Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 87 - CHAPTER 67 - Arrival

Chapter 87 - CHAPTER 67 - Arrival

V4. CHAPTER 8 - Arrival

NO ONE'S POV

"Good evening, everyone. We are about to land in a span of 15 minutes. Make sure your seatbelt is securely fastened. Mabuhay! Thank you."

"Tss! What's with this country? Late night and still this hot?" 

Nakatingin man sa kaniya ang lahat ng tao na nakapaligid ay hindi maitago ng babae ang inis. Marahas niyang tinanggal ang kaniyang wool jacket na kahit kailan ay hindi naging akma sa bansang ngayon ay kinalalagakan niya. Nagbulungan ang ilan. Totoong nakakaagaw pansin ang pagrereklamo niya ngunit bago pa man lumabas ang kaniyang temper ay una na siyang naging agaw atensyon dahil sa angking dating niya.

Matangkad ang babae, mga nasa 5'7, may balingkinitang pangangatawan, elegante kung pumostura at may kahanga-hangang countenance. Nakapusod ang kaniyang napakaitim na buhok kaya nakalitaw ang dalawang perlas na kumikinang at nakadikit sa kaniyang tenga. May saktong tangos ng ilong at manipis na mapupulang labi. Singkit ang mga mata niya pero dahil siguro sa mahabang byahe ay medyo namutok ito. Kapag tinitigan naman ang kaniyang paningin ay makikita ang dalawang bilog na kasing dilim ng langit sa gabi.

Matapos maalis ng babae ang kaniyang pamatong na damit at ma-expose ang suot niyang spaghetti strap ay tila mas naging maliwanag ang kaniyang paligid. Bukod kasi sa mga ilaw na tumatabla sa dilim ng gabi ay tila naging source of light ang maputi niyang kutis.

Isinabit ng babae sa hawakan ng kaniyang maleta ang hinubad na jacket. Inikot ng pagod niyang mga mata ang paligid. Maraming mga tao, may mga pamilya na lubos ang saya dahil sa pagdating ng kapamilyang matagal na nawalay. May mga magkakabarkada na tila nag-reunion sa ingay. May batang nagtatago sa likod ng kaniyang ama dahil sa takot sa inang naging estranghero na sa kaniyang paningin.

Mabilis ang daloy ng mga tao sa paligid. Kasimbilis ng mga taxi na nag-uunahan para makakuha ng mga pasahero.

Bumuntong hininga ang babae noong ma-realize niya na gabi na nga pero hindi ibig sabihin ay tapos na ang araw. Bago siya tuluyang makapagpahinga at makatulog ng maayos ay kailangan niya munang makipagbuno sa ilan... ilan is an understatement dahil lahat ng gagawin niya ngayon ay estranghero rin katulad niya.

Para makapag-isip ay tumungo ang babae sa isang bench kung saan may isang batang lalaki na nakaupo at may hawak na libro. Hindi ugali ng babae ang pumakiusap pero dahil nasa ibang lugar siya ay kailangan niya ring ilugar ang asal niya. Tinignan niya ang bata at tumango siya. Tumango rin ang bata kaya umupo na siya. Pagkaupo ng babae ay saka niya lamang napansin ang kakaibang kulay ng buhok ng paslit.

Light brown? Lighter. Chestnut brown.

Nakita niya ang mukha ng bata pero hindi naman masasabing amerikano ito. More on oriental na mix Spanish.

"Any problem, Miss?"

Nilingon siya ng bata.

Nagulat ang babae sa biglaang tanong, "No—Nothing, I'm fine," sagot niya.

"Really? It looks like you have though... Kanina ka pa paikot-ikot ng tingin sa paligid," saad ng bata kahit na hindi sigurado kung nakakaintindi ba ang kinausap niya ng tagalog.

Natawa naman ang babae. Bata ang kausap niya pero kung makapagsalita kasi ito ay binata na.

"So, you notice... Well, it's my first time here and I'm all alone... It's also my first time being all alone. I may have planned everything but still, I can't help myself to not get worried."

Sinara ng bata ang libro na hawak para tuluyang ibigay ang atensyon sa kausap.

"Vacation?"

"Study."

"Oh, I see. If you're on a vacation you'll be more excited than worried."

Nangiti ang babae.

"So, are you an exchange student?"

Muli ay tumawa ang babae ngunit may awkwardness na sa tunog nito.

"No, transfer student."

"In this time of the year?"

Tumango ang babae. May itatanong pa sana ang bata pero hindi na ito binigyan ng babae ng pagkakataon, "Where are your parents?" tanong niya na saglit na nagpatahimik sa pagitan nilang dalawa.

"I'm on a vacation," tugon ng paslit.

"Huh?"

"I'm all alone too and I'm here to see my big sister."

ALDRED'S POV

"Mang Rupert, pwede ba akong magtrabaho sa'yo?" tanong ko na ikinagulat ng mga tao sa Rupertino's Motorshop. Kasalukuyan siyang may-kausap noon na customer at alam kong it was rude for me to interfere pero hindi na kasi ako makapaghintay.

Humalakhak si Mang Rupert, nag-excuse sa kausap niya saka lumapit sa akin para akbayan ako.

"Pwede naman! Pero sigurado ka ba Boy S?"

Tumindig ako at tumango.

"Aba'y desidido 'yan Manong a," saad ng isa sa mga empleyado ni Mang Rupert, "E di ba model ka? Ayos lang ba sa'yo ang madumihan at maligo sa grasa?" 

Medyo napaisip ako dahil sa tanong na iyon pero bago pa ako umapak sa motorshop ay napagdesisyonan kong wala ng maaring makapigil sa akin.

Tatlong araw simula noong magka-amnesia si Arianne ay nagsimula akong magtrabaho ng lingid sa kaalaman ni Mama. Minsan tinanong ako ni Mang Rupert kung bakit at sinagot ko siya na nais kong matuto ng pagmo-motor.

"Eh ba't gusto mo naman matutong mag-motor?" tanong muli ni Mang Rupert habang busy ako sa pakikinig sa tinuturo sa akin ng empleyado niya.

"Para kapag naging kami na ni Arianne, madadala ko siya sa gusto niyang puntahan."

Nagpalakpakan lahat sila sa shop.

"Wow, para kay Baby G!"

I'm Aldred Araun Cuzon, 15 years old at next month na ang birthday ko, ika-22 ng Setyembre. Noong bata pa ako ay may kalaro ako na magaling mag-violin. Dahil sa kaniya ay nag-aral ako ng music at pagpa-piano ang napili ko para masabayan ko siya sa pagtugtog. Minsan ay pumunta ako sa mansion, oo sa isang mansion nakatira ang kalaro ko na iyon. Naabutan ko siyang nagpipinta. Napakagaling niyang magpinta kaya noong bata ako ay nagpabili ako kay Mama ng mga pangkulay para matutunan ko rin ang ginagawa ng kalaro ko. Natuto naman ako. Natuto akong magkulay pero sa kasamaang palad ay nadiskubre ko na wala akong talent sa pagguhit.

Bata pa lang ako noon pero masasabi kong na-frustrate ako noong malaman kong hindi ko na kayang gawin pa ang kaya ng kalaro ko. Nag-tantrums ako noon ng sobra to the point na kailangan akong paluin sa pwet ni Mama para magtigil. Nagtigil ako, pero hindi ko maiwasan mapabusangot. Nawala lang ang galit ko noong lapitan ako ng aking kalaro dala-dala ang maliit niyang pink na bisikleta at yayain akong mag-bike.

Nagpabili ako kay Mama ng bisikleta pero hindi ko na iyon nagamit pa. Umalis naman din kasi ang aking kalaro kaya para saan pa.

Ngayon ay na-realize ko na maraming bagay pala akong natutunan ng dahil sa aking kalaro. Umalis man siya at hindi ko man maalala ang mga bagay-bagay tungkol sa kaniya ay nakaukit na sa pagkatao ko ang pagiging bahagi niya ng buhay ko. Sa aking ika-16th birthday ay napagdesisyunan kong bumili ng motor bilang regalo sa aking sarili. After a long time ay ngayon ko uli ginusto na matuto ng bagong bagay at gusto kong matuto ngayon hindi para makasabay sa kung sino kung hindi para masakay ko sa kung saan ang babaeng gusto ko.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama pagdating namin ni Arianne.

Pareho kaming umiling at dumiretso na sa hapag. Inihanda ko ang aking sarili sa maaaring sunod na tanong pero hindi na nagsalita pa si Mama pagkalapag niya sa mesa ng mga pagkain. Kahit si Tito Alex ay hindi rin nagtanong kay Arianne ng kung ano maliban sa pagkamusta nito sa kaniya.

"Kanin ka pa anak?" tanong ni Mama. Pagkatango ko sa kaniya ay nasalubong ng aking tingin ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Arianne. Sa sobrang gutom ko kasi ay nakakaapat na akong mangkok ng kanin habang siya ay di pa nauubos ang unang mangkok niya.

"Ang takaw mo," sabi niya ng may ngiti sa kaniyang labi. Dahil doon ay napangiti lang din ako. Itinuloy ko ang aking pagkain hanggang sa mapatigil ako ng bigla siyang maglagay ng ulam sa aking plato.

"Don't worry, hindi ko pa nalalawayan 'yan. Mukha kasing kulang pa sa'yo 'yang ulam mo," aniya.

"Paano ka?"

"Busog na ako,"

"Okay, thank you," sabi ko. Umakyat na si Arianne patungo sa kaniyang kwarto.

Masaya akong kumakain nang mapansin ko ang masamang tingin ni Monique sa akin.

"Ka-turn off ka kuya."

"Ha? Bakit naman?" nag-aalala kong tanong.

"Takaw mo kasi," saad niya kaya agad ay nilingon ko si Mama.

"Ganoon? Mama? Totoo po ba? Nakakaturn-off po ba ako?"

Tumawa si Mama.

"Aayawan na po ba ako ni Arianne kasi matakaw ako?"

"Kailan ka ba kuya nagustuhan ni Ate Arianne?"

Sinamaan ko ng tingin si Monique.

"Hindi naman, binigyan ka pa nga niya ng pagkain kaya sa tingin ko hindi naman siya na-turn off sa'yo," sabi ni Mama kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na rin ako sa aking silid. Naglinis ako ng aking katawan at pagkabihis ko ay naalala ko ang sinabi ko kay Arianne. Agad kong kinuha sa may drawer ang aking spare phone para ibigay ito sa kaniya.

"Good evening, Arianne," Bati ko pagkabukas niya ng pinto. Binati rin ako ni Arianne pero imbes na iyon ang aking mapansin ay napuno ng samyo niya ang aking utak. Kakaligo lang rin ni Arianne at medyo basa pa nga ang buhok niya. Nakasuot siya ng pajama na may bibe na design pattern. Ang cute ng mga bibe characters sa pajama niya kaya inisa-isa ko itong tignan hanggang sa mapadpad ang mata ko sa isang bibe na nakaumbok at sa isa pa.

Ang laki, hehe.

"May problema ba?"

Nagtago ang mga bibe sa likod ng pinto.

"Sorry, ang bango mo kasi kaya na-distract ako."

"Huh?" 

Sumama ang mukha niya.

"Ito na yung spare phone ko. Fully functioning 'yan wala kang magiging problema."

Kinuha ko ang kamay ni Arianne at sa tagal ay ngayon ko na lang uli ito nahawakan. Inilagay ko ang cellphone sa palad niya.

"Kapag may problema, just call my name and I'll be there hehe," saad ko para ma-lift ang usapan pero parang na-down pa ang mukha niya.

Pabigla niyang binawi ang kaniyang kamay kaya medyo na-disappoint ako noong hindi ko maayos na nahaplos ang likod ng palad niya.

"Okay, thank you so much," saad niya.

"Welcome," sabi ko.

Sinara ni Arianne ang pinto.

The next mornings passed by smoothly. Gumising, naghanda ng sarili, kumain ng almusal saka umalis kami ng bahay para pumasok ng school. Napaka-routinary though wala naman akong reklamo. Obligasyon ko bilang batang mamamayan ng lipunan ang mag-aral. Nasa akin kung paano ko ito e-enjoyin. May mga matitirang oras ang araw at nasa akin kung paano ko ito gagamitin. Nasa akin ang choice kung paano ko ite-take ang buhay.

Kapag ikukumpara ko ang aking sarili bago pa man dumating si Arianne ay masasabi ko na para akong nasa isang malawak na kapatagan. Flat at malawak, berde at malamig, mahangin at tahimik. Tumakbo man ako ng tumakbo ay hindi ako madadapa. Napakadali ng buhay ngunit na-realize ko na takbo lang ako ng takbo pero wala akong nararating. Paikot-ikot ako sa kapatagan ng hindi ko napapansing wala pala akong tinatahak na daan. Out of thinking, kung bakit ganoon ang pananaw ko ay tinignan ko yung mga achievements ko na naka-display sa aming pamamahay.

"Monique, anong plano mong maging?" Tanong ko ng saktong dumaan siya.

Tumigil si Monique, nagtataka akong tinignan bago baling sa isang trophy na may pangalan niya.

1st Place in Feature Writing

"Maging katulad ni Ms. Kara David."

Tinanguan ko siya. Bata pa lamang si Monique ay iniidolo niya na ang journalist. Wala siyang pinalalampas na documentary nito at minsan ay sinasamahan ko pa siya sa Maynila kapag may pagkakataong maka-meet & greet ang idolo niya.

Muli ay nitignan ko ang aking mga plaque at tropeo. Ofcourse I am proud of myself, masaya rin akong napapasaya ang mga magulang ko pero saan ba ako dadalhin ng mga tropeo na aking iniuuwi? I can do a lot of things pero ano ba talaga ang gusto ko? Bata pa ako, kailangan ko na ba pag-isipan 'yon? Hinihintay ba 'yon na ibigay ni Lord o ikaw mismo ang maghahanap?

Then isang araw, habang tahimik kong ginagawa ang regular na routine ko sa kapatagan ay may humarang na bato sa aking pagtakbo. Hindi ko ito pinansin pero pinukpok sa akin ng bestfriend ko. Papalipasin ko na lang sana pero natalisod ako nito. Pinulot ko yung bato at pagkahawak ko ay unti-unti itong naging diamante. Namangha ako sa sobrang ganda kaya napagdesisyonan kong dapat mapasaakin ito.

Being contented is good pero kapag nagsimula ka ng magpahalaga ay gugustuhin mo ring ibigay ang pinaka na, bestest pa para sa pinahahalagahan mo. Kailangan mong magkaroon ng pangarap hindi lang para sa sarili mo kundi para rin sa kaniya. Kaya nang mahawakan ko ang bato na iyon at pahalagahan ay para rin akong nagpukpok ng bato talaga sa aking ulo. Kaakibat kasi ng pagmamahal ay ang masaktan. Hindi na magiging simple ang lahat dahil ang kapatagan ay sisimulan ng matambakan ng maraming bato. Mga pagsubok na magiging patunay kung gaano mo pinahahalagahan ang isang bagay.

Maari naman iyong takbuhan katulad ng nakasanayan pero para mo na ring pinalampas ang pagkakataon na apakan iyon at gawing hagdan upang maabot ang iyong pangarap.

"Aldred, sige na. Pumasok ka na ng school niyo. Okay lang sa akin kahit di mo na ako ihatid," sabi ni Arianne noong marating namin ang front gate ng NIA.

"Pero—" tututol sana ako sa kaniya.

"Masyado ko ng naaagaw ang oras mo. Ayoko naman na imbes makipag-bond ka sa mga kaibigan mo ay nauubos ko lang yung umaga mo," nakangiti niyang sabi.

Sa totoo lang ay kung gusto niya talaga akong hayaan na siya na lang ay dapat di na siya ngumiti pa. How can I let that smile go? Saglit akong hindi umimik before finally nodding my head. Totoong nitong mga nakaraang araw ay hindi ko masyado nakakasama sina Jerome at Carlo. Sa umaga kasi ay hinahatid ko si Arianne kaya halos mag-start na ng flag ceremony ako nakakapasok then sa hapon ay nagta-trabaho ako sa motorshop na lingid din sa kaalaman nila.

"Okay..." nakanguso kong naitugon at ngayon ay humagikgik naman siya.

Seriously?

Nakangiti akong pumasok ng school gate.

♦♦♦

"Uy narining niyo ba? Magkakaroon ng transfer student."

"Oo nga, sa gitna pa ng school year. Ang hirap no'n. Oks lang sana kung nasa lower year siya pero balita ko graduating student din daw."

"Babae o lalaki?"

"Babae ata,"

"Talaga?! Yes! Sana maganda, para kahit papaano magkaroon naman ako ng inspirasyon sa pag-take ng graduating exams. Lahat kasi ata ng mga anghel nasa SNGS e!"

"Oo nga e, haha. Pero ayoko itaas expectation ko 'no. Ayoko ng umasa."

Nice, early in the morning at kakaupo ko pa lamang sa aking seat. Isa sa perks ng pagiging maaga ay makasagap ng tsismis. Nilingon ko si Jerome na nakatayo sa aking tabi. Lagi siyang maaga kaya sigurado akong mas marami pa siyang alam kesa sa iba kong kaklase.

"Ano kayang naisip no'n at naisipan pang mag-transfer?" tanong ni Carlo bago niya sipsipin ang sterilized drink na hawak niya. Saglit lang ay nangayayat na ang lalagyanan nito at umingay ang squeeze na tunog.

"Pero balita ko galing siya sa U.S. at sa pagkakaalam ko September ang start ng school year nila doon," saad naman ni Jerome. Nilingon ko siya at napansin ko ang namumula niyang mata pati na rin ang bags sa ilalim nito. First time ko siyang makita na umaga pa lang ay parang pagod na.

"Je, are you okay?" tanong ko habang nakatingala sa kaniya. Tinignan niya ako. Mga ilang segundo bago para siyang matauhan at magtanong.

"Ano 'yon Al?"

Okay, he is not okay.

"Kung okay ka lang? May sakit ka ba?"

Kahit si Carlo ay inusisa na siya.

"Ah, medyo hindi lang maganda gising ko kanina," tugon niya sabay hikab.

Tumunog na ang bell kaya't tumungo na kami sa field para sa flag ceremony.

Nakadepende sa subject at guro kung papaano lilipas ang oras. Ngayong araw ay kabilang ang dalawang least favourite subject ko sa morning class kaya ang bagal ng paligid. Kung sa Filipino ay inaantok-antok pa ako, sa History naman ay kumukulo na ang sikmura ko. Hindi pa nakatulong sa aking nararamdaman ang paulit-ulit na pagbanggit ng aming teacher sa salitang "Spices".

Spices ang isa sa dahilan kung bakit ginusto ng tao na mag-explore. Spices ang dahilan kaya natuklasan na may iba-iba pang tribo, lahi at bansa. Spices ang dahilan kung bakit nanakop. Spices ang dahilan kung bakit nagka-gyera at spices ang dahilan kung bakit nagdedeliryo na ako sa gutom.

"Grabe ka talaga Al, saan napupunta mga kinakain mo?" manghang tanong ni Jerome habang papunta kami sa Tree Garden. Sa sobrang gutom ko kasi ay nakatatlong rice ako at dalawang order ng ulam. Bibigyan ko nga dapat siya dahil ang tamlay niya pero gutom talaga ako.

"Huwag ka na magtaka Je, parang universe ang tiyan nyan eversince. May black hole sa loob," natatawang sabi naman ni Carlo.

Kaninang umaga, pagkatapos kong maihatid si Arianne ay ang usapan tungkol sa pagkakaroon ng transfer student ang topic ng lahat pagkapasok ko sa aming classroom. Akala ko tapos na noong tumunog ang bell pero ngayon, tanghali na ay iyon pa rin ang aking naririnig. Ewan ko ba't sobra ang concern nila sa transfer student na iyon kahit na hindi pa naman nila ito nakikilala. Sigurado naman kasing may dahilan kung bakit niya naisipang mag-transfer ngayon.

"Ibig sabihin late na siya sa curriculum natin," Carlo pointed out.

"Hmm, I don't know. Mas advanced pa rin naman kasi sa U.S. I heard na-perfect niya yung modified entrance exam."

Tinignan ko si Jerome. Ang dami talagang alam ng lalaki na 'to. Tsismoso ba siya o ano?

"Anong masasabi mo, Al?" tanong niya.

"Huh? Wala akong pake," saad ko na ikinatawa niya.

"Kahit na na-perfect niya yung exam?" tanong muli ni Jerome at doon lang ako napaisip. Sa buong school kasi ay ako lang ang may kakayahang maka-perfect sa modified exam. Kung tutuusin ay malaking news din na may nakagawa ng ganoong achievement bukod sa akin lalo na't isa iyong entrance exam.

"E di good for him or her," tanging tugon ko at tumigil na si Jerome. Tatanungin ko sana muli siya tungkol sa kalagayan niya pero ayoko naman siyang pilitin. Muli ay nag-usap sila ni Carlo.

Habang nag-uusap sila ay hindi naman matigil ang aking utak sa pag-iisip kay Arianne. Kamusta kaya siya? Kumain na ba siya? Hindi siya nakapagbaon, ano kayang kinain niya? Wala bang nang-aaway sa kaniya sa school nila? Masaya kaya siya?

Kanina ko pa hawak ang aking cellphone at nagbabakasakali na baka i-message niya ako gamit yung spare phone na pinahiram ko sa kaniya. Okay lang kaya yung phone? Hindi kaya nagloloko? Ayokong mapahiya kay Arianne kaya bago ko ibigay iyon sa kaniya ay ni-check ko muna. Ni-restore factory setting ko then tinanggal ko yung... wait. 

Tinanggal ko yung memory card? Hmmm. Natanggal ko naman yung memory card, sure ako pero kung natanggal ko, saan ko nilagay?

Inalala ko ng maigi. Kagabi, habang nise-set up ko yung cellphone ay nilagyan ko ito ng mga necessary apps na makakatulong kay Arianne. Nilagyan ko rin ng songs, ebooks, messenger, period tracker, etc. Medyo marami akong nailagay kaya ngayon ko lang na-realize na nakapagtataka at nagkasya ang mga iyon.

Bigla ay naagaw ang aking pag-iisip ng mag-vibrate ang aking phone. Nang lumiwanag ito ay pangalan ni Pristine ang bumungad.

PRISTINE: Freak!

Iyon ang tanging nakalagay sa text pero nagulat ako ng ang messenger ko naman ang tumunog at mag-pop out ang icon niya. Binuksan ko ito at halos mabato ko ang aking cellphone sa gulat.

Anak ng papaya!

"HINDI KO NATANGGAL YUNG MEMORY CARD!" Naisigaw ko kasabay ang aking pagkabalikwas. Nagulat si Jerome at Carlo.

Kwinento ko sa dalawa ang aking kasalukuyang problema at hinalakhakan nila ako. Pagkatapos ng lunchbreak ay bumalik kami sa aming classroom. Tatlo't kalahating oras pa bago matapos ang eskwela at kahit mga favorite subject ko na ang mga ile-lecture ay hindi pa rin bumibilis ang galaw ng orasan bagkus ay mas tumatagal ito dahil sa bawat kumpas ng kamay ay hindi maalis sa isip ko kung ano pang mga kahihiyan ang nakita nila lalo na ni Arianne.

"Okay, Mr. Cuzon, please answer question number 5," narinig kong sabi ni Sir Campano pero hindi rumehistro sa utak ko. Nakatanga lang ako sa kaniya.

"Mr. Cuzon?" Tumaas ang kilay niya kaya tinaasan ko rin. Nagngitngit siya at saka ko lang napansin ang impit na tawanan ng aking mga kaklase.

Saglit lamang ay hindi ko na kinailangang ubusin ang oras sa loob ng silid dahil agad-agad ay pinalabas ako't pinag-squat.

Sa buong buhay ko ay first time itong nangyari sa akin. Nakakahiya kung tutuusin pero hindi ko maramdaman. Wala akong pakealam kung anong maging tingin nila sa akin. Okay lang maging kahiya-hiya sa kanila BASTA HUWAG KAY ARIANNE! 15 minutes na lang na pagtitiis at masusundo ko na siya.

"Okay, class dismissed."

Pagkarinig ko noon ay matulin akong tumungo sa aking upuan para kunin ang aking mga gamit. May sinabi si Carlo pero hindi ko siya narinig dahil walang anu-ano'y umalis na ako. Nakababa na ako ng academic building ng tawagin niya ako sa may bintana ng pasigaw.

"GANYANAN TALAGA PAG-UWIAN AH!" bulyaw niya habang hawak-hawak ang tambo. Cleaner kasi siya ngayon. Nag-wave naman ako sa kaniya para mag-bye bye.

♦♦♦