V4. CHAPTER 6 – Questions for the Day
ALDRED'S POV
"Aldred, I wonder... Our first meeting. How did it end up?"
Mabilis man na pumasok sa aking isipan ang tanong ni Arianne ay naging mas mabagal pa sa pagong ang pag-proseso ng utak ko sa isasagot sa kaniya. Paano ko nga ba dapat sagutin ang katanungan na iyon? Napalunok ako. Mabuti na lamang at dumating ang service van ng mga Vicereal kaya hindi ko nalunok pati ang dila ko.
Isang lalaki ang bumaba sa sasakyan para pagbuksan ng pinto ang passenger's seat. Naunang lumabas si Natalie. Nagkatitigan kami bago niya ibaling kay Arianne ang kaniyang atensyon.
"Go—Good—" Hindi na nagawang tapusin ni Arianne ang sasabihin niya matapos tignan lang siya ni Natalie saka dumiretso na kaagad papasok ng gate. Nakita ko ang paglungkot ng ekspresyon ni Arianne at dahil dito ay di ko maiwasang mapangitngit.
Anong bang problema niya?
Sunod ay si Pristine naman ang lumabas. Inihanda ko ang aking sarili para salagin ang siguradong nananaksak nanaman niyang mata ngunit nagulat ako nang ngumiti siya. Pagkatapos niya kasing batiin si Arianne ay sa akin naman siya bumaling.
"Good morning, Aldred," saad niya na imbes magpatuwa ay nagpakilabot sa nerves ko. Hindi ako sanay. Gusto kong tingnan ang mga kamay niyang nasa kaniyang likuran para i-check kung may patalim ba siyang tinatago. Sinubukan kong tugunan ng ngiti ang pagbati niya pero dahil nga sa hindi ako makapaniwala ay tumigas ang mga muscles ko sa mukha at sure akong peke ang kinalabasan ng reaksyon ko.
"Good morning," tugon ko. Pagkabaling ni Pristine ng atensyon sa iba ay agad kong napansin ang paglungkot ng kaniyang mukha.
"Aldred, sige na, pumunta ka na sa NIA. Baka ma-late ka pa. Thank you pala sa paghatid sa akin ha," sabi ni Arianne na nagpakabog ng aking dibdib. Napakalambing kasi ng pagkakabigkas niya sa lahat ng letrang kanyang binitawan.
"O—Okay, sige, see you later."
"See me later?" nagtataka niyang tanong na nginitian ko.
"Oo kasi susunduin kita mamaya."
"Pero kaya ko naman ng umuwi mag-isa. Ayoko ng abalahin ka."
"No worries, kahit kailan hindi ka naman naging abala sa akin," saad ko at biglang nag-blush ang pisngi niya.
Ang cute. Napaka-ganda niya talaga. Kung maaari lang akong mag-good bye kiss kahit sa cheeks lang ay ginawa ko na.
"O—Okay," sambit niya and I know how embarrassed she is.
"Enjoy your day," huling kong sabi bago ko siya talikuran. Kailangan kong tumalikod dahil gusto kong bumuntong hininga. I really want to see her more. Kung hindi lang namin kailangang pumasok ng eskwela...
Tsk. Napakagat na lang ako sa aking labi. All my life, ngayon ko lang naisip na hadlang ang pag-aaral sa pangarap ko sa buhay.
♦♦♦
"How's the morning bro? Usap-usapan kaagad na hinatid mo si Arianne a," bungad ni Jerome pagkalapit niya sa akin.
Kakarating ko lamang at kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom. Naghihintay ng tunog ng bell para sa flag ceremony. Nakaupo ako sa aking upuan habang nakatayo naman sa tabi ko ang dalawa.
"Good?" I laid my back on the chair, "My morning is supposed to be, actually good kaya lang..."
"Kaya lang ano?" tanong ni Carlo.
"Nakakalungkot na kailangan kong mawalay kay Arianne para mag-aral," I sighed at bigla silang nagtawanan.
"What the heck bro!" saad ni Carlo sa pagitan ng kaniyang paghalakhak.
Sinamaan ko siya ng tingin pero mas may isasama pa pala ang aking reaksyon noong marinig ko ang boses ng papalapit na si Sho.
"O, ang Pag-Ibig! Kapag nawalay
Ang puso'y ganap na malulumbay
Didilim ang umaga
Mas lalamig ang gabi
Mga gawain ay ipagsasantabi"
Siningkitan ko siya ng tingin habang bumibigkas ng tula na hindi ko alam kung saan nanggaling. Pinalakpakan siya ni Jerome at Carlo. Tunay na magaling siya ngunit imbes na mamangha ay mas nanaig ang pagkaaburido ko sa kaniya.
"Malalaman mo talaga kapag ang tao'y umiibig. Lumalabas ang kaniyang pagiging makata," saad ni Sho habang nakatingin sa akin. Ini-snob ko siya at narinig ko na lang ang paghalakhak niya.
"Anyway, nandito ako para anyayahan kayong sumali sa mga patimpalak na gaganapin ngayong Agosto, buwan ng wika. Napagkasunduan kasi ng komite na magkaroon ng balagtasan, pagsulat ng tula, masining na pagkukwento, sabayang pag-bigkas, pag-awit, pagsayaw at marami pang iba."
"Woah nice," manghang reaksyon ni Carlo, "Titignan ko kung saan ba ako makakatulong then I'll inform you Sho kapag nag-decide na ako," dagdag niya.
"Ako baka tumulong na lang sa paggawa ng props and costumes," nakangiting sabi naman ni Jerome.
Ngayon ay nakatingin na sila sa akin at hinihintay ang tugon ko. Kung pwede nga lang sana ako tumanggi dahil sa totoo ay Filipino ang aking least favourite subject. Pero sa school namin ay kailangan lahat ay mag-participate tuwing may event kaya no choice.
"I'll think about it," saad ko na lang.
"Yosh! Ayos," nakangiti na tumango si Sho bago niya kami iwan.
Sinundan ko si Sho ng tingin habang papunta naman siya sa iba pang grupo ng aming mga kaklase. Kitang-kita ang excitement sa mga mata niya habang ipinapaliwanag sa kanila ang mga mangyayari sa Buwan ng wika. Nakakatuwa dahil hindi naman talaga siya pinoy pero mas interesado pa siya kesa sa amin. Siya pa nga mismo ang nag volunteer na maging representative ng section namin para sa event na ito.
"Message?" Napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ni Carlo sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ito at pagkatingin niya ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko ugaling magtanong pero kakaiba ang ngiti niya. Kilala man si Carlo sa kaniyang killer smile ay madalang naman siyang ngumiti ng may genuine na saya.
"Sino 'yan?"
Sinipat ako ni Carlo bago agad ibalik sa phone niya ang kaniyang tingin.
"Secret," tugon niya na ikinairita ko.
Tumawa si Jerome, "Si Pristine 'yan?"
Gulat na tumitig kay Jerome si Carlo na unti-unti'y namumula ang mukha.
Parehas kami ni Jerome ay namangha dahil for the first time ay nakita namin siyang mag-blush.
"Hala Je, may himala!" reaksyon ko.
"Ipagtitirik kita sa simbahan ng kandila Carl," saad naman ni Jerome.
"Tumigil nga kayong dalawa," naiiritang bulyaw ni Carlo na ikinatawa namin.
"Mukhang mage-end na ang reign ng certified playboy ng NIA. I hope maging kayo bro,"
"You don't need to hope Je. Lahat ng gusto ko nakukuha ko," ngumisi si Charles.
"Pero magkaiba yung gusto sa mahal... Sa itsura mo hindi mo naman siya gusto."
Masamang sinipat ni Carlo si Jerome, "What do you mean hindi ko siya gusto?" may pagkagalit niyang pahayag.
"Hindi mo siya gusto kasi mahal mo siya," saad ko naman, "Ngayon ka lang namin nakita na ganyan."
"Tsk, whatever," Carlo cooled down.
Nagtinginan kami ni Jerome at pareho kaming nangisi. Carlo is not the hot-tempered type kaya obvious talaga na iba ang pagtingin niya kay Pristine.
Binalik ni Carlo ang atensyon niya sa kaniyang cellphone. Nagpipindot-pindot siya sa screen at nang matapos ay um-okay na ang mood niya at ako nanaman ang pinagdiskitahan.
"Back to Arianne tayo Al, ano naka-ready ka na ba?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Huh? Naka-ready saan?"
"Ungas, hindi ka ba nag-iisip? Arianne is back to school. Lahat ata ng estudyante dito sa Northern District alam yung rumor tungkol sa inyo. Eventually malalaman niya rin 'yon and for sure magtatanong siya."
Nakakainis yung remark ni Carlo sa akin pero tama siya kaya hindi ako maka-kontra. All I'm thinking this morning are just rainbow and sunshines... kung paano ako pagmasdan ni Arianne habang nasa gotohan kami. Ni-message pa ako ni Monique na ini-scan daw ako ni Arianne mula sa kadulo-duluhan ng kuko ko paakyat sa naka-pomada kong buhok. Sa totoo ay pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para ipakita ang kagwapuhan ko sa kaniya. To make her morning good with my existence.
"Actually bago kami maghiwalay kanina nagtanong na siya."
Napatigil saglit ang dalawa at napatitig sa akin.
"Talaga? Ano naman yung naging tanong niya?" tanong ni Jerome. Kumuha pa siya ng silya para itabi sa akin at upuan.
Salitan ko silang tinignan sa mga mata bago ako yumuko at mapatingin sa malinis kong desk. I chewed my inner cheek then returned my face at them.
"Kung paano raw yung naging first meeting namin..." saad ko at humalakhak sila.
ARIANNE'S POV
Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin ay panay ang sulyap ko sa paligid. Sinusuri ko kasi kung tama nga ba ang memorya ko at so far ay wala pa namang pumapalya. Magkasabay kami ni Pristine pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Dahil kasi sa kaniya ay pinagtitinginan na naman kami at nadadamay ako.
How can someone be born with such an agreeable aura?
I sighed and scanned her. Katulad noong una ko siyang makita ay taglay niya pa rin ang ngiting parang anghel. So alluring, so comforting. It's like she's a deity descended from the above and asking healing prayers for everyone? But scratched that, because I know who she really is.
Napalingon si Pristine sa akin habang umaakyat kami ng hagdan.
"May problema ba Arianne?"
I sneered at her, "Oo, agaw pansin ka naman."
Humagikgik siya, "Bakit ako? Ikaw kaya. You don't know how much your fans misses you."
"Fans? Baliw," I shrugged. May sasabihin pa sana ako kay Pristine pero biglang may junior na bumati sa akin kaya't napaigtad ako sa gulat.
"Good morning, Ate Arianne. Welcome back."
Napakapit ako kay Pristine bago matugunan yung estudyante, "G—Good mo—morning," tugon ko at masaya siyang umalis.
"See?"
Napabuga na lamang ako ng hininga.
Kahit ayoko ay sinubukan kong tignan mata sa mata yung mga nakakasalubong namin. Halos lahat sa kanila ay nakangiti sa akin pero hindi ko maiwasang mas pagbigyan ng pansin iyong mga nagbubulungan. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na huwag pansinin ang mga negatibong bagay pero mahirap talaga kapag bahagi ng pagkatao mo ang pagkakaroon ng low self-esteem.
"Arianne yung kamay mo," nabulalas ni Pristine kaya't napatingin rin ako sa mga kamay ko. Sa sobra kong pag-iisip ay hindi ko napansin ang pagnginig nito. At nang mapansin ko iyon ay saka nagsunod-sunod na ang iba-iba ko pang nararamdaman sa tuwing inaatake ako ng anxiety.
Walang anu-ano'y napatakbo kagad ako patungo sa pinaka malapit na wash room. Hindi ako makahinga at halos pabagsak na ang mga mata ko kaya hinilamusan ko ang mukha ko. Pagkaharap ko sa salamin ay nakita ko kung gaano ako kaputla.
Huminga ako ng malalim para sana kumalma pero napalitan ng gulat ang reaksyon ko ng biglang lumabas si Natalie sa isang cubicle.
Mas lalo pa akong nagulat sa naging reaksyon niya.
"Arianne? What— Are you okay?!" Nanlalabo man ang paningin ko ay kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Agad lumapit si Natalie sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Say, what happened?"
Kanina pagpasok ay halos hindi niya ako pansinin pero ngayon ay ito siya't alalang-alala sa akin. Naguguluhan tuloy ako kaya nailang akong makitungo sa kaniya. Dumating si Pristine. Mabilis namang lumayo sa akin si Natalie at binitawan ang kamay ko.
Nagkatinginan silang dalawa pero wala akong naramdaman na magkatunggaling aura. Tahimik na humakbang si Natalie paalis pero bago siya makalabas ay pumihit siya palingon sa akin.
"Alagaan mo yung sarili mo."
Natalie's face is stiff but I felt that her words came from the bottom of her heart.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Pristine immediately went to me and she's not smiling anymore. As much as I'm sometimes annoyed by what her smile brings to me. I really can't afford to see her this worried.
"I think I'm fine."
"Are you sure? Dadalhin kita sa clinic."
"Okay na ako." I smile to prove that I really am.
"My god, Aya," Pristine hugged me, "I don't care what will I look. Iiyak talaga ako ng balde-balde kapag may nangyari nanaman sayo," aniya.
After the usual flag ceremony, the class started. Akala ko late lang si Bianca pero hindi pala talaga siya makakapasok. Our adviser announced that she is sick. Maybe she is so sick that she forgot to inform us, her friends. Anyway, Pristine & I planned to visit her after school.
I know how everyone tries to keep everything normal whenever they are around me. Habang kumakain kami ni Pristine ng lunch sa may cafeteria ay di ko maiwasang sundan ang mga kilos niya. Nabilang ko na nga kung ilang beses niyang nginunguya lahat ng sinusubo niya.
"Oh my, Aya, nako-conscious ako," she mentioned flirtingly kaya sumingkit ang mga mata ko.
Kanina ay tinignan ko ang bulletin board. Supposedly ay dapat may nakapaskil doon ukol sa Joint Foundation Event dahil one week pa lang naman ang lumilipas ng matapos iyon pero wala ni isang pin up ang nakalagay.
EAT GIRLS CLUB: Diet suspended; Buffet this weekend!
SAVING ANIMAL SOCIETY: Volunteers in need this rainy season.
Did you hear? Eastern Middleton Integrated School has a new club. And it will solve all your love problems!
Augusto ko 'yan, Augusto ko 'to, Augusto kita! Mula Batanes hanggang Jolo, sa wikang Filipino magbubuklod tayo!
Iyon lang ang mga nakapaskil sa bulletin. Pumunta ako sa journalism club para manghingi ng weekly newspaper pero wala silang naibigay sa akin dahil ubos na raw which is impossible. Bilang kasi iyon at dapat lahat ng estudyante ay makakuha.
"So nasaan yung copy ko?" I asked kind of irritated. Hindi sila nakasagot at napatitig lang sa akin. Umalis ako ng walang napala.
"Is it necessary to go that far?" tanong ko na nagpatigil kay Pristine. Mula sampu ay walong beses niya lang nanguya ang pagkain niya.
"What do you mean?" she innocently asked kahit alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.
"Magmamaang-maangan ka pa talaga?" I smiled slyly, "Hiding everything from me," sinabi ko na para hindi na kami magpaligoy-ligoy pa.
"Hiding what? I'm not hiding anything," tugon ni Pristine habang nakaiwas ng tingin sa akin.
This girl.
Nangisi na lang ako sabay iling. Alam kong siya ang may pakana nito. Hindi ko na siya kinulit pa dahil for sure ay wala akong mapapala. Eventually malalaman ko rin naman ang lahat. Naku-curious lang ako kung paano niya nagawang kasabwatin ang lahat sa ginagawa niya.
"Good noon, Arianne babe, what is your lunch today?"
I did have memory loss but I don't need to look at my back to know who is greeting me. Hindi ko pinansin si Noreen pero sa halip na makabuti ay nakasama lang ito nang umupo siya sa bakanteng silya na nasa tabi ko.
"How cruel, I missed you so much tapos hindi mo ako papansinin? You just lost some of your memories but I believed you didn't lose your heart."
Nilingon ko siya ng masama, "Happy?"
"Oh yes I am," Noreen exclaimed, "Anong kinakain mo? Can I have some? Feed me, feed me."
Umiling ako.
"Ikaw na lang Miss Pristine."
Umiling din si Pristine.
"Ang damot niyo naman sayang," nilingon ako ni Noreen, "I know you have a lot of questions, Arianne my love. Walang-wala pa naman ako ngayon kaya I am really willing to answer anything you will ask kung papakainin mo lang ako."
Pareho kami ni Pristine ay itinulak ang mga pagkain namin patungo sa kaniya.
"Yes," I said.
"No," Pristine said.
Noreen laughed heartily before taking a bite of Pristine's lunch.
"Sorry Arianne, ayokong ma-expel," saad niya saka siya tumayo. I eyed Pristine because of Noreen's remark. Sakto naman ay dumating si Natalie kasama si Eunice.
Natalie looked at me, at Pristine then at my lunch. I have a feeling that she wanted to say something.
"Noreen, kanina ka pa namin hinahanap," said Eunice which snatched Natalie's attention. Katulad ni Natalie ay napalingon rin ako kay Eunice. I was surprise to hear her talking with a cold tone. Eunice is crafty but constantly bubbly and speaks with a flirtatious voice. Did something happen? Mas naramdaman ko pa ang coldness niya noong tignan niya si Pristine.
"Pasensya na hehe," tugon ni Noreen, "Ano Nat, pautang naman o. Naubos ko kasi yung allowance ko for this month," dagdag niya.
"Huh? 2nd week pa lang ng August wala ka ng pera?"
Tumawa si Noreen.
"Alright. Marami akong baon ngayon, pagsaluhan na lang natin. Pamasahe lang yung mapapautang ko sa'yo."
"Yey! Hulog ka talaga ng langit Nat," pahayag ni Noreen. Nakita ko naman ang impit na pagtawa ni Pristine bago siya bumulong sa akin.
"Hindi kasi siya bagay doon kaya nilaglag siya."
Tumungo ang grupo nila sa isang bakanteng table na malayo sa amin. Muli ay ibinalik ko kay Pristine ang atensyon ko para banggitin sa kaniya ang tanong na biglang umusbong sa utak ko.
"May nangyari ba sa student council?"
Namilog ang mata ni Pristine, "Wala naman, bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Si Eunice kasi, kakaiba yung tingin niya sa'yo."
Slowmo na tumango ang kausap ko.
"Ano sa tingin mo? Mukha ba siyang galit sa akin?" tanong niya. Nagtaka naman ako.
"Hey, did you do something to her?"
Pristine didn't answer immediately. Tumingin siya sa malayo, sa nakatalikod na si Eunice.
"Maybe meron, maybe wala," Pristine's answer may be vague but her eyes conveyed it clearly.
I wonder what happened between them.
"Oy, ano yung nabanggit ni Noreen na ayaw niyang ma-expel?"
Bigla ay ngumuso si Pristine.
"Huh? Wala naman akong narinig," tugon ng walanghiya.
Tinitigan ko siya ng maigi pero nairita lang ako noong magpa-cute siya.
"Bwiset."
NO ONE'S POV
"Good gracious! Ang sarap nito Nat!" saad ni Noreen habang ngumunguya. Hindi pa man niya nailulunok ang pagkaing nasa bibig ay gumalaw na ang kamay niya patungo sa isa pang lunch box.
"Anong meron ngayon, Nat?" nagtatakang tanong ni Eunice. Hindi kasi normal na may ganito karaming baon ang kaibigan niya. Tinitigan niya si Natalie at napansin niya ang biglaang pagpula ng pisngi nito.
"Nothing special, I was just bitten by a cooking bug," tugon ni Natalie bago unconsciously ay napalingon siya sa kaniyang likuran. Sinundan ni Eunice ang kaniyang tingin at parehong napunta ang atensyon nila sa pwesto nina Pristine. Binalik ni Eunice ang mata niya kay Natalie at naabutan niya ang paglungkot nito.
"Grabe Nat," ngumuya si Noreen, "You'll make a good wife."
Angat ang biglaang pamumula ng pisngi ni Natalie dahil sa narinig. Imbes na sumubo ng pagkain ay napatikhim tuloy siya.
"Pwede ka na rin magtayo ng sarili mong resto. Huwag na kaya tayo mag-aral? Mag-business na lang tayo."
Umiling man si Natalie pero hindi niya maiwasang mapangiti, "You're complimenting me too much."
"Totoo naman Nat, 12 out of 10, siguradong mai-inlove sa'yo kung sino man ang makakakain ng mga luto mo," sabi ni Eunice.
Nagpatuloy sa pagkain ang tatlo. Ilang minuto ang lumipas na tanging mga nguya lang nila ang maririnig sa paligid. Sa sobrang pagka-busy nga ni Noreen sa pagkain ay hindi na napansin ng kuryosidad niya na kanina pa may mga malalalim na tumatakbo sa isip ng kaniyang mga kaibigan. Sa sobrang pag-iisip din naman ni Natalie at Eunice ay huli na ng mapansin nila na naubos na ni Noreen lahat ng pagkain. Pagkadighay lang nito ay parehong nabalik sa realidad ang mga kasama niya.
"I got it," Natalie said.
"Sorry? Ano 'yon Nat?" naguguluhang tanong ni Noreen.
Tumawa si Natalie, "Kung bakit mas pinili ni Aldred si Arianne... remember mas magaling siyang magluto?" Again, Natalie laughed.
Lumabas man na pabiro galing sa kaniyang bibig ang mga salitang iyon ay hindi naman malaman ng mga kaibigan niya kung ganon din ba nila tatanggapin ito.
♦♦♦