Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 96 - TELLING HIM NO MATTER WHAT

Chapter 96 - TELLING HIM NO MATTER WHAT

Next day...

Nakita ko si Nathan sa corridor with his teammates kaya agad ko siyang hinabol. Well, siguro naman this time, he has no reason to escape na from me.

"Nathan!" me kaya napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin. His teammates started to tease him kaya iniwan nila kami to have time to talk.

"Aikka, bakit?" him in a cold tone of voice.

Hindi pa rin siya okay.

I'm hoping na ngingiti na siya after giving my gift to him.

"I_I just wanted to give you this as my birthday gift"

But kinukuha ko pa lang 'yung box with watch, tinanggihan na niya itong tanggapin as if alam na niya kung ano ito.

"but, why?" me.

"Aikka, sorry pero hindi ko talaga matatanggap iyan."

Now....

Hindi ko na talaga siya maintindihan. Kahapon, parang iniiwasan niya ako tapos ngayon? Ayaw naman niyang tanggapin ang gift ko for him. Ang sakit na sa heart huh.

"Hindi mo pa naman nakikita ang_" I tried to explain but he's starting to make excuses again.

"kailangan ko nang umalis Aikka, pumasok ka na at baka malate ka pa. Magpapractice lang kami ng basketball" him.

"Bakit lagi na lang iyan ang ginagawa mong excuse Nathan? I don't care if ma-late ako! Gusto kitang makausap."

"Aikka...I'm sorry"

Aalis na sana siya but I stopped him. I hugged him kahit nakatalikod na siya sa akin. This time, nakaramdam na ako ng fear..

Isang fear na baka, tuluyan na siyang lumayo sa akin. That's why, naglakas na ako ng loob na sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin noon pa.

"Nathan, I love you"

Natigilan siya saglit.

And still, I didn't hear any response from him.

"I said, I love you"

At nang sabihin ko ulit iyon, sobrang bilis na ng heartbeat ko because of nervousness. I'm hoping na sana this time, hindi na niya ako iwasan.

"Aikka" sabi niya tapos dahan-dahan siyang kumawala sa pagkakayakap ko at humarap sa akin.

I looked him in his eyes and imbis na saya ang makita ko sa mga mata niya dahil sa sinabi ko...hindi eh, kabaliktaran nun.

"a_ayaw mo na ba sa akin Nathan? Pagod ka na ba?" me na parang gusto ko nang umiyak.

Nalulungkot ako kasi bigla na lang siyang naging cold sa akin.

But part of me is still hoping na sana hindi totoo ang mga hinala ko. Na sana, hindi totoong pagod na siya sa paghihintay sa akin.

"Aikka, bakit mo ba iyan sinasabi?" him.

"kasi napapansin kong lumalayo ka na sa akin. So just answer me, tama ba ako, ayaw mo na ba sa akin?" ask ko.

He sighed tapos tiningnan niya akong mabuti sa aking mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit para takpan ang aking tenga.

May sinabi siya sa akin at kahit hindi ko iyon narinig, pero alam kong ang salitang Mahal din kita ang ibinulalas ng kanyang mga bibig sa mga sandaling ito.

Then, ibinaba na niya ang kanyang mga kamay. At bahagyang lumayo sa akin.

"From now on Aikka, huwag mo na akong lalapitan. Huwag mo na rin akong kakausapin kasi ayaw kong masaktan kita. At sana, kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin, kalimutan mo na ang lahat ng iyon.... I'm sorry Aikka." tapos bigla na siyang umalis.

Really?

That moment, para akong nabingi saglit.

"Nathan!" me trying to follow him but pinigilan niya ako.

Then he started to walk away without looking back.

Napaluha ako because of it.

I can't understand him. Naguguluhan na ako sa kanya.

~•~•~

Lunch time. Nasa tree house kaming lima and pinag-uusapan namin ang patungkol sa nangyari kanina. Habang ikinikwento ko ang nangyari kanina, I'm holding my tears back. Baka kasi sabihan na naman nila akong iyakin at marupok. But honestly, that's what really I am. Pagdating sa emotions ko, no. 1 sa list ko ang pagiging cry baby.

"really? di kaya may pinagdadaanan itong si Nathan and ayaw lang niyang sabihin?" sabi ni Jotham.

"pero kilala ko iyang si insan eh, hindi siya ganyan..kasi kapag may problem siya, sinasabi niya sa akin or sa mga trusted friends niya." Elaine.

"so you think, may alam ang mga basketball teammates niya tungkol sa kanyang pinagdadaanan?" Abby.

"that's what I'm thinking, maybe one of his teammates knows about it." Elaine said.

"to make sure, why don't we try asking them?" sabi naman ni Cloud.

"if there's one person na he's trusting so much right now, I think..it would be Markus" me.

"okay, we will talk to him and ask him. But if he don't speak to what is really happening, mapipilitan kaming kausapin si Nathan in a way na hindi niya magugustuhan" Abby.

"Abby..... you don't need to force him like that. He's our friend at ayokong masira ang friendship nating lahat just because of this misunderstanding." me.

A moment of silence.

"well, napapaisip talaga ako eh, hindi kaya ang ibig sabihin ni Nathan ng sabihin niya iyon sa iyo ay kabaliktaran?" Jotham.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"ano namang ibig mong sabihin doon?" Cloud.

"Kasi guys like us, based on my experience huh, we are trying to have a feisty character in front of the ladies kaya kahit in times na may pinagdadaanan tayo or kami (him while looking at us), we're trying to be strong. So sa tingin ko, ganon din si Nathan, he's acting to be cool kaya ayaw niya lang sabihin sa iyo Aikka DIRECTLY na....huwag mo siyang iwan kasi kailangan ka niya. Pero I think..that's what he meant. Saka obvious naman sa aming he likes you kaya you shouldn't be bothered about that girl. Maybe, the only thing that you need to do right now, is to stay with him at huwag kang susuko o bibitaw, since nasabi mo na naman di ba ang tunay na nararamdaman mo for him" Jotham.

Because of what Jotham said, naging calm na ang isipan ko.

So, maybe he's right.....Nathan needs me and no matter what, I'll be there for him kahit ano pang sabihin niya. Hindi ako susuko.

Related Books

Popular novel hashtag