Chapter 23 - Chapter 2.2

CRUNCH! CRUNCH! CRUNCH!

Kitang-kita ng lahat kung paanong kinain ng Stone Statue ang bunga ng Golden Tree na napakatayog na.

Halos sampong beses ang laki nito at kusa nitong iniabot ang bunga sa hayok na hayok na Stone Statue.

Mas nagliwanag ang buong katawan ng Stone Statue at patuloy pa sa paglaki ang Golden Tree at mukhang magbubunga pa ito ng marami.

Halos walang ginawang ingay ang mga manonood lalo pa't mukhang alam na nila sng kahihinatnan ng labang ito.

Isang itim na mga squared cubes na tila display lamang sa bawat field na walang kabuhay-buhay laban sa Golden Tree at Stone Statue na lumakas pa ng lumalakas habang lumilipas ang oras.

Ngunit maya-maya pa ay kapansin-pansin na tila nagkakaroon ng mga itim na spots sa bawat parte ng Golden Tree.

Hanggang sa mabilis na dumami ito ng dumami dahilan upang mangamba ang lider ng Black Hoods sa nangyayari. Sinubukan pa nitong gumamit ng skill ngunit mukhang hindi na umuubra.

Bigla na lamang itong nsging summoner's ball na siyang ikinabigla ng lahat.

Ang Stone Statue naman ay bigla na lamang naging Summoner's ball na siyang ikinabigla rin ng lahat.

"Madaya!"

"Boooo!!!!"

Ito ang malalakas na hiyaw na pinakawalan ng mga manonood. Kitang-kita nila kung paano'ng tila nagkaroon ng nasabing dayaan sa labanang ito.

Three Warlords Wins!

Kitang-kita kung paanong bumakas ang galit na galit na mga mukha ng halos lahat ng mga manonood sa labanang ito.

Hindi sila kumbinsido sa naging resulta ng labang ito ng dalawang grupo.

Biglang umakyat ang isang babaeng guro sa gitna ng field.

"Magsitahimik kayong lahat! Ang labang ito ay siyang ikinawagi ng Three Warlords. Tingnan niyong maigi ang ipapakita ko sa inyo.

Biglang nagkaroon ng ilusyon sa malawak na field at nakita ang isang kulay ubeng cube.

Dito ay halos manlaki ang mga mata nila sa kanilang nasaksihan.

Ito ang Purple Lighting Cube o mas kilala bilang "The King's Cube." Isang perfect summon kung ilarawan ng lahat. Ang bawat hari ng bawat henerasyon ng Azure Dragon Kingdom ay pinagpapasahan nang nasabing Summoner's ball na ito na sobrang makapangyarihan.

Ito din ang ginamit noon ng hari upang itaguyod at protektahan ang kanilang kaharian laban sa mga nilalang na may masamang hangarin para sa kanila.

"Mukhang naiintindihan niyo na ang gusto kong sabihin. Kung may reklamo kayo ay humarap kayo sa kasalukuyang hari ng Azure Dragon Kingdom sa mismong palasyo dahil parang kinikwestiyon niyo din ang pamamahala nito. Maliwanag?!" Sambit ng babaeng guro at inayos pa ang salamin na suot-suot nito.

Napanganga ang halos lahat at nagsitahimik na rin sa kanilang kinatatayuan. Maya-maya pa ay nagsimula muli ang iba pang laban para sa ibang mga grupo.

....

Imbes na magpahinga si Evor at ang magkambal ay mukhang damay-damay sila sa nasabing insidente.

Maging ang magkambal ay nagimbal din sa kanilang nalaman.

Paano'ng nagkaroon ito ng Dark Cube bilang summon nito ay napakaimposible dahil alam ng kambal na tatlo lang ang nasabing summon na nasa pangangalaga ni Evor at imposibleng may isa pa dahil isang void summon ang isa, in short walang silbi na summon sa mundong ito.

Isa lang ang naiisip nila at iyon ay ang huling summon nito na kayang mag-replicate o gumaya ng anumang summon.

It was a rare summon kung tutuusin.

Naghihintay lamang sila sa labas ng silid na pinasukan ni Evor na siyang opisina mismo ng Headmistress kasama ang iilang mga guro upang i-discuss ang posibleng kahihinatnan ng ginawa ni Evor.

Nangangamba sila na baka hindi na sila makakasali pa.

Grabeng kaba na nila lalo pa't baka magresulta pa ito ng mas mabigat na parusa at patalsikin si Evor sa loob ng akademya.

Ayaw nilang mangyari iyon. Naniniwala silang walang kasalanan si Evor dito at wala siyang nilabag na batas ng akademya.

....

Sa loob ng silid ng Headmistress...

"Bale, sinasabi mo na mali ang paratang ng lahat sa iyo? At bakit meron ka ng Summoner's ball na katulad ng sa hari, Evor?!" Seryosong tanong ng Headmistress habang nakaharap kay Evor.

Ang Dark Cube na iyon ay isang pambihirang summon na kahit sino man ay katatakutan ang maaaring gawin nito. Kahit nga sila ay nabigla rin sa totoo lang. Halos kawangis talaga nito ang sinasabing Royal Cube na pagmamay-ari ng kasalukuyang hari ng Azure Dragon Kingdom.

Nagpatuloy ang pag-uusisa kay Evor. Ang ilang katanungan ay masasabi niyang sobrang personal at kinwestiyon ang kredibilidad at pinagmulan niya.

Imbes na magalit o makaramdam ng negatibo si Evor ay sinabi niya ang ilang mga bagay na maaaring makatulong upang i-abswelto siya sa mga bagay na hindi naman talaga totoo.

"Huwad lamang ang summoner's ball na hawak ko. Sa katunayan ay kaya lamang nito mag-replicate ng mga summon ng iba." Pag-amin ni Evor sabay kuha ng Summoner's ball niya sa mismong braso niya.

Agad na pinakita niya kung paano nag-iba-iba ang kulay at disenyo ng Summoner's ball niya.

Nagsummon din siya ng iba't-ibang summon gamit lamang ang isang Summoner's ball niyang iyon dahilan upang maniwala na sila.

Walang anumang klaseng paglabag at malinis ang konsensya ni Evor upang paratangan siya ng masama.

Ang pagpapakita ng kakayahan ng summon niya ay talaga namang wala sa plano niya. Alam niyang naibunyag niya ang kabuuang kakayahan ng Summoner's ball niya.

Sinabi niya rin na huwad din ang kakayahan ng summon niya at hindi nito mapapantayan ang orihinal na lakas ng tunay na summoner's ball ng naiisip niya.

Mula sa mga titig na pinupukol sa kaniya ay kumbinsido naman ang lahat ng nasa silid na ito sa kaniyang naging pahayag.

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Evor na baka kumalat ang mga impormasyong sinabi niya dahil hindi talaga maiiwasan iyon. Alam niyang maaaring magamit ang lihim na sikreto niyang ito at gamitin sa kaniya sa hinaharap.

No choice naman siya at baka pag-initan hindi lamang siya kundi ang magkambal din or worst ay tanggalan siya ng karapatan na mag-aral pa dito sa Azure Dragon Academy.

Sila lamang ang maituturing niyang kaibigan o malapit sa puso niya sa akademyang ito. Ayaw niyang ng dahil sa kaniya ay mawalan din ang mga ito ng karapatan na makapag-aral.

Sa huli ay malaya siyang pinaalis ng Headmistress at sang-ayon din ang ibang mga saksing guro sa sinabi niya.

Ngunit alam niyang paglabas niya ng silid na ito ay mas dadami pa ang pagsubok na darating sa buhay niya bilang mag-aaral ng Azure Dragon Academy.