NATHAN'S POV
"wh_what are you two doing?"
Mas nagulat ako kasi kompleto ang barkada ngayon..and they just saw us being like this.
"is this real?" somebody said but it sounds like Cloud said it.
Hindi ko na magawang tingnan sila because of their reactions.
"but_ kagigising lang ni Aikka" tita said.
I really need to explain this time.
"uh....I'm_ I'm just helping her tita, mali po kayo ng iniisip" agad akong lumayo kay Aikka and helped her sa kanyang mga bitbit.
"bah, natagalan lang ng saglit si tita, kung anu-ano na ang ginagawa niyo ha?" Elaine said habang papalapit na rin sa amin.
Ano ba ito? Pakiramdam ko, I'm too embarrassed dahil sa nangyari.
"guys, you just misunderstood us. He's not doing it to me" Aikka explained.
Tama! saka sino nga naman ang matinong lalaking gagawin ang bagay na iyon sa kaoopera niyang gf?
By the way...hindi ko siya GF...so wala talagang katuturan ang mga iniisip nila.
Hay! Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo.
"naniniwala ako kay Aikka so, everyone, please don't stress her out." then bumalik si tita sa kinauupuan niya kanina at masayang kinausap si Aikka.
We're so glad that she's fine now. Hoping na lang kami for her full recovery.
"by the way, yung daddy mo, baka mamaya lang, andito na siya. For now, kumain ka muna ng fruits para lumakas ka at gumaling agad. I bought you apples and grapes"
"thanks mom" Aikka in her weak smile.
Habang tinitingnan ko silang dalawa, napapangiti na lang din ako kasi now, Aikka already have her dream na magkaroon ng buong pamilya. I'm so happy for her. She got everything now.
"ikaw Ijoh, do you want some?" offered ni tita to me.
"oh yes, thank you po" then kinuha ko yung apple. Now, makakain na rin ako ng gusto kong kainin kasi alam kong okay na siya.
Mabilis na lumipas ang mga oras...
Nakarating din si Chairman. He was so happy na makita si Aikka na okay na kaya agad niya itong niyakap.
I think, si Spade na lang ang kulang. Bakit wala pa siya? Wala ba siyang balak na dalawin ang gf niya?
"we're so glad at medyo okay ka na sissy. Alam mo bang sobrang ngawa ni Elaine sa labas ng operating room mo last time dahil sa sobrang worried niya." Abby said while smiling.
"talaga?" nakangiting ask naman ni Aikka.
"oo, talo pa nga niya ang bagong silang na sanggol sa tinis ng boses eh" dagdag naman ni Jotham.
"hoy, grabe naman kayo, I just cried but hindi naman yung maingay" Elaine explained.
"really? tanungin natin sila tito and tita to prove that I'm telling the truth" Abby.
Napangiti na lang si tita dahil sa panunukso ni Abby kay Elaine.
Hay! Andami na talagang nabago sa ugali ng mga kaibigan ko ngayon. I didn't expect those changes tho'. But honestly, nakakamiss din.. kasi feeling ko, sobrang daming get together ang napalampas ko just because I don't remember anything. I hope na..hindi na maulit ang masasakit na past na iyon kasi, iba talaga ang effect nito sa future.
"well, I'm happy dahil all of you are worried sa akin. I mean, thank you guys for always being by my side." Aikka said.
I just smiled. Kasi mas thankful ako dahil pinagbigyan niya akong makausap at makita siyang okay.
"well, to be honest, si Nathan talaga ang dapat makatanggap ng ganyang pasasalamat from you Aikka...kasi sa aming magkakaibigan? siya talaga ang laging nasa tabi mo." Jotham said.
"And kahit ilang beses na namin siya sabihang magpahinga at alagaan din ang sarili niya, he always says "I'm fine..don't worry" para lang mabantayan ka" Cloud added.
Naku, they don't need to emphasize it. Aikka is so important to me kaya ko iyon nagawa. So, hindi na kailangan ang recognition pa.
" hindi na nga ata iyan naliligo si insan eh kasi sa tuwing dadating kami dito from work, puting t-shirt pa rin ang suot niya..like now, iyan pa rin ata ang suot nya noong naoperahan ka, Aikka" Elaine.
Pambihira. Marami lang talaga akong white t shirt sa condo kaya ganon. But naliligo naman ako.
"I'm taking a bath kaya" I just said.
"talaga ba? sigurado ka dyan huh?" nakangiting sabi ni Elaine.
Nagtawanan na lang kami kasi pinaamoy ko sa kanya ang kili-kili ko to prove her wrong.
And that time, puro kwentuhan na kami.
Masaya lang. Yung para bang, nakalimutan namin yung mga hindi magagandang nakaraan na pinagdaanan naming lahat.
Until.....Spade finally came in and everyone became serious.
"Spade, where have you been?" Chairman asked.
"ah...may inasikaso lang po..I'm_ I'm sorry if ngayon lang ako nakabalik" he said.
"are you okay?" tita asked him kasi he looks pale.
"yes, of course tita. I'm totally fine. H_how about you Aikka, are you okay now? sobra mo kaming pinag-alala alam mo ba iyon?" he said at agad niya akong pinalayo kay Aikka habang papalapit siya sa kanya.
I think, I need to go na. The boyfriend is here so tapos na ang pagkakataon ko. I know din naman kasi na we're not in good terms ni Spade ngayon lalo na't ako ang reason kung bakit nabaril si Aikka.
I'm about to go outside when Aikka called my name.
"Nathan...."
That voice. Parang bumabalik lang ako sa highschool years ko.
"why?" napalingon ako sa kanya.
"where do you think you're going?" she said.
"ah....w_wala dito lang" I lied.
"can't you just stay here for a while? I wanted that everyone would be here..kahit ngayon lang, please?"
I sighed.
Siya pa ba? Hindi ko kayang tanggihan ang mga ganyang alok niya.
I smiled.
"of course, I'll stay" sabi ko.
Pero ewan ko ba, when I said it? 'Yung mga reaction ng kaibigan ko..parang they all have a common thought in mind.
Looks like they're teasing me or what.
And I feel na hindi iyon nagustuhan ni Spade.
"Aikka, I already talked to my sister and alam ko na ang lahat. I_ I know na hindi ito ang perfect timing but....I'm afraid na I would not have enough time if hihintayin ko pang gumaling ka."
"w_what do you mean Spade?"
"I just don't want to be selfish anymore Aikka...I'm breaking up with you"
Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. All of a sudden?