Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 78 - PROLOGUE IV

Chapter 78 - PROLOGUE IV

"P-Papa? Nasaan ka na po?" Umiiyak na tanong ng batang si Arianne habang nagtatago siya sa isang classroom. Rinig na rinig niya ang komosyon sa labas kung saan nagpupumilit pumasok ang ilang reporters. Nandoon ang kanyang guro at ilan pang school staffs para pigilan ang mga ito.

"Wala ba kayong mga respeto?! Kahit bata guguluhin ninyo para lang makapag-ingay kayo?!" bulyaw ng isang guro.

Makalipas ang ilang sandali ay humupa na ang tensyon. Bumukas ang pinto ng silid at nilapitan si Arianne ng kanyang guro. Tumabi ito sa batang kasalukuyang nagtatago sa sulok at nakaupo sa sahig.

"Wala pa po ba si Papa?" malungkot na tanong ng batang Arianne.

"Wala pa si Papa mo e, pero baka na-traffic lang 'yon. Wait na lang tayo a. Maya-maya lang nandito na iyon," saad ng guro saka hinaplos ang ulo ng bata pero halos dalawang oras na ang lumipas ay wala pa rin ang hinihintay nito.

Madilim na sa labas ng makarinig sila ng tunog ng sasakyan. Sumilip si Arianne sa bintana at nakita niyang lumabas ang ama niya mula sa kotse. Naka-coat and tie ito, obvious na galing sa trabaho. Nagmamadali itong tumakbo patungo sa loob ng paaralan.

"Arianne, anak, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Alex. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang anak. Umiyak ng matindi si Arianne habang hagkan-hagkan siya ng ama. Takot na takot siya kanina sa dami ng tao at sa tagal dumating ng Papa niya ay akala niya na hindi na siya nito susunduin pa.

"Mr. Fernandez, pwede ba tayong mag-usap?"

Kinausap ng guro ang papa ni Arianne kaya muli ay naiwan siyang mag-isa sa silid-aralan.

Tumungo si Arianne sa may bintana at tumingin sa kalangitan na napupuno ng mga bituin. Katulad sa mga palabas ay ninais niya na sana'y may shooting star na dumaan. Matagal na kasi siyang may hiling at baka ito ang makatupad ng nasa puso niya.

"Halika na anak," bumalik na ang papa ni Arianne at nagpaalam na sila sa kanyang guro.

"Thank you po, teacher," saad ni Arianne na malungkot na nginitian ng kanyang guro.

Habang naglalakad patungo sa kanilang sasakyan ay malungkot na tinignan ni Alex ang kanyang anak. Grade 1 pa lamang ito pero nararanasan na nito ang mga bagay na hindi dapat maranasan ng isang bata. Ilang buwan na ito sa eskwela pero nalaman niya sa guro nito na hindi pa ito nagkakaroon ng kaibigan kahit isa. Nasaktan siya ng malaman niyang tila walang gustong kumaibigan sa anak at alam niyang siya ang dahilan noon.

"Arianne, anak, gusto mo bang mag-home school?" tanong ni Alex sa anak pagka-upo niya sa driver's seat. Nakatingin siya sa rear mirror para makita ang reaksyon ni Arianne na kasalukuyang nakaupo sa likod.

Matagal ito bago sumagot kaya't nilingon na niya ito pero ng magsalita na ang kanyang anak ay katulad nang mga nakaraan ay siya naman ang walang matugon dito.

"Papa, nasaan na po si Mama?"

Inalis ni Alex ang atensyon sa anak at sinimulan ng paandarin ang kanilang kotse. Habang nasa byahe ay panakaw siyang sumilip sa bata at naabutan niya ang napakalungkot nitong ekspresyon.

Alam ni Alex na sobrang pagod na ang anak at sobrang trauma na ang naranasan nito para sa isang araw. Malapit lamang ang Central Private Grade School sa subdivision na kanilang tinitirhan pero sa dami ng reporters na nag-aabang kay Alex sa may gate ay tumagal sila.

"Mr. Fernandez nagkausap na po ba uli kayo ni Ms. Arevalo?" tanong ng isang reporter habang kumakatok sa bintana ng sasakyan nila.

"Mr. Fernandez, kamusta na po kayo ng pamilya ng ex-wife niyo? Anong masasabi mo sa pag-vote out mo sa kanila sa Arevalo-Fernandez Group of Companies?"

"Mr. Fernandez, nakita ka po nitong nakaraan na may kasamang isang elite businesswoman, siya na po ba ang bago niyong kinakasama?"

Bago tuluyang makapasok ng subdivision ay iyon ang huling tanong na narinig ng mag-ama. Napalingon si Aldred sa anak at naabutan niya ang mas lalong naglungkot nitong mga mata. Nang makarating sila sa kanilang pamamahay na mala European mansion ang itsura ay agad lumabas si Arianne ng sasakyan. Sinalubong siya ng kanilang mga kasambahay pero nagtatakbo siya at iniwasan sila.

"Arianne!" tawag ni Alex na nilingon naman ng anak.

"I hate you Papa!"

"I hate you!" 

Related Books

Popular novel hashtag