Chapter 19 - Chapter 1.18

Imbes na matakot si Evor ay nakaramdam siya ng kasiyahan. Hindi siya makapaniwala na makakaharap niya ang isang bandidong ito.

Susubukan niya ang potensyal ng nasabing bagong summon niya.

Mabilis na kinuha ni Evor ang Summoner's ball niya sa tattoo niya mismo at inihagis ito sa ere.

Umilaw ng napakalakas at kitang-kita ang napakalaking magic circles sa ere na kulay lila.

Kitang-kita kung paano'ng lumitaw ang dambuhalang kulay lila na dragon na siyang ikinagimbal ng mga bandido.

Halos laglag-panga ang mga ito sa kanilang nakikita.

Halos apat na beses lang naman ang laki ng dragon na ito sa dambuhalang uwak nila.

Bago pa man makaalma ang mga bandido sa panandaliang intimidasyon dahil sa dambuhalang dragon ay umatake na si Evor.

Gamit ang napakalaking kamay na mayroong nagtatalimang kuko ng dragon ay mabilis na inatake nito ang nasabing napakapangit na wangis ng uwak.

BANG!

Sumabog ang katawan ng nasabing uwak dahilan upang sumuka ng napakaraming dugo sa kanilang bibig ang mga bandido.

Akala ni Evor ay lalaban pa ang mga ito ngunit kitang-kita niya kung paano'ng nabahag ang buntot ng mga ito at isa-isang nagsialisan.

Kitang-kita niya pa ang takot na takot na mga mukha ng mga ito.

Nang maka-alis ang mga ito ay hindi na siya nagtangkang habulin pa ang mga ito. Sigurado siyang natakot na ang mga ito.

Maya-maya pa ay bumalik sa dati ang anyo ng nasabing summon niya na isang Blue Sea Serpent.

Hindi na siya mahihirapan na takutin ang mga duwag na mga kalaban niya.

Dahil sa replication at cloning ability ng Summon niyang ito ay kahit na ang kalahating lakas ng isang dambuhalang dragon ay maaari niyang magamit.

Kalahating lakas pa lamang iyon ng isang dragon, ano pa kaya ang aktuwal na lakas ng isang dragon?

Maya-maya pa ay nakita ni Evor sina Zen at Zero na patungo sa kaniya habang nakasakay sa Water Cloud Bear ang mga ito kasama ang mga nakatali pang mga bihag.

Mabilis na sinabihan ni Evor na magmadali sila na umalis.

Kahit na takang-taka ang magkambal dahil wala silang naabutan sa ere liban na lamang sa isang malakas na pagsabog ay wala na silang napansin na kakaiba.

Nakita rin nilang humahangos papaalis ang ibang mga miyembro ng Ghost Metal Bandits na akala mo ay may kinatatakutan ang mga ito.

Imbes na mang-usisa ang magkambal ay nanahimik lamang sila sa isang tabi kasama ang mga naisalaba nilang mga bihag at si Evor.

Isa pa ring malaking palaisipan kung paano natalo ni Evor ang mga bandidong iyon.

Magkagayon pa man ay pasalamat sila at nakaligtas sila at walang sinuman ang napinsala ng malubha sa kanila maging ang mga naisalbang mga bihag ng mga bandidong iyon ay nasa maayos ding kalagayan.

...

Simula din ng araw na iyon ay naging magkaibigan ang magkambal at si Evor. Kadalasan na silang nagsasama-sama at magka-batch lang sila.

Mabuti lamang at pwedeng mag-adjust ng mga schedule at tila naging malapit rin siya sa mga ito.

Ang magkambal na si Zen at Zero ay masasabi ni Evor na malalakas din. Sabay na rin sila mag-ensayo dahil magkaklase na sila sa bawat subjects na pinag-aaralan nila.

Nagtaka rin si Evor dahil parang ambilis naman ng dalawa na ito na magpalit na schedule ngunit isinawalang-bahala na lamang niya iyon. Kung may koneksyon man ang mga ito sa paaralan ay masasabi niyang hindi naman iyon big deal.

Maraming mga estudyante na may matataas na mga backgrounds at ang ilan pa sa mga ito ay galing sa mga mararangyang mga tribo at nayon. Hindi na rin iba kay Evor ang salitang prebilihiyo na minsan na rin niyang nakamit noong nasa orihinal na mundo pa siya na kinalakihan niya.

Gamit ang mga natutunan niya noon ay ibayong pagsasanay ang ginawa niya lalo na at huli na ng napagtanto niya na isinali siya ng kambal na ito sa isang Group Tournament nitong nakaraang araw lamang.

Kaya pala hindi siya nilulubayan ng mga ito dahil nakataya na pala ang mga pangalan nila sa nasabing tournament na pinamagatang "Summoner's Annual Tournament".

Ang nasabing tournament ay isinasagawa lamang kada taon at bawat grupo ay binubuo lamang ng 3 hanggang limang miyembro.

Sa madaming grupo na sasali ay tanging ang tatlong natitirang grupo lamang ang maaaring maglalaban-laban para ma-secure ang siyam na spot para maging reserve members ng Azure Dragon Academy at magrerepresenta sa akademya sa National Summoner's Tournament.

Sayang nga lang at mukhang di aabot si Marcus Bellford sa nasabing Group Tournament. Wala rin naman yung pakialam sa nasabing tournament dahil nakaatang na rin sa balikat nito ang responsibilidad upang maging susunod na pinuno ng kanilang nayon na siyang kinabibilangan ni Evor.

WHOOSH!

Isang malakas na pagaspas sa ere ang narinig ni Evor dahilan upang bumalik ang isipan niya sa kasalukuyan.

Kitang-kita nito ang Blue Lyrebird na siyang Fourth Summon Beast ni Zen.

Kakaiba ang araw na ito lalo pa't bakas ang malawak na ngiti ni Zen nang kitang-kita ang malaking pagbabago sa summon niyang ito na nag-undergo sa second phase ng nasabing ebolusyon nito.

Biglang inatake ng summon nito ang fourth summon ni Zero na isang Fire Golem na kasalukuyang may malaking Fire Shield upang sanggain ang atake ng Blue Lyrebird.

Biglang lumiwanag ang mga pakpak ng Blue Lyrebird senyales na gagawa ito ng atake at tatama ito sa kinaroroonan ng Fire Golem na pinoprotektahan pa rin si Zero.

Skill: Wind Tornado!

Napangiti na lamang si Zero lalo pa't hindi naman ito malakas lalo pa't kanina pa nito ginagamit ng summon ng kakambal niyang si Zen.

Ngunit tila nawala ang mga ngiti sa labi niya nang biglang lumiwanag ang bibig ng nasabing Blue Lyrebird at tila gagawa ito ng pangalawang skill na meron ito dahil sa biglaang breakthrough.

Hindi makapaniwala si Zero lalo pa't hindi pa nakontento si Zen at pinagamit pa nito ng second skill nito ang Blue Lyrebird at sa kaniya pa talaga gustong ipalasap ang atakeng ito ng kakambal niya.

Skill: Ball of Destruction!

Kasabay ng pagka-trap ng Fire Golem sa mabagsik na wind tornado ay tumama din dito ang malaking bola ng asul na liwanag na naglalaman ng malakas na enerhiya.

Isang nakakasilaw na asul na liwanag at kasunod nito ang malakas na pagsabog.

BANG!

Nakakabingi ang pagsabog at halos kalahati ng battle ground ang nasira.

Napatayo naman si Evor nang mapansin na nakasalampak sa lupa sina Zen at Zero na kapwa hingal na hingal.

Halos sabay rin na naglaho ang bawat summon na pagmamay-ari ng kambal.

Inis namang napabangon si Zen lalo pa't patas lamang ang naging laban.

"Paano ba yan, patas lamang ang naging laban, AHAHAHA!" wika ni Zero habang napabangon ito.

"Hmmp! Maswerte ka lang Zero dahil bago pa lamang ang skill na iyon ngunit nakaya kong gibain ang depensa ng Fire Golem mo hahahaha!" Wika ni Zen na ayaw patalo sa kakambal nito. Ngayon niya lamang nasira ng tuluyan ang depensa ng Fire Golem na siyang ikaapat na summon ng kakambal niyang si Zero.

"O siya, tama na yang bangayan niyong dalawa. Mabuti at nasa simulation room tayo. Kung tutuusin ay mananalo sana si Zen sa laban ngunit sa unang pagsubok ng paggamit ng skill na iyon ay masyadong delikado lalo pa at wala kang kontrol sa labis na enerhiyang pinakawalan ng Blue Lyrebird mo Zen. Isa rin iyong padalos-dalos na desisyon Zen kung kaya't naubusan ng enerhiya ang summon mo maging ang mana mo ay nasaid din. Kapag sasali tayo sa tournament ay siguradong malaking advantage ang atakeng iyon para sa huling atake natin. Ikaw naman Zero, masyado kang nawala sa focus dahilan upang bumaba ang kumpiyansa mo sa sarili at hinayaan mo lamang na ma-trap ng tuluyan ang Fire Golem mo. Ang pag-underestimate sa kalaban mo ang magiging dahilan upang matalo tayo sa laban kung sakaling mabuwag ang depensa natin kapag sumabak na tayo sa tournament." Mahabang salaysay ni Evor upang direktang sabihin sa mga ito ang maaaring flaws ng magkambal.

Si Zen sa opensa habang si Zed ay depensa at siya naman ay ang magiging controller ng nasabing laban na ito sa pamamagitan ni Zhaleh.

Ang fire fox niya ay kasalukuyan nasa hibernation at wala pa siyang alam kung kailan matatapos iyon.

Ang Blue Sea Serpent naman ay magsisilbing panlito at taga-suporta sa laban nila kung sakali. Susubukan niyang paunlarin ang nasabing summon niyang iyon at matiyak kung ano ang magiging second skill na makukuha niya mula sa summon beasts niyang iyon.