SPADE's POV
FRIDAY
Kagagaling ko lang ng airport pero agad na akong nagshower para makapaghanda na mamaya. Nagtext na rin kasi si Viel na nakaset up na daw ang lahat. Nagsuggest siyang doon magland ang helicopter sa may bandang light house para mas kita daw iyong mga balloons. Papaliparin daw kasi nila ang mga ito kapag sinagot na niya ako.
Pero actually, hindi ko naman iniexpect na sasagutin niya ako this time because my main purpose for this is para ma-aware lang siya. Okay lang naman sa akin if she will say to me na she's not yet ready eh.
Nagbihis na ako.
Ang sinuot ko ay black polo at light brown na jeans with a pair of black shoes.
"okay na ba ang suot ko?" tanong ko sa aking secretary.
"ah...siguro mas bagay po yung white sneakers sa suot mo" suggest niya.
"well, I don't like white kaya okay na ito" tapos inayos ko na ang aking buhok at umalis na.
Sinundo ko si Aikka sa SA kasi when I texted her, nasa school na pala siya.
Himala nga at hinanap niya ako bigla.
~•~•
SANTOS ACADEMY
Nasa main gate siya ngayon naghihintay. And nakadress siya which is nakakapagtaka. Nagiging babae na ba siya?
Agad akong bumaba at pinapasok na siya sa kotse ko.
"kanina ka pa ba dun?" tanong ko sa kanya while driving.
"ah...hindi naman masyado." her.
I looked at her. Para ring may nagbago sa face niya. Hindi kasi iyon ang usual na nakikita ko kapag tinitingnan ko siya.
"teka lang, you have put some make-ups ba sa iyong face?" natatawa kong sabi.
But why all of a sudden?
"ah..eh....wala lang. I just realized na maganda rin palang magmake up" her.
Okay. Is it because of what I've said last week?
"right...mas maganda ka ngayon" sabi ko na lang. Trying to make her heart flutter.
Tiningnan ko naman ang reaction niya. She just smiled.
"siya nga pala, saan ba tayo pupunta? di ba tapos na ang pagpapanggap natin? alam na natin kung sino ang nanggugulo sa SA, so anong purpose ng pagkikita nating ito?" her.
"Actually, may gusto lang talaga akong sabihin sa iyo and I really planned to surprise you"
"wow, surprise? make it sure na magugustuhan ko iyan huh" she said.
"well...sana" sabi ko.
Kaya binilisan ko na ang pagmamaneho until nakarating kami sa place kung saan ako nagpahanda ng helicopter.
"akala ko naman na dadalhin mo ako sa mansion n'yo" bigla niyang nasabi.
Dadalhin sa mansion namin? Pwede din, para mas madaling matapos ang lahat. But, I just wanted to enjoy first. Ang plano ay plano.
Paglalaruan ko muna siya.
"ah...never mind sa sinabi ko huh? medyo nacucurious lang kasi ako kung gaano ba talaga kayaman ang mga Santos. Nagbabalak kasi si dad na magpapasok ng investors sa company namin.. naisipan ko lang na baka interested ang daddy mo" sabi niya.
"well, good idea, don't worry... sasabihin ko iyon kay dad, let's see kung interested ba siya sa offer mo"
Lumabas na ako at pinagbuksan siya ng pinto nitong kotse. Sabay kaming naglakad pasakay ng helicopter.
"teka, saan mo ba talaga ako balak dalhin?" her.
"surprise nga di ba? okay...lalagyan ko muna nang blindfold ang mga mata mo huh" then inilagay ko ito sa mga mata niya until the helicopter takes off.
Hindi ko alam pero habang binabaybay nitong helicopter ang alapaap, kinabahan ako bigla.
As if I'm doing it really.....for her.
I mean, its just part of my drama kaya why would I be nervous?
Siguro, sinusumpong na naman ako ng chest pain ko.
Huminga na lang ako ng malalim.
Nang medyo binabaan na ng pilot ang altitude between the surface and the helicopter. Tinanggal ko na ang blindfold kay Aikka. Then I let her look kung ano ang magiging reaction niya.
"Aikka, I know na tapos na ang pagpapanggap natin..." then I looked at her eyes para isipin niyang I'm sincere with what I am saying.
"kaya now, ang gusto ko ay totohanan naman.....and I wanted you to know my real feelings for you. Dahan-dahan kang tumingin sa ibaba" me guiding her to look on what I've prepared for her. (Para lang sa confession kong ito).
"a_are you sure? natatakot ako, baka kasi mahulog ako" worried na sabi niya.
"better nga na mahulog ka eh" I said kaya napaisip siya bigla
"mahulog sa akin" dugtong ko.
Tss. Ang baduy!
"talaga? pero mas prefer kong itulak ka" her.
I_tulak?
"itulak para mahulog ka rin...sa puso ko, ayiiie!"
Tae. Anong nakain nitong si Aikka? Sobrang baduy naman din pala niya, hindi ako sanay.
Anyway, back to the plan.
"tingnan mo na Aikka" medyo nilambingan ko na lang na sinabi, baka kasi masayang pa ang effort kong ito eh.
Tumingin siya sa ibaba. Then, she saw the I love you phrase formed by students standing.
"wow!!!!!!"
Na-amazed ata siya sa surprise ko. Ang galing ko talaga!
"ang ganda ng beach!! nararamdaman ko na ang summer!" her.
Beach?
Bwiset. Akala ko pa naman, nakita na niya.
Duling ba ang babaeng ito? Itulak ko nga kaya siya sa helicopter ng makita niya ang pinageffortan ko.
"h_hindi ang beach! tingnan mo ng mabuti" sabi ko.
"ay, hindi pala ang beach?" tapos tumingin ulit siya sa ibaba.
Siguro naman this time, habang dahan-dahang dinadaanan ng helicopter ang shoreline...mapapansin na niya yung mga students doon at ang I LOVE YOU phrase.
"awh! thank you Spade" her na masaya.
"nabasa mo na?" tanong ko sa kanya.
Siguro naman this time_
"h_ha? nabasa? I thought na you're refering to the yacht by the sea. Hindi mo ba iyon binili for me?"
Loko to ah.
Ang yaman-yaman ng babaeng ito, may pagkaburaot din pala. Sabihin ko na nga! Kainis! Ipapatingin ko talaga ang mata nito sa opthalmologist eh.
"Aikka, I love you. Iyon ang nasa baba." then I pointed those students na kanina pa nakatayo doon.
Nang sabihin ko iyon...
Natigilan siya saglit. Nagulat ata siya sa sinabi ko.
"ah...alam kong medyo nagulat ka pero....." hinawakan ko ang kamay niya tapos itinapat ko iyon sa bandang chest ko.
"ito talaga ang nararamdaman ng aking puso"