya.

"I mean my cousin's bodyguard," agad niyang pagko-correct. Nagtaka si Amanda pero agad din itong naglaho noong makita niya ang napili ni Natalie.

"Orange color?" She giggled which made Natalie blush.

"Yeah, is there something wrong?"

"No, it's just that you're quite chic so I thought that you'll prefer minimal colors. Fave color mo ba 'yan?"

"No," mahinang sambit ni Natalie. Tinignan niyang maigi yung payong hanggang sa mapansin ni Amanda ang kakaibang pagkinang ng mga mata ng kausap niya.

"Pero yung kakilala ko fave color niya 'to," Natalie smiled which left Amanda saying "Oh" in amusement.

Katulad ng sabi ni Natalie ay inihatid niya nga si Amanda sa inuuwian nito. Ang Central Suites ay matuturing na isang high end condo. Meron itong 2 building na umaabot sa 50 palapag ang bawat isa. May swimming pool area, covered court at gym. Minsan nang nakapasok dito si Natalie dahil sa residente rito ang isang kaibigan niya sa modeling agency. Nag-inquire din siya dati ng unit sa condo dahil gusto niya sanang bumukod pero hindi siya pinayagan ng kaniyang lola dahil may dorm naman sa eskwelahan nila.

"Gusto mo ba mag-stay muna sa unit ko?" tanong ni Amanda habang nasa labas sila ng entrance.

Instead of answering, Natalie squints her eyes at her.

"Ganito ka ba talaga?"

Napakindat ng ilang ulit si Amanda.

"What do you mean?"

"You're too complacent."

Amanda laughed, "Now I get what Noreen means. You sound like you don't care but in reality, you're the one who cares the most. You're so cute. Just so you know I'm not like this, but you made me feel comfortable that's why I made a reservation, especially for you," her lips and eyes smiled so sweetly but Natalie is not amused. She didn't even blink an eye.

After all, her first impression of Amanda still lingers. She still considers her a sly fox.

"Are you still mad dahil sa ginawa ko sa sales lady?" tanong ni Amanda. Parang nabasa niya ang nasa utak ni Natalie.

"Oo,"

Humina na ang ulan at ambon na lamang ito. Binuksan ni Natalie ang nagliliwanag niyang orange na payong saka umapak sa basang semento. Nilingon niya si Amanda at naabutan niya itong nakangiti. Maraming maarte na babae na siyang nakilala pero ngayon sa buong buhay niya lang siya nairita ng sobra.

"Thank you pala sa treat mo sa 9th heaven, although I didn't ask for it."

Amanda chuckled, "Welcome, and thank you din sa paghatid sa akin. I won't mind if we dine together again."

"I do," pagsimangot ni Natalie dahilan para hindi tumigil sa paghagikgik si Amanda.

"Zài jiàn, bǎozhòng. Bye bye."

Bukod sa bye bye ay wala ng naintindihan pa si Natalie sa ibang sinabi ni Amanda. Curious siya pero hindi na siya nag abalang magtanong dahil ayaw niya ng kausapin pa ang babae. Sa huli ay nagpaalam na rin siya bago pumihit patalikod at maglakad paalis.

♦♦♦